Chapter 1- The Handsome stranger

2027 Words
Sakay ng kaniyang puting kabayong si Snow inikot ni Annika ang malawak na hacienda ng mga Del Rios.Dito na siya halos lumaki. Nakamulatan na niyang dito nagtatrabaho ang kaniyang mga magulang, sapagkat pinagkakatiwalaan ng mag asawang Del Rios ang kaniyang ama na siyang mamahala sa hacienda ng mga ito. May dalawang anak sina Senior Mauricio at Seniora Carina na parehas naninirahan sa malayong lugar sapagkat may sarili nading mga pamilya. Ang tanging naiwan lamang sa mga ito ay ang apo nilang si Raven Villacer na naging malapit niyang kaibigan at kababata. Magtatanghalian na ng makabalik siya sa hacienda. Simula ng umalis si Raven upang mag aral sa ibang bansa madalas na siyang sumasabay sa pagkain sa mag asawang Del Rios dahil nalukungkot daw ang mga ito pag sila lamang dalawa ang magkasama sa malaking bahay. "Annika.. mabuti at nandito ka na.. halika ka na at kakain na. Tsaka may ibabalita ako sa'yo." Malawak ang ngiti ni Seniora Carina. Sa edad na seventy five ay may kahinaan na ang katawan nito kaya madalas niya itong inaalalayan tuwing nasa malaking bahay siya. Akay niya ang seniora papunta sa magarang kusina ng mga ito. Nadatnan nilang nakaupo na si Senior Mauricio sa hapag kainan. "Siya nga pala iha... Kamusta ang tatay mo..maayos na ba ang pakiramdam niya?" Tanung ni senior Mauricio habang hinihintay nilang dalhin ng mga kasambahay ang mga pagkain sa hapag kainan. "Opo Senior, Mabuti na po ang lagay niya ngayun...baka po sa makalawa babalik na po ulit siya dito sa hacienda." Sagot niya. "Nako! May katigasan talaga ng ulo yang tatay mo.. pagsabihan mung magpahinga muna ng ilang araw..maayos naman ang lagay ng hacienda." sabi ni senior Mauricio "Alam niyo naman pong hindi yun mapapakali hanggat hindi nakakaikot sa hacienda, ngayun pa nga lamang at panay reklamo na niya kay inay pagkat nababagot na sa bahay." Paliwanag niya. "Kaya't napakaswerte namin at nariyan kayong mag ama para alagaan ang hacienda.." nakangiting sabi ni Seniora Carina na sinang ayunan naman ng asawa nito. Natigil lamang ang kanilang pag uusap ng magsimula na silang kumain. "Ngapala iha ..tungkol dun sa sasabihin ko sa'yo kanina. May maganda akong ibabalita." kakaiba ang ngiting yun ni Seniora Carina kaya naeexcite din siyang malaman ang sasabihin nito. "Ano po yun seniora?" Tanung niya. Nagpalipat lipat siya ng tingin sa mag asawang nasa harap niya dahil panay ang tinginan ng mga ito. "Magkakaroon ng party dito sa susunod na sabado." Sabi ni seniora. "Talaga po!! Matagal tagal nadin pong hindi tayo nag paparty dito sa hacienda.Siguradong matutuwa po ang tauhan niyo po dito." natutuwang sabi niya. "Hindi mo ba tatanungin kung anung meron sa susunod na sabado?" Tanung ni seniora na kakaiba padin ang ngiti. Napaisip naman siya sa sinabi nito. Alam niyang malayo pa ang birthday ng dalawa. Kaya napakunot siya ng noo. " Anu po bang meron?" "Uuwi na ang apo kong si Raven...iha!!" Pakiramdam niya domuble ang kabog ng kaniyang puso. Ni hindi niya malunok ang huling pagkain na nasa kaniyang bibig. Ngunit pinilit niyang inayus ang sarili, nakakahiya naman sa dalawang matanda na nasa harap niya. "T-talaga po...uuwi na si Raven?" Paninigurado niyang tanung. "Oo... Graduate na siya sa kursong medisina at doctor na siya ngayun... Kaya naisipan niyang magbakasyon muna dito habang hindi pa siya gaanong abala." sabi ni seniora. Matanda si Raven ng dalawang taon sa kaniya pero mas nauna siyang nakapagtapos ng pag aaral sa kursong Agriculture dahil apat na taon lamang ito samantalang kay Raven ay Medicine kaya mas matagal ang iginugol nito sa pag aaral. At simula ng umalis ito nawalan nadin sila ng kumunikasyon kaya ngayung nalaman niya na uuwi ito ganun na lamang ang sayang nararamdaman ng puso niya. "Kaya dapat magandang gown ang susuotin mo!" sabi ng seniora. Napalunok naman siya sa sinabi nito. Ayaw niya sa lahat ang magsuot ng gown, kahit nga ang sinuot niyang bestida noong graduation ay pinilit lang din niyang suotin. "Bakit naman po? Okay naman pong simpleng damit lang yung isuot ko kahit siguro yung bistida ko nung graduation day ko, yun nalang po ang susuotin ko." Sabi niya at nahihiyang ngumiti. "Naku.. hindi pwede yun iha.. para ka namang pupunta ng simbahan nun..hayaan mo at ako na ang bahala sa susuotin mo." Sabi ni Seniora. "Hindi ko naman po siguro kailangan magbihis ng maganda seniora kasi tutulong naman po ako sa pag aasikaso ng party." nag aalinlangan niyang sabi. "Hayss..may mga tao na akong gagawa niyan. Isa pa may isasama daw siyang mga kaibigan, Kaya kailangan maganda ka.. para naman makahanap ka na ng kasintahan." Bigla naman siyang naubo dahil sa sinabi nito. "Nako... Seniora pag laking manila halos lahat puro papogi lang ang alam baka nga hindi pa kayang magbuhat ng isang kaing na manga yang mga yan." Natawa naman ang seniora sa sinabi niya. "Ikaw talagang bata ka puro ka biro...siya sige na, basta ako na ang bahala sa'yo sa araw na yun." nakangiti nitong sabi. Masaya siyang nagpaalam sa mag asawa, hindi niya mawari ang excitement na nararamdaman ngayun dahil sa balitang yun. Naglakad siya papunta sa puno ng mga manga na kasalukuyang namumunga na biglang pumasok sa isip niya si Raven. Apo ito ng mag asawang Del Rios sa bunsong anak ng mga ito na si senorita Amelia na nakapag asawa ng isang negosyante sa Maynila si Carlos Villacer. Dalawa ang naging anak nila sina Farah at Raven. Nang magpasyang pumunta sa ibang bansa ang mag anak ,nagpaiwan si Raven sa kaniyang lolo at lola. Pero nang magkolehiyo na ito wala itong nagawa ng sabihin ng mga magulang nito na doon ito mag aaral. Matagal na siyang may lihim na pagtingin dito ,iniiwasan niya lamang na malaman nito baka mailang ito sa kaniya at maging dahilan ng pagkasira ng kanilang pagkakaibigan. Mayroon pang isang anak na lalaki ang mag asawang Del Rios. Si Arthur Del Rios panganay nilang anak, na sa pagkakaalam niya ay may isa ding anak din na lalaki. Madalang lang kung umuwi sa hacienda ang panganay nilang anak , hindi naman sa pagiging tsismosa pero ang sabi ng tatay niya ay mayroong tampuhan ang mag asawa sa pagitan ng panganay nitong anak. Kaya simula ng umalis ito ay hindi na ito umuwi. Ngayung magbabalik na ulit si Raven, nagkaroon ng munting pag asa ang puso niya na sana sa pagkakataong ito mapansin na siya nito hindi bilang kaibigan kungdi isang babae. Nang sumunod na mga araw naging abala ang hacienda sa pag aasikaso ng nalalapit na party. At maging si Annika ay hindi maibsan ang excitement na nararamdaman habang papalapit ang araw na yun. Byernes nang sumunod na linggo halos okay na ang lahat para sa party. Idadaos ito sa malawak na hardin ng malaking bahay. Nakasakay si Annika kay Snow habang nag iikot sa hacienda nang araw na yun, dumaan siya sa ilalim ng matataas na puno ng mga niyog at dahil masyado siyang excited para bukas hindi niya napansin ang dalawang sasakyan na papasok sa loob ng hacienda. Saglit lamang siyang nag ikot at ng masigurado niyang okay naman ang lahat nagpasya na siyang bumalik sa malaking bahay. Sa gilid ng daan niya pinapatakbo si snow at mabagal lamang ang takbo nito, ngunit bigla nalang itong nagulat at mabilis na tumakbo dahil biglang bumusina ng malakas ang isang sasakyan na nasa likuran niya. Saglit niya lang itong nilingon sapagkat natuon ang pansin niya kay snow. Pilit niya itong pinapakalma ngunit sadyang nagwawala na ito. Napansin niyang humahabol ang kotseng sa kanila ni snow at sa pagkagulat niya mabilis itong nakaabante sa kanila at huminto ito sa unahan at lumabas ang lalaking driver nito. Ngunit mas lalo lang siyang kinabahan dahil mukhang walang balak si Snow na iwasan ang kotse sa harapan, napapikit nalang siya ng malapit na sila sa kotseng yun at sa isang iglap biglang may malakas na mga braso ang humatak sa kaniya mula kay Snow at naramdaman niyang gumulong gulong ang katawan nila sa damuhan, nang tumigil sila sa pag gulong hindi siya ka agad nakamulat dahil sa kabang nararamdaman niya ng may marinig siyang nagsalita. "Are you enjoying it there?" sarkastikong sabi ng lalaki. Bigla niyang naimulat ang mga mata at sumalubong sa kaniya ang mukha ng lalaki. Halos hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. "Ang Guwapo.." sigaw ng isip niya. Ang mga mata nitong parang nakakalunod habang nakatingin sa kaniya, nababagayan ito ng makakapal na kilay at matangos na ilong. Napalunok siya ng maramdaman niya ang matigas nitong dibdib habang nakalapat ang mga palad niya dito. Nanlaki bigla ang mga mata niya ng marealized niyang padapa pala siyang nakapatong sa ibabaw ng katawan ng estranghero. Mabilis siyang tumayo at agad niya itong tinarayan para mapagtakpan ang hiyang nararamdaman niya ng mga sandaling yun. "Alam mo, kasalanan mo 'to ei.. bawal dito sa hacienda ang bumusina ng malakas lalo nat may mga alagang hayop dito na gumagala...tignan mo at nagulat si Snow dahil sa ginawa mo!" Naiirita niyang sabi dito. "Is not my fault!! Ilang beses na akong bumusina sa likuran mo, didn't you hear it?!!" Paninisi din nito sa kaniya "Ah.. at ako pa ngayun ang may kasalanan... Ki lawak lawak ng daan bakit hindi mo nalang ako nilagpasan , di bah?!!" Nakapameywang niyang sabi. "Jeez...!! You know what I'm in a hurry... You're wasting my time!! Isa pa don't ride a horse kung hindi mo alam kung paano ito pakalmahin!!" Madilim ang mukhang sabi nito at agad na naglakad pabalik sa sasakyan nito at mabilis na pinaandar . Bahagya pa siyang naubo ng lumipad ang alikabok sa paligid dahil sa mabilis nitong pagpatakbo. "Bwesit na lalaking yun... Walang modo!!" Maya maya ay natigilan siya ng may maisip. Bisita kaya yun nila seniora...?? Hayss.. bahala na..! inikot niya ang paningin sa paligid at hinanap si Snow ng hindi niya ito makita naglakad siya papunta sa mangahan.Mabuti na lamang at nakita niya ito na nakahinto na sa ilalim ng isang puno ng manga, agad niya itong nilapitan at hinaplos ang mukha. "It's okay Snow, Makakaganti din tayo sa lalaking yun." sabi niya at hinila na niya ang tali nito at naglakad nalang sila pabalik ng hacienda. Agad niyang ibinalik sa kuwadra niya si Snow. Sa kusina na din siya dumaan papasok sa bahay ng mga Del Rios para tignan kung okay na ang mga kakailanganin para bukas. Naabutan niyang abala ang mga kasambahay lalo na sa pagluluto, kaya nagtaka na naman siya. Di ba bukas pa ang handaan? Bakit parang andami na nilang inihahandang pagkain ngayun? Nilapitan niya si Manang Hilga ang pinakamatanda sa mga kasambahay at tinanung. "Manang..parang andami niyo naman pong luto ngayun...di ba bukas pa yung party?" Tanung niya dito. "Hindi mo ba alam?" Pabulong nitong sabi. "Ang alin po?" "Dumating na ang mga bisita nila Seniora!!" Sabi nito. Hindi agad siya nakapag salita. Ramdam niya din ang pamamawis ng mga palad niya at ang unti unting pag bilis ng t***k ng kaniyang puso . "Annika iha! Nandito ka na pala.Halika at may ipapakilala ako sa'yo." Nilingon niya si Seniora Carina na malawak ang ngiti habang papalapit sa kaniya, agad niya naman itong nilapitan at inalalayan. Habang naglalakad sila papunta sa sala, narinig niya ang masayang kuwentuhan ng mga tao mula doon. Dahil nakatalikod ang mga bisita mula sa kanila, si Senior Mauricio ang unang nakapansin sa paglapit nila.Mayroong tatlong tao itong kaharap dalawang lalaki at isang babae. Nang tuluyan na silang nakalapit sa mga bisita biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay ng makilala ang isang lalaking tahimik na nakaupo sa isang upuan. Ang walang modong lalaking to ,bisita pala talaga dito sa hacienda. Nakakunot din ang noo nitong tumingin sa gawi niya na agad niya naman itong inirapan. "Iha...meet my apo.. Nicolai Del Rios!" sabi ni Seniora Carina ngunit sa pagkagulat niya hindi ito nakatingin sa gawi ng dalawang bisita kundi sa gawi ng lalaking walang modo. "A-apo niyo po siya seniora?!!" Gulat niyang tanung sa matanda. Lumingon siya sa gawi ng lalaking yun At nakangisi namang nakatingin sa kaniya ang walang hiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD