Chapter 6

2063 Words
Chapter 6 " nice to meet you too, enjoy the night " Malamig nyang saad. Dapat asahan ko na ganito ang magiging trato nta sa akin, pero hindi ko mapigilan maapektuhan. Nasasaktan ako, parang sya yung dating liam na cold at wala paki alam sa paligid. Hindi ko man lang natitigan matagal ang kanyang mukha, hindi ko man lang naramdaman ng matagal ang kamay nya. Sobrang namimiss ko na sya. Nagising akong wala si rage sa tabi ko, napansin ko sya sa terrace na may kausap sa cellphone nya. Sinuot ko ang robe at naglakad papalapit sakanya. Mukhang importante ang tawag, kahit hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila halata sa kanya na hindi maganda ang bungad ng umaga nya habang nagpipigil na wasakin ang hawak hawak. Mukhang naalimpungatan sa pagkakatulog, gulo gulo pa ang buhok at tanging boxer lang ang suot. napaiwas ako ng tingin ng mahuli nya akong nakatingin sa maskulado nyang katawan. " kanina ka pa dyan?" Tanong nya ng mapansin ako " hindi naman " sagot ko. Tumango sya at binalikan ang kausap " i will call you later " saka pinatay ang tawag. " maliligo lang ako " nagtuloy tuloy sya sa loob, nang makapasok na sya sa banyo ay napatingin ako sa cellphone nya na nasa ibabaw ng side table, sabay balik ko ng tingin sa pinto nito, may kung anong nagtutulak sa akin na paki alamanan ito, pakiramdam ko ay may tinatago sya sa akin. Dahan dahan ako lumapit dito at kinuha ang cellphone nya. Baka sakaling malaman ko kung saan nya tinago si mira. Pigil pigil ang hininga ng buksan ko ito, ganun na lamang ang pagkadismaya ko ng makitang may security locked ito. Kaya binalik ko na lang kung saan nya nilagay. Wala ako sariling cellphone. Kahit telephone sa bahay ay wala, pinaputol nya rin ang line dito sa hotel room. Ganoon sya kasigurado na hindi ako gagawa ng paraan para magkaroon ng kimunikasyon kay liam, lalo syamg humigpit ng muli kami magkita. Mula ng gabing iyon, hindi ako pinatulog kakaisip. Expected ko na hindi ako makikilala ni liam dahil iba ang mukha ko. Pero may part sakin na umaasang makikilala nya ako, nagbabakasakaling kukunin nya ako kay rage at ipaglalaban. Kabaliktaran lahat ng gabing iyon, para nya akong pinandidirian ng magdikit ang kamay namin, para akong may nakakahawang sakit kung layuan nya ako. Dapa siguro ay hindi na ako umasa makakabalik pa ako sa dating buhay, na mababalik pa sa dati ang lahat, kung sasabihin ko ba sakanya maniniwala kaya sya? Paniniwalaan nya kaya ako?. Pero paano si mira? Kung mapahamak sya dahil sa gagawin ko? Masyado pa syang bata para maranasan lahat ng ito. Bumalik ako sa ulirat ng bumukas ang pinto at niluwa si rage, mabuti at hindi ko na hawak ang cellphone nya. Nagaalmusal kami ngayon dito lang din sa baba ng hotel, mamayang gabi na rin ang flight namin pabalik sa france " kamusta si mira " tanong ko kay rage habang nakatutok pa rin sa pagkain, ramdam ko ang pagkabigla nya at mabilis din bumalik sa ginagawa" huwag muna natin pagusapan natin ngayon---" tumigil ako at masama sya tinitigan " kailan pa? Pagmalaki na sya? At hindi na ako kilala? May usapan tayo rage at ang gusto ko ibalik mo sakin ang anak ko kung hindi---" " kung hindi ano? Aalis ka? Tatakas ka ulit? Kasi nagkita na kayo ni liam at nasa iisang lugar na lang kayo?" " stop this bullshit rage " hindi ko na napigilan na mapataas ang boses ko, napatingin na rin sa gawi namin ang ibang kumakain, sa tahimik ng paligid ultimo bulong ay parang maririnig nila, napansin ko ang pag igting ng panga nito at hindi nagustuhan ang inakto ko. Muli ako nagsalita ngunit nasa mahinahong boses na " kung tatakas ako edi sana nung gabing magkita kami ni liam sana sinampal ko nasakanya ang katotohanan na ako si mary, pero rage hindi! Nandito pa rin ako, nasa harap mo, kasama mo! Ang gusto ko lang ay makasama ang anak ko. Yun lang rage! " parehas kami natahimik habang magkatitig. Sya ang unang bumawi ng tingin, ramdam ko na may mali. Nanatili lang ako sa posisyon habang sya ay tumayo " Mag c-cr lang ako. Pagbalik ko maguusap tayo " Yun lang ang sinabi nya at umalis na sya. Naiwan akong tulala. Hindi nya sinasagot kung nasaan na si mira. Pilit nya ako kinukulong at mukhang wala syang balak ipakita ang anak ko. Nauubusan na ako ng oras. Napatingin ako sa cellphone nya na nasa ibabaw ng lamesa ng tumunog ito, naiwan ni rage kakaiwas sa akin. Napatingin ako kung saan direksyon sya nag tungo at binalik ulit ng tingin sa kanina pa tumutunog na cellphone. Kinuha ko ito at ng makitang si rick ang tumatawag ay sinagot ko na. Parang tumigil ang mundo ko ng marinig ang sinabi sa kabilang linya, nanlamig ako at nawalan ng lakas, hanggang sa dahan dahan ko binababa ang kamay habang nagsasalita pa ang nasa kabilang linya. " let's go " si rage ng makabalik na sya. Nangingilid ang luha ko ng mapatingin sakanya. Kitang kita ko ang bigla sa mukha nya ng makitang hawak ko ang cellphone nya. " what the f*ck" sambit nya saka kinuha ang nasa kamay ko. " na-nawawala si mira? " tanong ko pero hindi sya sumagot. Kinuha nya lang ang kamay ko at hinila pabalik sa kwarto. Nagpatinuod lang ako, hindi pa rin pumuproseso sa utak ko ang nalaman ko kanina. Hanggang sa makapasok na kami lutang pa rin sa isip ko " look hinahanap na sya ng mga tauhan---" " so nawawala talaga sya?" Mabilis kong putol sa sinasabi nya " kailan pa? Kailan mo balak sabihin sakin na wala naman talaga sayo ang anak ko!" Tuluyan na ako sumabog, ang kani kaninang pigil ko ay tuluyan ng dumaloy sa pisngi ko, ang mukha nya ay hindi na rin maipinta " ginagawa na namin ang paraan dahlia! " nakikipagtalo na rin sya sa akin, parang kasalanan ko pa ang lahat. " hindi tayo babalik sa france " walang emosyon kong saad. " hindi ako sasama sayo hanggat hindi nyo nakikita ang anak ko hanggat hindi ko nakakasama ang anak ko " pinal kong sambit sabay pasok ko sa kwarto, doon ay binuhos ang lahat ng galit ko. Pagdating kay rage hindi ko magawang lumaban, parang pag nagkamali ako ng ginawa ay ang pamilya ko ang gagantihan nya, pilit ko sinisisi ang sarili aa pagkawala ni mira, baka pinalano talaga ni rage na tuluyan ng mawala ang anak ko dahil may nagawa akong mali o di kaya'y para habang buhay na ako matatali sakanya. Habang buhay na ako matatali sa mukhang ito. Tulala akong nakamasid sa kawalan, habang nasa terrace dinadama ang malamig na hangin sa kalaliman ng gabi, nagitla ako ng biglang yumakap mula sa likod ko si rage, pilit ko tinatatagan ang sarili, gusto ko sya saktan hanggang mapagod ako. Pero wala akong lakas ng loob, " susundin ko ang gusto mo " basag nya sa katahimikan, samantala ako ay naguluhan sa sinabi nya " hindi tayo babalik sa france hanggat hindi nahahanap si mira, tutuparin ko ang pangako ko sayo. Just trust me " para akong nabunutan ng tinik, lihim ako napangiti " but promise me dahlia that you don't do anything, promise me that you're stay with me because you are mine. only. mine " pinagdiinan nya ang kanyang huling sinabi, bahagya ako kinalibutan sa paalala niya, pero pinagwalang bahala ko na lang para sa anak ko, para kay mira gagawin ko ang lahat. Nasa byahe kami ngayon ni rage, hindi pabalik ng france kundi sa bagong biling bahay. Dito muna kami pansamantala habang hinahanap si mira. Wala pa halos gamit sa bahay, may dalawang palapag lamang ito at medyo may kalakihan para saming dalawa lang. Pero wala lang ito kay rage sa yaman nya ay kaya nya bilhan lahat. Ilang lupa ang pagmamayari nya at may negosyong mga mamahaling sasakyan. Hindi na rin ako magtataka kung paano nya napabago ang mukha ko mula sa mga pinakamagaling na surgeons sa buong mundo. " stay here, bibili lang ako ng mga gamit " mabilis ko hinawakan ang kamay nya, mula sa pagkakapit ko napatingin din sya sa mukha ko " p-pwede ba ako sumama? May bibilhin sana ako mga personal needs " gamit ang pampaawang boses at mukha ay napapayag ko sya. Sa malapit na mall lang kami nagpunta, naglibot kami sa mga appliances at furnitures. Nagpaalam muna ako saglit na magtutungo sa dept. Store upang bumili ng mga damit, pinayagan naman nya ako, pero may kasamang guard pa rin. Hindi ako nagtungo sa mga ladies wear, una kong pinuntahan ang mga gamit pang embroidery, mga tela at iba pang gamit pangtahi, sa bawat pasada ko sa mga tela ay parang gintong nagningning sa mata ko. Lahat yata ng display nila ay binili ko. Ang tagal ko hindi nagawa ang ganito. Para akong bata na nakakita ng manika. Sa pagpasada ng mata ko ay may umagaw sa atensyon ko, pamilyar na lalaki, lihim ako napangiti ng makumpirmang si zion ang lalaking naglalakad sa di kalayuan. Inutusan ko ang isang guard na sya ang magbayad lahat ng pinamili ko, ultimo wallet ko binigay ko na lang basta kakamadali habang nanatiling nakatitig kay zion at baka mawala sa paningin ko. Naglakad ako ng mabilis at kung saan saan nagtago para hindi makahabol ang isang guard, bahala sya maligaw. Mabilis ako naglakad papalapit kay zion, tiningnan ko ang paligid nya kung may kasama sya, baka kasama nya si krys, kaso sa haba ng biyas nya ay ang bilis nyang makalayo sa akin kaya tinawag ko na lang sya. " zion " sigaw ko habang hinihingal hingal pa. Mukha namang narinig nya ako dahil huminto sya at lumingon sa akin. Agad ako kumuway sakanya ng napatingin sya sa akin. Ngunit nanatiling nakatitig lamang sya, parang nagtataka sa ginawa ko. Lalapit sana ako para maitanong kung kamusta si krys dahil mukhang hindi naman nya ito kasama ng sumulpot bigla ang isang guard, mukhang kanina pa din nya ako hinahanap at hingal na hingal din sya, hindi siguro sa pagod kundi sa kaba dahil nawala ako sa paningin nya. Binalik ko ang tingin kay zion at nadismaya ng makitang palayo na ito sa akin, sayang hindi ko man lang sya nakausap, hindi nya siguro kasama si krys at magisa nanaman naggagala sa mall. Wala na ako nagawa kundi sumama at bumalik kay rage. Tahimik lamang ako sa byahe. Hanggang pinapasok na ang mga gamit sa loob ng bahay. Para kaming bagong lipat sa village na ito, halos kumpleto na rin ang lahat ng gamit, mula sa maliliit na bagay hanggang sa malalaki. Sinigurado ni rage na kumpleto ang lahat pati pagkain para hindi na ako lalabas ng bahay. Balak nya talaga ako ikulong. Ganun pa rin, walang pinagbago kung ano ang gamit namin sa france ganun din dito, no medium of communication, no any kind of gadget, t.v or radio ay wala. Hindi ko alam kung bakit pati ang mapaglilibangan ko ay bawal din. Para akong nasa PBB hindi nalalaman ang nasa outside world. Pero okay na rin ito, pagtyatyagaan ko na rin. Mabilis ako nagtungo sa kwarto, tinago ang biniling pangburda, natatakot ako na baka ito ay ipagbawal din ni rage. Ang ayaw nya kasi ay gawin ko ang mga bagay na makakaalala bilang mary, kalimutan lahat ng nakagawian ni mary at umakto ng malalayong malayo sa ugali ko dati. Hindi ko alam kung paano mabuhay sa ganoong sistema. Kaya pati sa pagkilos ay pinaaral nya pa ako. Naghire sya para matuto ako ng mga salitang frances, english at iba pa. Pati sa postura ko at pananalita ay may tutor pa ako. Lahat yon ay inaaral ko. Pero kapag wala ng tao o ako na lang magisa iisa lang ginagawa ko bumabalik ako sa tunay na ako sa tunay kong pagkatao. Dala ng pagod madali nakatulog si rage. Habang malalim syang nahihimbing ay pasimple kong kinuha ang tinago kong panyo ni liam. Agad ako nakaramdam ng kirot sa puso at pangungulila sakanya. Dahan dahan ko ito tinapat sa labi na parang hinahalikan ko na rin ang tunay kong asawa, naamoy ko na rin ang paborito nyang pabango dito, hindi ko na napigilan mapaluha. Mas mabigat ang nararamdaman ko ngayon, parehas kami sa iisang lugar. Ilang kilometro na lang ang layo namin sa isat isa pero parang kay layo namin para hindi na magkita at magkasama pa. Para kaming nasa magkabilang mundo na kailan may hindi na muling magkikita pa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD