Nagsusugat na ang paa ko at halos matanggal na ang swelas ng sandalyas na suot ko, habang walang awa nya akong kinakaladkad.
Mula sa madilim at masukal na kagubatan hila hila nya ako. Nakagapos sa aking likuran ang mga kamay at may busal ang bibig.
Naghahalo na ang pawis, dugo at luha sa aking mukha sabayan mo pa ng magulong buhok mula sa pagkakasabunot sakin ng paulit ulit mula sa mabigat nyang kamay.
kahit anong sigaw ko alam kong walang makakarinig sa akin. Sa higpit ng pagkakahawak nya alam kong wala akong kawala laban sa dimonyong ito.
Nanghihina na ako pero patuloy pa din kami sa paglalakad. Natuyo na ang basang damit namin mula sa ulan. Hirap na hirap na ako sa paglalakad dahil bumabaon ang paa sa maputik na daan.
Napaluhod ako dahil sa pagkatisod at panghihina, sabayan pa ng pananakit ng katawan ko mula sa mga sugat at gasgas na natamo ko, pero hindi alintana ito sakanya. Desidido na sya sa lahat ng plano nya.
Hinatak nya ako patayo at muli naglakad. Hindi ko alam kung saan kami papunta, ang alam ko ay madilim na paligid at tanging huni ng ibat ibang uri ng hayop ang maririnig sa paligid na dumagdag sa takot na nararamdaman ko.
Huminto kami at tumambad sa akin ang isang cabin. Napalunok ako nang unti unti na kami papalapit dito, parang ano mang oras ay may lalabas na nakakatakot na tao at biglang hahabulin ka ng isang chainsaw.
Mukang luma sa labas pero automatic. Pinindot ang pass code at kusa ng bumukas ang pinto. Hinatak uli sa braso at pabalyang pinapasok sa loob. Hingal na hingal ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng loob ng bahay. Walang laman. Walang tao. Anong gagawin namin dito?
" walang hiya ka liam asan ang anak ko!! " bulyaw ko sakanya ngunit nanatiling nakatitig lamang sya sa akin. Nakaupo sya sa lumang silya sa harap ko habang pirming humihithit ng sigarilyo na lalong nakakadagdag sa inis ko. Kahit anong pilit ko sa pagkalas ng lubid na nakatali sa aking kamay na halos ikasugat ko ay wala pa ring silbi.
Akmang muling magsasalita nang makarinig kami ng tunog ng malakas na paghampas ng hangin. Agad ako napatingin sa bintana, laking gulat ko na makitang isang helicopter ang pababa sa di kalayuan.
" anong ibig sabihin--- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang halos mapahiyaw ako sa sakit nang iturok nya sa aking balikat ang syringe. Bigla ako nakaramdam ng panghihina at pagkahilo.
" sweet dreams mylove" ang huling salitang aking narinig bago mawalan ng malay.
Nagising na lang ako na parang mabigat ang buong katawan. Masakit ang ulo at hindi malaman kung saan parte pa. Dahan dahan ko minulat ang mabigat na talukap. Ganoon na lamang ang pagkauhaw ko at parang kay tagal ako nahimbing sa pagkakatulog para magsilagatok ang mga buto ko.
" good morning, mabuti at gising kana " napatingin ako kay mr. Morris na kanina pa pala na nakaupo sa isang sulok. Ganun na lamang ang pagkagulat ko na hindi ko maibuka ang bibig. Parang may makapal na tela ang nakabalot sa buong mukha ko.
Dahan dahan ako napahawak rito, hindi ko maintindihan ang nangyayari, tanging sigaw sa aking loob ang nagagawa ko. halos maiyak na ako sa takot.
Maya maya ay lumapit na sa aking likuran si mr. Morris, napatingin ako sa isa nyang tauhan sabay lahad ng salamin sa aking harapan. Halos lumuwa ang mata ko sa aking nakikita. Totoo at nakabalot ng benda ang buong mukha ko.
Unti unti kinakalas ni mr. Morris ang benda. Punong puno ako ng kaba. Hanggang sa tumambad ang isang mukhang hindi ko kilala. Sino ka?
Isang babaeng may makinis na mukha at matapang ang itsura. Unti unti ko ito hinawakan. Ako ang nasa salamin ngunit iba ang mukha.
" a-anong ginawa mo mr. Morris !"
He just stared at me. I startled when he caressed my hair down to my nape then he hold my chin
" dont call me that anymore, not mr. Morris not liam .
No more MaryJane
From now on you will be my wife.
And your name is dahlia.
Dahlia morris.