THE OPPOSITE OF HATE
"Liam is Sick"
Pumunta na ako sa aming classroom suot ang jacket na ipinahiram ni Liam kanina, hindi ko parin na alam kung bakit ganon ang kanyang mga action kanina at kahapon. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Liam na nakaupo at parang natutulog, pero di ko na ito pinansin, kailangan ko paring magpasalamat dahil sa ginawa niya, pero mamaya nalang. Napansin ko na nakatitig halos ang aking kaklase sa akin.
"Uhm..anong tinitingin niyo". sabi ko, na parang curious.
"Yiiee suot ni Kira ang jacket ni Liam!".
"Are you guys dating?".
"What happened between you two?! you both usually fight and argue all the time".
Mga wika nila, at marami pang iba. I just stayed quiet without knowing my cheeks are freaking bright red.
"H-hindi-". pinilit kung sabihin, and then Liam snapped his hand at his desk hard, making the whole class quiet.
"Walang nangyari sa amin, mga tanga! And we're not in a f**cking relationship!". he yelled sounded furious making our classmates stop talking about it.
"At pandak, ibalik mo yang jacket ko pagkatapos ng klase, punta ka sa aming bahay, ipasundo na kita kasi una na akong uuwi". sabi niya sa akin, bago tumulog ulit.
Kira's pov:
"A-amoka mo! sa bahay nila!" sabi ko sa aking sarili.
At bakit bang tulog siya ng tulog, and just acted like nothing happened when he just did something nice for me
Natapos na ang klase at una na siyang umalis, nag stay muna ako kasi meron pa akong iniasikaso. Maya-maya natapos na rin ako at merong nakaabang na itim na sasakyan sa aking harapan at merong tao na nakatingin sa akin at nag wika ng.
"Miss, pumasok kana sa kotse, utos sa akin ito ni Young Master Liam, kasi kailangan mong isauli ang jacket niya". sabi nito.
Hindi na ako nagsalita at pumasok nalang sa kotse.
"Bakit kailangan pang ipasundo ako para lang isauli ang jacket ng siraulong iyon!". sabi ko sa aking sarili na naiinis.
Ilang minuto lang at nandito na kami sa lugar na tinitirahan ni Liam, sobrang laki ng bahay nila at sobrang lawak rin ng bakuran, marami ring mga katulong at bodyguard ang naroon, pero wala naman akong pakialam, ang importante masauli ko na ito at umuwi agad.
"Miss, naroon si Young Master Liam sa kanyang kwarto, sabi niya ikaw nadaw ang maghatid sa gamit na ipinahiram niya sa iyo". sabi ng katulong na may ngiti.
"Okay po, maari mo po ba akong dalhin sa kwarto niya, Manang. Medyo ang laki ng bahay baka maligaw ako". sabi ko na may ngiti sabay kamot ng aking ulo, tumawa ang katulong at idinala rin at itinuro sa akin kung saan ang kwarto ni Liam.
Nasa labas na ako ng kanyang kwarto at kumatok.
"Come in, argh..bwesit". sabi niya pero ang para itong may sakit.
I enter his room to find him lying in bed, with his blanket wrapped around him at ang kanyang mukha ay wala sa lagay, na para bang may lagnat ito.
"Jacket mo, at salamat kanina". wika ko.
"Ilagay mo lang diyan sa table, at mag-ingat ka sa mga sinusuot mo, pandak". wika nito na may inis.
Napakunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya.
"Eh, sino ka naman para pagsabihan ako?! At bakit ka rin naman biglang sumulpot ron, diba absent ka kaninang umaga!". wika ko na may inis dahil parang kino kontrol nito ang galaw ko.
"Pakialam mo! at coincidence lang naman yun! Nag absent ako dahil may lagnat ako, pero agad rin naman akong pumasok sa hapon dahil akala ko na magaling na ako pero bumalik rin naman ang lagnat". sabi niya habang namumula ang kanyang mukha, pero baka lang naman sa lagnat.
"May lagnat ka?". sabi ko
"Ay wala, hindi ba obvious!". sabi niya na iniinis na.
*sigh*
"Eh, saan yung mama at papa mo, tanga. Hindi maayos ang pakiramdam mo, sungit mo pa". wika ko na curious.
Kung bakit walang nag-alaga sa kanya, meron naman siyang maraming katulong.
"Busy si Mommy sa trabaho niyang pagmo-model, at si Daddy naman nagtra-trabaho sa Company, pandak! At ayaw ko sa mga katulong". sabi nito habang bumabangon na sa kanyang kama.
Sungit ng mayabang nato, tinutulungan ko siya habang bumabangon at napansin kung mas lalo siyang namula.
"Pandak! bitawan mo na ako, at bakit hindi ka pa umaalis?". sabi niya na pula parin.
"Katulad ng ginawa mo kanina, hindi ko rin kaya na iwan na ganyan ang lagay mo". sinabi ko, na parang gusto ko sanang gumawa rin ng mabuti para sa kanya, pagkatapos ay umalis ako sa kanyang kwarto at pumunta sa kanyang katulong upang magtanong kung saan ang kusina.
"i***t! where do you think your going?! sabi niya na narinig ko labas sa kanyang kwarto pero binalewala ko lang ito at pumunta sa kanilang kusina.