Hello Readers ☺️
Sorry po at medyo matagal ang update.. Nag edit po pala muna ako sa mga chapters ko bago ako mag update ng bagong Chapter, kaya mapapansin po ninyong parang hindi padin siya gaanong updated sa ngayun. This chapter po ay kasama pa sa edited na part ng story and the next chapter po na epapublish ko yun na po yung bago. Thank you for understanding.❤️
****************
Samantala nagulat naman si Annika ng biglang may humila sa braso niya habang papalabas sila ni Raven sa Restaurant na yun, muntikan pa siyang mapasubsob sa katawan ng lalaking humila sa kaniya, kumabog ang dibdib niya ng marinig itonh nagsalita... He knows it was him.
"She came here with me... Kaya ako ang maghahatid sa kaniya..!" Sabi ni Raven habang nakikipagsukatan ng tingin dito at hinawakan din ang isang braso niya.
"In case you forgot... She's married to me now..!So you better stay away from her..!" Mariing sabi ni Nicolai.
"We have a special bond since we were young .. you can't make us apart " Seryuso ding sagot ni Raven.
"I can and I will...!" Sabi nito at hinila siya ulit palapit sa katawan nito.
Dahil sa sagutan ng dalawang magpinsan, pati siya naguguluhan nadin sa nangyayari, Bigla niyang tinanggal ang braso niya sa pagkaka hawak ng dalawang lalaki.
"Saglit lang..!Saglit lang...! Ako ba tinanung niyo kung kanino ko gustong sumama.. kung gusto niyung magtalo fine...mauuna na ko..!" Sabi ko.
"NO...!! You're coming with me..!" Bakas sa mukha ni Necolai ang tinitimping galit. Kaya natigilan naman siya at Matalim padin ang tingin nito kay Raven.
"Let's go..!" Sabi nito at hinila siya nito sa braso. Ngunit muli niya itong pinigilan at muling lumingon kay Raven.
"Sorry Rave..I think i should go with him..mag iingat ka sa pag uwi..!" Sabi niya at tumalikod na sa kaibigan.
Walang nagawa naman si Raven kundi ang tignan nalang ang papalayong si Annika...
It should be me...instead of him.. nasabi niya sa kaniyang sarili.
Kasalukuyan nasa loob ng sasakyan sina Annika habang nagmamaneho naman si Nicolai.
Madilim padin ang mukha ni Nicolai at masama padin ang loob niya dito... Hindi niya alam kung dahil sa nakita niyang may kasama itong ibang babae or ang pakikipagtalo nito kay Raven.
Hindi din niya alam kung paano niya ito kakausapin, kung dapat ba niyang tanungin ito kung sino ang kasama nitong babae or kung ipapaliwanag niya dito kung bakit sila magkasama ni Raven kanina.
She sighed.
"Why are you with him..?" Narinig niyang tanung nito.
"He asked me out .." mahinang sagot niya dito.
"He asked..? So everytime ba na mag aaya siya sasama ka.?" Cold nitong tanung.
"He's my friend...-"
"Dammit...!!" Bigla nitong naihampas ang kamay sa manibela kaya bigla akong natigilan sa pagsasalita.
"I know he is your friend.. and I am very much aware that you are f*cking in love to that friend of yours.." galit nitong sabi.
"Teka nga..!. Bakit ba nagagalit ka..? You already know sa simula palang kung sino talaga ang gusto ko hindi ba..tsaka isa pa, hindi lang naman ako may kasamang iba ngayun, ikaw din naman ah.." napalakas din ang boses niyang sabi dito.
Bigla nitong hininto ang sasakyan mabuti nalamang at naka seatbelt siya kaya hindi siya tuluyang napasubsob sa harapan ng sasakyan.
"What are you doing..are you trying to kill us..?!!!" Sigaw niya dito.
Bigla naman itong lumingon sa kaniya, his face darkened and the way he stares.. pakiramdam niya ang ganitong klaseng tingin nito ay nakakapag tindig ng kaniyang mga balahibo at biglang kumabog ang kaniyang dibdib habang nakatingin siya dito.. bahagya siyang napa urong sa gilid ng pinto ng sasakyan.
"Don't you know that you are killing me now..!!" Sabi nito at lalong lumapit sa kaniya kaya mas lalo siyang napasiksik sa gilid ng pinto, bigla nitong hinawakan ang likuran ng kaniyang ulo at hinila palapit dito,namalayan nalang niyang inangkin na nito ang kaniyang mga labi. He seem so hungry with the kiss kaya halos ayaw nitong pakawalan ang kaniyang mga labi. It wasn't a passionate kiss.. tila isang mapagparusang halik na naman yun katulad ng halik nito noon sa kuwadra.
Sinubukan niyang itulak ang dibdib nito ngunit sadyang malakas ito kumpara sa kaniya at mas lalo pa nitong diniinan ang halik nito bago siya marahas na binitawan habang nanatiling nakayingin sa kaniyang mga mata.
"Always remember this.. kahit papel lang ang namamagatin sa atin.. you are still mine...I can do whatever i want to you..! So you better stay away from that f*cking friend of yours ..." mariin nitong sabi at muling pinaandar ang sasakyan.
Hindi na siya nakaimik dahil sa sama ng loob na nararamdaman niya ngayun. Pinagbabawalan ba siya nitong makipag kita kay Raven samantalang ito malayang nakikipagkita sa ibang babae. Mabilis na dumaloy ang luha sa kaniyang pisngi na agad naman niyang pinahiran ng kaniyang kamay at itinutok niya ang pansin sa labas ng bintana.
Namagitan ulit ang katahimikan sa kanilang dalawa hanggang makarating sila sa kanilang bahay. Agad siyang dumeretso sa kuwarto niya at nagkulong doon.
Samantala hindi muna umakyat si Nicolai sa kaniyang kuwarto. Nakatingin lamang siya kay Annika habang papaakyat ito sa kuwarto nito.
Pumunta siya sa kaniyang study room at doon umupo. Naitukod niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang ulo habang nakapikit. Then tumayo siya at kumuha ng alak at nagsalin sa baso para pakalmahin ang kaniyang sarili.
Biglang bumalik sa isip niya kung bakit siya pumayag na pumunta doon sa Hacienda noon. He already saw her bago paman sila magkita ng personal.
Pinaimbistigahan niya na noon ang hacienda . Noong una wala siyang pakialam sa Hacienda gusto niya lang malaman kung bakit hanggang sa ngayun ayaw pading bumalik doon ng kaniyang ama kaya pinaimbistigahan niya ito. Until she saw her from those pictures kasama ang pinsan niyang si Raven, Alam niyang nabuhay ang inggit sa puso niya noon kay Raven dahil His cousin got the life he wanted, gusto niya noong bumalik sa Hacienda but his father never allowed him, dahil hindi daw ang hacienda ang buhay na para sa kanya. Since he saw her .. hindi na ito nawala sa isipan niya. Then he meet his cousin accidentally at kinausap siya nito na bisitahin ang hacienda at first he is not interested but when he remembered that he might meet her there...pumayag siya sa imbitasyun ng pinsan niya.
Doon niya narealize kung anu ang kulang sa buhay niya. Nang makita niya itong nakasakay sa kabayo nito, she looks so happy and free just like a bird...hininto niya noon ang sasakyan niya just to watch her from afar ..and that very moment he wanted to have her.
Mas lalong lumaki ang kagustuhan niyang makuha si Annika when he saw how close she is to Raven at lalo pa ng inamin nito sa kaniya na Mahal nito ang pinsan niya... He already got everything in life... But Raven got her.... pero ang pagkatalo ay wala sa kaniyang bokabularyo.
So when he got the chance to have her... he took her to his room ng makita niya itong nalasing sa party. Yes he is the one who took advantage of that situation last time then he talked to his grand parents and ask them to marry Annika.. They are confuse that time dahil alam nilang si Raven ang gusto ni Annika, pero he said something to them kaya napapayag niya ang mga ito and told them to act para hindi naman gaanong obvious na siya ang may pakana ng lahat.
Then it all happened she was married to him now. Pero bakit hindi padin niya ito magawang ilayo sa pinsan niya. Isn't he still enough for her..? Or talagang sadyang mahal padin talaga nito si Raven...?
Alam niyang pag pinagbawalan niya na itong magtrabaho mas lalong magagalit si Annika sa kaniya at ayaw din naman niya makulong ito dito sa bahay niya.
Naihilamos niya ang kamay sa mukha. He can solve every single problem in his company but why pag dating kay Annika he can't think of something to make her fall for him. Hindi naman kaila sa kaniya na maraming babae ang gustong mapansin niya.. Pero bakit hindi si Annika..? whats wrong with her...?
Naisip niyang maghiwalay sila muna ng tulugan ni Annika dahil alam niyang hindi niya kayang pagilan ang sarili pag kasama niya ito sa iisang silid. Ayaw niyang madaliin ang lahat gusto niyang ,mahalin din siya nito tulad ng nararamdaman nito sa pinsan niya.
He doesn't know how to court a woman dahil ang mga ito ang kusang lumalapit sa kaniya noon. But since he got married he rejected those women na gusto siyang makasama and then that woman na kasama niya kanina was one of his investors kaya pinaunlakan niya ang pag aya nitong mag dinner.
Nag iisip padin siya ng may maalala siyang isang tao. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at may tinawagan.
"Hello...It's Me....! Can we meet..right now..!?"
Pagkatapos niyang maibaba ang cellphone agad siyang lumabas ng study room at umalis ulit ng bahay.
********
Pagkatapos nang nangyari dalawang araw na silang hindi nakikita ni Annika si Nicolai. Maaga padin itong umaalis at hindi na niya namamalayan kung anung oras na ito umuuwi.
"Annika something's wrong?" Tanung ni Geo sa kaniya ng mapansin nitong halos buong araw siyang tahimik.
Napaangat siya ng tingin kay Geo at bahagyang ngumiti.
"I'm fine" sagot niya dito.
"Napansin ko lang kasing kahapon ka pa tahimik.." sabi nito.
"May mga iniisip lang ako but nothing to worry.." sabi niya kay Geo at tumango nalang din ito sa kaniya.
Pagkaout nila ng hapon.. halos kasabay niya ding lumabas ng building ang kaniyang mga kasama sa opisina pati na si Geo. Nauna namang umalis ang tatlong supervisor nila kaya sila na lamang ni Geo ang magkasamang nakatayo sa entrance habang hinihintay niya si Mang Felix.
Habang naguusap sila ni Geo huminto sa harap nila ang kaniyang sundo.
"Mauuna na ko.." paalam niya kay Geo.
"Okay.. mag iingat ka.." nakangiting sabi nito. Tumango naman siya dito at sumakay na passenger seat.
Tahimik siyang nakasandal sa upuan ng sasakyan at dahil sa pagod sa maghapon napapikit nalang siya.Hindi paman nagtatagal ang kanilang byahe naramdaman ni Annika na tumigil ang sasakyan kaya napamulat siya ulit.
Napalingon siya sa labas ng bintana at napansin niya na nakahinto sila sa gilid ng daan.
"Mang Felix bakit po tayo huminto..?" Nagtataka niyang tanung. Pero nagulat siya ng magsalita ang driver niya.
"Transfer here at the front..!" Utos nito. Kaya napatingin siya sa driver na inaakala niya si Mang Felix padin... And to her surprise it was Nicolai who driving the car.
"Don't make me repeat what i said..!" Sabi nito in a cold voice...nang hindi padin siya kumikilos... Pero may choice ba siya... Wala di bah.. kasi kung hindi niya ito susundin baka bigla diya nitong iwanan sa daanan.. Kaya agad siyang lumabas sa sasakyan at lumipat sa harap.
Wala padin silang imikan habang nagbabyahe sila...then napansin niyang tila iba na ang tinatahak nilang daan... Parang palabas na ito ng maynila.
"Where are we going..?" Nagtataka niyang tanung kay Nicolai
"Batangas.." tipid na sagot nito.
Batangas..? Anung gagawin namin sa batangas...? Himutok ng isip niya
Napahalukipkip nalang siya at hindi na nagtanung pa.
"Just sleep...if you like.. it will be a long drive.." narinig niyang sabi ni Nicolai.
Napatingin siya dito..ngunit agad ding umiwas ng bigla itong lumingon sa kaniya. Pinilit nalang niya ulit makatulog kahit ang totoo ilang araw nading hindi mawala sa isip niya ang halik na yun ni Nicolai.