Chapter 10

1959 Words
Chapter 10 Anong ginagawa niya dito? Anong ginagawa ni liam sa bahay namin? Ilang segundo muna kami nagkakatitigan bago pumruseso sa utak ko ang lahat. Agad ako dinaluhan ni rage at inalalayan sa pagtayo, mula sa aking likod inakbayan nya ako at pinulupot ang kamay sa aking katawan at hinawakan ang nanlalamig kong palad habang nakatitig sa akin si liam. " please excuse us mr. Sebastian " anito habang inaalalayan ako, mabilis kong pinutol ang sinasabi ni rage " hindi, okay lang ako... honey " ramdam ko ang gulat ni rage sa sinabi ko, maging ako ay hindi makapaniwala sa lumabas sa bibig ko. Ang gusto ko lang ay mapaniwala si liam na magasawa kami ni rage. Kailangan mapaniwala ni liam. Kailangan maramdaman ni rage na hindi ako naapektuhan sa presensya nang taong nasa harap namin. Kitang kita ko kung paano mag igting ang panga nito nang higpitan ng hawak ni rage ang kamay ko, hindi ko malaman kung ano ibig sabihin ng tingin nyang yon. " magtitimpla na lang ulit ako " pinilit ko na maayos ang boses at hindi ako mautal sa harap nila, kailangan ko mapakita na hindi ako naapektuhan at parang normal lang ang lahat. Mabilis ko inayos ang baso at platito saka lumabas ng kwarto. Pagkasarado ko ng pinto ay saka nailabas ang mabigat na hininga, sandali ako napasandal sa dingding dahil para akong matutumba dala ng panghihina, pumikit ako pilit tinanggal ang nerbyos sa katawan. Hanggang sa makarating ako sa kusina, tulala ako habang hinuhugasan ang baso at platito habang ang gripo ay  patuloy sa pagbuhos ng tubig " dahlia " isang malalim at nangaakit na boses,  sa gulat ko ay nabitawan ko ang hawak, mabilis ko pinatay ang tubig at nilingon ang taong nagsalita. Pigil pigil ang hininga nang titigan ko sya " liam" pirmi syang nakatayo sa hallway ng kusina, animoy kanya ang bahay sa tindig nito. bumalik ako sa ulirat "yung kape mo pala " saka ako kumilos palayo sakanya, nagpa kabusy sa pagtitimpla hanggang sa hawakan nya ako sa braso at pabalyang idinikit sa dingding. " ano ba--" bago pa ako makapagsalita ay mabilis nyang tinakpan ang bibig ko gamit ang palad nya. Kahit takot na takot ay pilit ko ito nilalabanan, hindi dahil sa kung anong magagawa nya sa akin, kundi baka makita kami ni rage. Pilit ako pumipiglas, pilit inaalis ang malaki nyang kamay,  wala talagang pakialam ang lalaking ito sa pwede mangyari, nasa loob sya ng aming pamamahay at nasa paligid lang si rage. " sabihin mo sa akin anong kinalaman nyo sa pagkawala ng asawa ko " natigilan ako. Kaya ba sya narito dahil sa paghahanap sa akin?. Nagkakanda tuliro na ako sa lapit ng distansya nang katawan namin at halos naamoy ko na ang mabango nyang hininga " hindi ko kayo titigilan hanggat hindi nyo nilalabas ang asawa't anak ko " pagkatapos non ay mabilis na syang umalis sa harap ko. Habol habol ang hininga ko ng mapakapit ako sa lababo at sa dibdib ko. Lalo akong nahihirapan sa sitwasyon namin. Magkahawak ang aming kamay at nakaakbay sa akin si rage habang sinusundan namin si liam palabas ng bahay. " thank you for your time Mr. Morris " sabay baling ng tingin nito sa akin " Mrs. Morris " napalunok ako at napaiwas na rin ng tingin sakanya. Bakit ba hindi ko magawa titigan ang mga mata nya? Sinundan namin ito ng tingin hanggang mawala ang kanyang sasakyan sa aming paningin. " poor liam " mahinang sambit ni rage na parang nangaasar, hindi ko na lang sya pinansin. Nang tuluyan ng wala na ito ay saka ako dahan dahan kumalas sa lalaking hawak ko. Kinagabihan, tahimik na nakasandal ako sa hamba ng sliding door ng terrace namin habang nakatanaw sa langit, naghahalo halo na ang tumatakbo sa isip ko. Iba't ibang personalidad at ugali ang dapat ko iakto, nakakalito. Isang matapang at sopostikadang dahlia ang dapat ko ipakita pero ang totoo kapag ako ay nagiisa ay bumabalik ako sa tunay na ako, bilang mary. Hanggang saan ko kakayaning magpanggap, hanggang kailan ako dapat magpabilanggo sa mundong ginawa ni rage para sa akin? Hanggang kailan ko titiisin ang kasabikan na makasama muli si liam.  Sa kalaliman ng aking pag iisip ay bahagya ako nagitla nang biglang yumakap mula sa aking likuran si rage. Amoy alak ito at sigarilyo. Halos kilabutan ako ng sinupin nya ang buhok ko at simulan nyang halikhalikan ang leeg ko. Nagsisimula na magtaasan ang balahibo ko. " rage ano ba! " inis kong saad dito. Inayos ko ang suot kong robe at binalik mula sa pagkakalaglag sa aking balikat. Ramdam ko ang pagkabigla nya sa inasal ko, para makaiwas ay mabilis akong bumalik sa higaan pero bago pa ako makakilos ay mabilis nya akong hinatak sabay sinunggaban ng halik. " rage! Bitawan mo ako, ano ba! " pilit ko iniiwas ang mukha ko sakanya at pilit na tinutulak ang katawan nya mula sa pagkakapulupot ng kamay nya sa akin. Nang magkaroon ng pagkakataon ay buong lakas ko syang tinulak, mula sa liwang na nagmumula sa buwan ay aninag ko ang namumulang mata nya. Ang titig nya na parang hinuhubaran na ako, nagsimula na rin ako balutin ng takot, kaya hinigpitan ko pa ang suot ko at  lalong niyakap at kinulong ang sarili sa sariling braso. Nanlalaki ang mata ko at dahan dahan na napapaatras habang sya ay humahakbang papalapit sa akin " r-rage, l-lasing k-ka " nagkakanda utal utal na ang sinasabi ko sa sobrang kaba ko, sa bawat pag lapit nya ay sya namang pag atras ko. Halos mawalan na ako ng balanse dahil sa panghihina ng tuhod ko at hindi na alam kung saan hahawak dahil patuloy ako sa pag atras habang nakatingin sa kanya. Patuloy sya sa paglapit, habang unti unti inaalis ang suot. Mula sa butones iniisa isa nya itong kalasin habang nakatitig ito sa akin, hanggang sa tumambad na ang kanyang katawan, kung saan nya lang hinagis ang polo nya. Naramdaman ko na rin ang malamig na dingding sa likod ko Kasabay ng mabilis na t***k ng puso ko ang mabilis nyang paghakbang papunta sa akin. Sa takot ay napapikit ako at pinilig patagilid ang ulo. Napamulat ako ng mata ng hawakan nya nang mahigpit ang baba ko at saka hinalikan ng madiin at masakit  halos malasahan ko na din ang dugo sa sobrang gigil nya sa bawat sunggab sa  labi ko. Nagsisimula na ako pagpawisan, kasabay ng pagtulo ng luha ang pagmamakaawa ko ngunit hindi nya ako pinakinggan patuloy sya sa kanyang ginawa. Lalong lumalakas ang pagiyak ko sa paglibot ng kanyang mabigat na kamay sa parteng ibaba ko. Patuloy sya sa paghalik habang ang isang kamay ay nakapigil sa kamay ko at ang isang kamay nya ay nililibot na ang p********e ko. Gustong kong humingi ng tulong ngunit paano? Sa takot na nararamdaman ay malakas kong sinigaw ang pangalan ni liam. Dahil doon ay tumigil si rage, akala ko ay natauhan sya ngunit nagkamali ako Lalo syang napuyos sa galit, hinawakan nya ako sa leeg ng mahigpit na parang gusto na akong patayin, pakiramdam ko ay puputok na ang mga ugat ko sa ulo, naaubusan na rin ako ng hininga. Pilit ko inaalis ang kanyang kamay ngunit masyado syang malakas. " akin ka lang mary! Walang ibang magmamay ari sayo kundi ako lang, ako lang ang nagmamahal sayo, akin lang ang katawan mo, akin lang ang buo mong pagkatao! " buong sigaw nya sa mukha ko pagkatapos ay walang kagatol gatol nya aking hinila at hinigis sa aming kama, sa lakas ay halos tumalbog ako dito, kahit malambot ito ay ramdam ko pa rin ang sakit dito. Habang hinahaplos ang leeg at nagbabawi ng hininga ay pilit ako umaatras hanggang sa mapadikit sa headboard ng kama " kahit isigaw mo pa nang paulit ulit ang pangalan ni liam hindi ka nya ililigtas, walang dadating na liam dahil hindi na ikaw si mary jane na asawa nya " sambit nito habang hinuhubad ang pantalon, naghahalo na ang pawis at luha sa mata ko. Binalot ang sarili ng kumot habang patuloy sa pagiyak. Hanggang sa tumambad ang p*********i nya. Ang boses nyang parang dimonyo at ang awrang madilim ang lalong nagpapadulot ng takot ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, tama sya kahit anong sigaw ko ay wala ring mangyayari. Ang tangi ko lang magagawa ay umiyak at tanggapin ang masakit na kapalaran. " ikaw na ngayon si dahlia, dahlia morris at ako ang asawa mo " sa isang iglap ay mabilis nya akong pinatungan. Ang kwarto ay napuno ng sakit,  hiyaw at pagdurusa. Isang panibagong bangungot sa buhay ko ang madahas na pag angkin sa akin ni rage. Nagsimula na pumasok ang sinag ng araw sa loob ng kwarto ngunit nanatiling gising pa rin ang diwa at katawang lupa ko. Hindi ako nakatulog dahil pakiramdam ko kapag pumikit ako ay muling babalik sa isip ko ang  walang sawang pag angkin sakin ni rage. Pakiramdam ko ay napakadumi kong babae. Napatingin ako sa isang sulat sa ibabaw ng lamesa, note from rage at isang master card. Lihim ako napamura at binalik ulit ang sulat dito. Ano akala nya sa akin? Bayaring babae? Pagkatapos gamitin ay magiiwan ng suhol? Gago sya. Wala akong gana kumilos, hindi ko rin nararamdaman ang gutom. Hindi ko na alam kung ilang oras na ako nakahiga hanggang sa dalawin na ako ng antok. Nagising ako sa isang mahinang katok sa pinto " sino yan " mahina kong sigaw dito, dahan dahan ako umupo sa kama at sinuot ang nakaka kalat na robe sa lapag " madam, may bisita po kayo " sagot nito " sige, susunod na ako " hindi na ako muli nakarinig pa ng sagot. Kaya agad ako naligo at nag ayos ng sarili. Mula sa hagdan ay natanaw ko sila sister sylvia at si nini. " teacher dahlia!" Masiglang bati sakin ni nini ng makita ako. Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang ulo ng yumakap sya sa akin " ma'am dahlia " bati ni sister sa akin, tanging tango lamang ang naging sagot ko. Pagkatapos ilapag sa lamesa ang meryenda ay umupo na ako sa tabi nila. " pasensya na sa istorbo mam dahlia, mukhang masama po ata pakiramdam nyo kaya hindi kayo nakapasok " nahihiyang tugon nito sabay palibot ng tingin sa mukha ko, halata pa rin kasi ang pamumutla at pamamaga ng mata ko. " okay lang yun sister, gusto ko sana humingi ng pasensya sainyo maging sa mga bata dahil hindi ako nakapag paalam na hindi ako makakapasok " " hindi po, nasabi po ni mr. Rage. Napagpaalam nya po kayo " magsasalita pa sana ako pero mas pinili ko na lang itikom ang bibig. Habang pinagmamasdan si nini na sarap na sarap sa meryenda ay tinanong ko si sister " ano pala ang kailangan nyo sister? May problema ba sa mga bata? " nakangiti naman sya habang umiiling " hindi po, namimiss nga po nila kayo eh " napangiti ako sa sinabi nya " sayang nga po hindi nyo nakita ang bunsong kapatid ni liane " agad ako napatingin sakanya " a-ano? Bunsong kapatid? Ni liane? " hindi ako makapaniwala sa narinig ko. " opo mam dahlia... si lira po " para akong nabuhayan ng loob, biglang napawi ang pananakit ng katawan ko " si lira? nasaan na sila? Nasa bahay ampunan pa rin ba sila? Umalis na ba sila? " sunod sunod kong tanong Natawa naman bahagya si sister dahil sa reaksyon ko " wala na po umuwi rin po agad sila ng malaman na hindi kayo nakapasok" agad bumagsak ang balikat ko "  pero ang sabi babalik din po sila bukas, gusto rin po kasi kayo ipakilala ni lira sa kapatid nya " bumilis ang t***k ng puso ko sa sobrang saya na nararamdaman ko pakiramdam ko ay bigla na lang itong sasabog " opo sister, bukas na bukas papasok na ako " masigla kong sambit dito. Sabik na rin ako makita ang mga anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD