Chapter 8

2316 Words
Chapter 8 Papunta kami ngayon ni rage sa isang charity event ng simbahan, isa sa mga tinutulungan ng kumpanya ni rage. Pagbaba pa lang ay sinalubong na kami ng mga madre at sinabitan ng sampaguita. Binabati kami ng lahat at kinakamayan, dumiretsyo na kami sa loob habang magkahawak kamay. Ilang oras din kami sa misa at ng matapos ay tumungo na kami sa likod ng simbahan, doon ay makikita ang malaking bahay na may kalumaan na. Ang bahay ampunan. Bumungad sa amin ang mga nakahilerang mga bata, halo halo ang kanilang edad may mga sanggol na buhat ng ilan at may binata at dalaga. Habang papalapit ay masaya nila kaming binati, may isang batang babae na nasa edad sampung taon ang lumapit sa akin sabay bigay nya ng bulaklak " para sainyo mam dahlia " agad ko ito tinggap at nagpasalamat habang haplos ang kanyang ulo. Pagpasada ko ng mga mata sakanila ay Nakaramdam ako ng kurot sa dibdib, nasa ganitong sitwasyon rin kaya ngayon si mira? Walang magulang at umaasa na may aampon?. Agad nangilid ang luha ko, pakiramdam ko ay wala akong kwentang ina dahil wala ako sa kanyang tabi. Bumalik ako sa ulirat ng hilahin ako papasok sa loob ni rage upang ipakilala sa ibang padre at ilang mga negosyante rin na naroroon. Habang busy sa pakikipagusap si rage ay napagpasyahan kong maglakad lakad, ang pasilyo ay gawa sa kahoy, mula sa pader, kisame maging ang lapag, hanggang sa makarating ako sa isang playground, napangiti ako dahil maraming bata ang naglalaro roon, mga nagtatakbuhan, naghahabulan at nagduduyan. Napukaw ng atensyon ko ang grupo ng mga madre pero may isa sakanila na iba ang suot, dahan dahan ako lumapit dito at nakumpirmang isa sa mga kasambahay namin ni liam, si mae! Nakaramdam ako ng pananabik, ano ang ginagawa nya dito? Marahil ay kasama nya ang mga anak ko " mae!" Masayang sigaw ko, nagpalingalinga naman ito na parang hinahanap kung sino ang tumawag sakanya, hanggang sa mapatingin sya sa akin. Tinuro nya ang sarili nya " p-po? A-ako po ba? " nagtataka nyang tanong. Oo nga pala hindi nya ako kilala, muntik ko na makalimutan, hindi ako si mary. Iniwan nya ang kasama nya at nagtungo sa akin " ako po ba? Bakit nyo po ako kilala? Ano pong kailangan nyo?" Sunod sunod nyang tanong, napaisip naman ako ng idadahilan ko. " ah, eh... may bata kasi na hinahanap ka nawawala ata, pwede ba natin puntahan? " hindi ko alam kung tatalab sakanya ang palusot ko, bahala na ang importante lang ay makita kung sino man sa anak ko ang kasama nya. " hala oo nga pala, asan na ba yung batang yun. Napasarap kasi kwentuhan namin " nagsimula na sya hanapin ang alagang kasama nya, sinundan ko na rin kahit saan sya magpunta, kung saan saan kami sumuot hanggang sa huminto kami sa grupo ng mga batang busy sa paglalaro ng mga lupa, nagbubungkal sila gamit ang mga laruang pala at nagtatanim ng mga halaman. " andito ka lang pala liane! " sambit ni mae dito. Nanigas ako sa pagkakatayo at agad nanlabo ang mata ko, hindi ko malaman ang gagawin ko ng humarap na sa amin ang batang babaeng may pulang ipit at nakadress na color pink, si liane, ang anak ko. " yaya mamaya na tayo umuwi! Makipag kwentuhan ka muna doon " aniya habang tulak tulak nya si mae para lumayo ito at bumalik na sa pakikipagkwentuhan. " akala ko ba hinahanap mo ako? Sabi kasi ni ma'am....???" Sabay baling nya sa akin. " Ano po ulit pangalan nyo? " bumalik ako sa ulirat ng tanungin ako ni mae at ng mapatingin na rin sa akin si liane. " ah.. d-dahlia " tipid kong sagot habang nakatingin pa rin sa anak ko. Tumingin din naman sya sa akin na parang kinikilatis " sino po kayo ?" Inosenteng tanong nito, lihim ako napangiti dahil hindi pa rin nawawala ang kakulitan niya, ang mukha nya ay puno ng kuryosidad habang nakatagilid ang ulong nakatingin sa akin. " isa po ba kayo sa magaampon sakanila ? Pwede po ba wag na? Kasi mamimiss ko mga friends ko dito " tukoy nya sa mga batang musmos na kalaro nya. Hindi ko mapigilan na mapangiti, Lumapit ako sakanya at umupo upang magpantay ang mukha namin " hindi.. nandito ako para magbigay ng donasyon para mapanatili sila sisters sa pagaalaga ng mga bata " agad na sumilay ang mga ngiti sakanyang mukha " talaga? Katulad ng ginagawa ni daddy? Nagbibigay din sya ng money para hindi umalis friends ko dito? " natigilan ako sa sinabi nya at agad na nagpigil ng nagbabadyang pagiyak ko. Pinagkatitigan ko sya at hindi mapigilang mapahaplos sakanyang malambot at matabang pisngi. Dahan dahan ako tumango. Lalo akong natawa ng ibalita nya sa kanyang kasama ang pakay namin dito. Kaya labis labis din ang pasasalamat sakin ng mga bata. Lalo na si liane. " sino nagaalaga sa kapatid mo si lira? Nasaan sya? " pasimple kong tanong habang nakikipaglaro sa tanim taniman nila. Hindi ako nahirapan na makuha ang loob ni liane, mabuti at hindi nya ako natarayan, kahit hindi kasi namin sya bilinan ay alam nya na hindi dapat makipagusap basta basta sa mga taong hindi nya kilala. Sinadya ko rin na makisali sakanila para mapalagay ang loob sa akin ng anak ko. " nasa bahay po, si manang po nagaalaga minsan si daddy kapag wala sya pasok. Minsan sila lolodad at mommyla " dire diretsyo nyang sagot. Muli ako nagisip ng itatanong, gusto ko habang nandito kahit saglit ay wala ako palalampasing sandali. Lulubos lubusin ko ang pagkakataon na malaman ang kalagayan nila. " a-ang mommy mo n-namimiss mo ba sya? " sandali sya tumigil at muli rin bumalik sa ginagawa, kinakabahan ako dahil hindi agad sumagot si liane, natatakot ako na baka galit na sya sa akin at isipan nya na pinabayaan ko sila. Nanatili akong nakatingin sakanya habang hinahantay ang magiging sagot nya. " namimiss ko na ang mommy " malungkot nyang sagot. May kung anong punyal na tumusok sa puso ko, hindi ako nakapagsalita. Naninikip ang dibdib ko, hindi ako nagdalawang isip na yakapin sya, ramdam ko ang gulat sakanya maging ang mga kalaro nya. Maging ang mga sisters na nakabantay sa kanila sa di kalayuan. Wala na akong pakialam, ang importante ay mayakap ko ang anak ko. " sobrang miss na din kita " wala sa sarili kong sambit, napamulat ako ng mata ng yumakap sya sakin pabalik " miss mo na din mommy mo? " inosente nyang tanong, natawa ako at tumango tango sabay mabilis na punas sa mga luha ko, mabuti na at yun ang nalalaman nya. " don't cry " sabay punas nya ng panyo sa aking pisngi. Sa sandaling ito parang ayoko na lumipas ang araw, sana tumigil ang oras. Sana ganito na lang kami palagi, hawak at kasama ko ang anak ko. Ilang segundo din kami sa ganoong posisyon ng napatingin kami kay mae ng tawagin na sya nito. " liane! Let's go nandyan na ang lolodad mo " yaya nito, agad ako napatingin kay liane ng tumayo na ito, tinulungan ko sya sa pagayos ng sarili at pinagpag ang mga lupa sa damit nya. Ang tuhod nya ay puno rin ng dumi. Mula sa bag ay kinuha ko ang panyo ko at pinunas sa katawan nito. " hala, madumi na panyo mo, paano yan " pagaalala nyang sambit ng makitang nadumihan ito, tumayo na rin ako at inayos ang nagulo nyang buhok " okay lang baka kasi mapagalitan ka ng lolo at lola mo kapag nakitang madungis ka " napangiti ako habang nakatitig sya sa akin, kinuha nya naman mula sakanyang bulsa ang panyong kanina nyang ginamit at kinuha ang panyo ko. " palit muna tayo kasi baka mapagalitan ka din ng mommy mo kapag nakita madumi yan " pagkatapos nya maibigay sakin ang panyo nya ay mabilis syang tumakbo kay mae. Pigil pigil ang emosyon ko ng kumuway sya sa akin at naglakad na paalis. Hanggang sa mawala na sya sa aking paningin. Napatitig na lang ako sa hawak ko, tuluyan ng bumagsak ang luha ko ng makita ang burdang pangalan nito. Tanging paghalik dito at pag amoy ang magagawa ko. Sa ganitong paraan para ko na rin kasama si liane at liam. " saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap " mahinang sambit ni rage ng makabalik ako sakanya " nilibot ko lang ang lugar, alam mo naman na ngayon lang ako nakalabas at makapunta sa ganito " pagsisinungaling ko, mukha naman syang nakumbinsi sa sinabi ko at nanahimik na sya. Ilang araw na ang nakakalipas mula ng magkita kami ni liane, magmula non hindi na ako mapakali sa bahay, kating kati makagawa ng paraan para makabalik sa bahay ampunan. Nasabi nya rin kasi sa akin na tuwing linggo ay dumadalaw daw sila doon para makipaglaro o hindi kaya ay kamustahin ang mga kaibigan nya. " hintayin nyo na lang ako dito " bilin ko sa mga bantay ko ng makalabas ng sasakyan, dumiretsyo na ako sa loob ng bahay ampunan, hindi katulad ng unang punta namin maingay at madaming tao sa labas. Ngayon ay parang kapag nakalaglag ka ng anumang bagay ay aalingawngaw ang tunog nito sa buong kabahayan. Nakakapanibago, linggo ngayon ang alam ko ay dapat nandito si liane, pero ilang minuto na ako naglilibot at naka ilang balik na ako sa play ground walang batang naglalaro. " mam dahlia? " tanong sakin ng isang madre ng makita ako " kayo po pala, ano pong kailangan nyo? "  napalingon naman ako sa aking likuran at muling balik ng tingin sa madre " wala bang bumisitang bata dito? " medyo naguluhan pa ang madre sa tanong " si mae kilala mo? Hindi ba tuwing linggo ay dumadalaw sila dito? " " ang alam ko po ay pinagbawal na sila pumunta dito " nagulat sa aking narinig, hindi maari pagkakataon ko na ito mapalapit sa anak ko " ba--bakit naman?" Pasimple kong tanong, kitang ko ang pagkalungkot sa mukha ng madre na sa tingin ko ay naging malapit na rin sakanila. Katulad ng sinabi ni sister ay dumiretsyo na ako sa opisina ng mother superior " Mrs. Morris, tuloy ka " bati nito sa akin ng makita ako, pagkatapos magpasalamat ay umupo ako sa tapat niya " ano pong kailangan nila? Si Mr. Morris kasama nyo ba ? " Magalang nitong tanong " hindi po ako lang, may gusto lang sana ako malaman. noong nagpunta kami noong nakaraan may nakilala akong bata, liane ang pangalan nya, sabi ni sister ay hindi na daw sila pwede dito? " " hindi ba nabanggit sainyo ng inyong asawa? " tanong nito. Umiling naman ako, bahagya sya napabuga ng hininga at muli nagsalita " mabuti pa ay sya na lang ang inyong tanungin " gusto ko pa sana magsalita, ngunit naisip ko na wala ring magagawa ang madre na ito. Si rage lang ang solusyon ko. Tulala ako habang pabalik ng sasakyan. Hindi kaya nalaman niya na nandito rin si liane? Nag flashback sa isip ko ang huling paguusap namin ng anak ko. " isa po ba kayo sa magaampon sakanila ? Pwede po ba wag na? Kasi mamimiss ko mga friends ko dito " tukoy nya sa mga batang musmos na kalaro nya. Sigurado malulungkot si liane kapag hindi na sya papayagan makapunta dito sa bahay ampunan, at ito lang din ang paraan ko para mapalapit kahit sa mga anak ko na lang, kahit hindi man nila ako makilala ay maparamdam ko man lang sakanila ang kalinga ng isang ina. Kinagabihan ay kanina pa ako hindi mapakali dito sa kwarto. Gusto ko sana makausap si rage. Nasabi kasi sakin ni mother superior na bukod sa money donation ay magdadadag rin sya ng mga teacher para sa nga magtuturo sa mga bata. Sa isang kondisyon. Isang malaking palaisipan sa akin kung ano iyon, hindi na sa akin nasabi sakin ni mother, ayoko naman itanong kay rage at baka mahalata nya ako na biglang nagkainteres sa mga ganitong bagay. Bahala na. Mahigpit kong tinali ang robe na suot at nagtungo na sa office nito. Disidido na ako sa gagawin ko, mahinang katok lamang ang ginawa ko at saka dahan dahan pinihit ang doorknob. Kita ko ang gulat ni rage ng mapansin ako at mabilis na sinarado ang laptop " do you need anything? " dumiretsyo na ako sa loob habang pigil pigil ang kaba. " if this is about mira--" agad ko pinutol ang sinasabi nya. " i want to help " then i paused. Hindi ko alam kung paano uumpisahan, ano ba dapat ang sasabihin ko para mapapayag ko sya na hindi nahahalata ang interes ko. Hinihintay nya kung ano ang susunod kong sasabihin. " it's about orphanage... gusto ko sana makatulong---" " you already helping me dahlia. Maging asawa ka at manatali ka lang sa tabi ko ay malaking tulong na sa kin. You don't need to do anything " pormal nyang sagot. Pigil pigil ko ang aking hininga, para na akong nauubusan ng sasabihin, pero hindi dapat ako sumuko. " i- i know, what i mean is.. kahit man lang sa mga batang ulila gusto ko sana makatulong sakanila  " " why? " mabilis nyang tanong. Nagsimula na ako pagpawisan, pakiramdam ko ay pulang pula na ang mga daliri kakakurot " dahil yun ang gusto ko, gusto ko makilala nila ako bilang ako dahlia morris, ayoko makilala bilang asawa mo lang rage. Gusto ko lumawak man lang ang mundo ko, hindi sa loob lang ng bahay na ito! "  Sandali kami natigilan dalawa, habang ako ay habol hininga kasabay ng pagbalot ng katahimikan sa kwarto. " take this " sabay abot saakin ni rage ng cellphone " call me every minute and huwag ka aalis ng  hindi kasama ang bodyguards okay " bilin nya pa, pagkatapos umalis ng sasakyan nya ay pumasok na ako sa bahay ampunan. Naguumapaw ang kasiyahan ko ngayon. Napapayag ko si rage. Pagkakataon ko na ito para makasama ang anak ko. Gagawa ako ng paraan para makabalik na ulit dito si liane. Unti unti na ako napapalapit sakanila kahit iba na ang aking mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD