CHAPTER 2

1293 Words
Chapter 2:First meeting "CAREFUL, baby," malambing na sabi ni Lervin sa akin at tumabi pa talaga siya sa akin. He caressed my back and I stilled because of that. Parang nayanig 'yong system ng katawan ko dahil sa simpleng haplos niya lang sa akin. Ganito po kalakas ng impact ng asawa ko sa akin. Hindi ko alam kung kailan ko ito naramdaman, basta ganito na siya. Kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan. Naiilang ako minsan pero gustung-gusto ko naman siyang makita. Eh, kahit minsan wala na akong pakels sa kanya. I can still remember our first meeting. Nasa Bitter & Better Restaurant kami noon. "Are you ready to met your future husband, apo?" mahinahong tanong sa akin ni daddy-lo Arthur. Umuwi ako nang maaga kasi nga ime-meet ko raw ang future husband ko, ang sabi ni daddy-lo sa akin. Freshman pa lang ako sa college ay gusto na niyang maikasal na ako kaagad. Si daddy-lo na lang kasi ang nag-iisa kong pamilya. Ulila na ako sa parents ko. Namatay sila noong five years old pa lamang ako. Car accident daw sabi ni daddy-lo at dead on arrival. Kaya si daddy-lo na ang nag-aalaga sa akin at ngayon nga, lumaki naman ako nang maayos. Kaya mahal na mahal ko talaga ang lolo ko. Kaya lahat ng gusto niya ay sinusunod ko na lang. Kaka-18 ko pa lang three months ago. Isa pa nakapagka-sunduan nina daddy-lo na civil wedding pa lang daw muna. After graduation ko na lang daw ang grand wedding. Though, okay lang naman sa akin ang civil wedding. "Yes, daddy-lo," nakangiting sagot ko sa kanya. Ready na nga ako, kahapon pa. Nagsuot lang ako ng off-shoulder dress na hanggang tuhod ko lang ang haba. Kulay red ito at pinarisan ko ng doll shoes sa baba. Hinayaan ko na ring nakalugay ang mahaba kong buhok na hanggang baiwang ang haba nito. Si daddy-lo ay nakasuot naman ng black suit. Formal na formal ang ayos niya at kahit may katandaan na ay guwapo pa rin ang lolo ko. "Good evening." Napaangat ang tingin ko sa nagsalita na malapit sa table namin ni daddy-lo. Napaka-baritono ng boses ng lalaki at nang masilayan ko ang hitsura niya ay bigla ring bumilis ang t***k ng puso ko. Ang guwapo! Halos malaglag na nga ang panga ko sa floor ng resto na ito. Naka-formal suit din siya at kahit tila pokerface lang siya ay hindi man lang nabawasan ang kagandahang lalaki niya. Where is justice? Feeling ko tuloy pang-w*****d character fictional si kuya. "Good evening, too hijo. Maupo ka," nakangiting aya sa kanya ni daddy-lo at base sa boses ni daddy-lo ay mukhang masaya siya. Saan naman? Masaya ba siya na makikilala na namin ang isa't-isa nitong kuyang pogi? "Uh, hijo. This is Arthea Primero, my beautiful granddaughter," pagpapakilala naman ni daddy-lo sa akin at nagtama naman ang mga mata namin. Doon, at mas natitigan ko siya ng mabuti. Mula sa mala-perpekto niyang kilay, ang malamig na malamig niyang mga mata na kulay abo. Pababa sa matangos niyang ilong at mapupula niyang labi. Ang guwapo niya talaga. Bigla akong nauhaw. Kaya 'yon nga ang ginawa ko. I drink my cold water. Feeling ko namumula na ang face ko ngayon. Unang kita ko pa lang sa kanya ay ganito na ang nararamdaman ko. Parang may paruparo sa loob ng stomach ko at kinikilig ako. "And apo, he's Lervin de Cervantes. Your future husband." Wew! Hindi ako lugi nito! Guwapo naman ang mapapangasawa ko. Pero mukhang suplado? "Hi, beautiful. I'm Lervin," pagpapakilala naman niya sa akin. Tumayo siya at yumuko malapit sa akin. Inabot niya ang kamay ko at hinalikan pa ito. Napaawang na lang ang labi ko sa ginawa niya at napalunok ako nang ngumiti pa siya. Oh, good God! Parang nanginig ang sistema ko dahil lang sa paghalik niya sa kamay ko! Tapos parang may kuryente pa? Holy, God! He had a set of dimples! Ang ganda! I composed myself and I cleared my throat before I smiled at him. "Nice to meet you, Lervin. Just call me, Art," nakangiti ring sabi ko and wew. Hindi ako nautal. "Well, please to meet you too, baby." End of flashback... *** Okay naman ang una naming pagkikita but after our wedding? Nah, biglang naglaho ang kabaitan niya at hayon nga. Madalas hindi na siya umuuwi sa bahay namin. Minsan ko na lang din siya na nakikita, eh. Oo na, sinabi ko kanina na wala akong pakels--pakialam sa kanya. Pero totoo! Nag-aalala rin ako sa kanya! At dahil nag-aalala nga ako ay nakakatampo rin. Kasi ako ang asawa niya at wala man lang akong ideya, kung saan siya nagpupunta o kung okay lang ba siya ngayon. Isa pa, alam ko namang busy siyang tao. Busy sila sa mga pasyente nila sa hospital at isa pa, doctor naman siya. *** "Ihahatid na kita." Malamig na naman ang boses niya. Nakakainis siya. Hindi porket asawa ko siya ay hindi ko na siya a away in, hmp! "Just go, I can go back to school. Magra-ride ako ng taxi. Sayang ang oras mo sa akin," may pagtatampo kong sabi. Hindi naman kami close niyan pero paminsan-minsan din ay nag-uusap naman kami. Komportable naman akong awayin siya pero madalas talaga, wala kaming kibuan. Mariin na magkalapat ang mga labi niya at malamig na tiningnan niya ako. Tapos parang bored na bored pa ang klase nang pagtitig niya sa akin. "Don't be stubborn, Arthea," he said in a cold voice and he use his authority voice at the same time. Pss. Hindi ko siya pinansin at nilampasan ko lamang siya. Lumapit na ako sa kaibigan ko at pinulupot ko ang kamay ko sa braso ni Shin. "You guys can go na. We can manage to go back to school," I said and Lervin took a deep breath. Magsasalita na rin sana ang hubby ni Shin, kaso naunahan na siya ng kaibigan ko. "Yeah, okay na kami rito. Sasakay na lang kami ng taxi and besides, nag-taxi naman talaga kami papunta rito," mahinahong saad ni Shin. "Alright." Pagsuko ni Lervin at nginisian ko na lamang siya. "Ipapara ko na lang kayo ng taxi," ani Cervin at iyon na nga ang ginawa niya. Huminto sa tapat namin ang taxi na pinara ni Cervin at binuksan nito ito kaagad ang pintuan ng sasakyan. Bago pa isara ni Cervin ang pintuan at binalaan pa niya ang taxi driver. "Dahan-dahan po kayo sa pagmamaneho, manong. May babae po kayong pasahero." Cool. "Take care." Pinausad na ng taxi driver ang kanyang sasakyan at sabay pa kaming napatingin ni Shin sa labas ng bintana. Mabilis din silang sumakay sa sarili nilang sasakyan at napailing na lamang ako. Binalingan ko nang tingin ang kaibigan ko at katulad ko rin ang reaction niya. "Seriously? Bakit nakasunod ang kotse ng asawa mo, Art?" nagtatakang tanong ni Shin. Napaismid ako, "bakit nakasunod din ang sasakyan ng asawa mo, Shin?" balik na tanong ko naman sa kanya. "Sa totoo lang, Art. Pang-w*****d fictional character ang face ng hubby mo, eh," aniya at may pagkamangha na naman sa kanyang boses. Sa kanya ko pa nalaman ang mga ganyang fictional character daw. "Parang asawa mo rin?" tila inosenteng tanong ko. "Oo, madalas na snob at tahimik. Kahit strict 'yan ay alam kong importante sa kanya ang mga taong nasa paligid niya,"sambit ng kaibigan ko at may kahulugan 'yon, ah. "Kasama ka naman kaya?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. "Ewan ko," sagot naman niya at nagkibit-balikat lang. Okay na sana 'yang asawa ko, eh. Kung hindi lang siya gago. Alam ko naman na hindi magaspang ang ugali niya. Pero hindi ko talaga alam kung bakit ibang-iba ang pagtrato niya sa akin. Nakakaiyak nga ang ugali niya, eh. Kahit na hindi ko pa siya lubos na kilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD