CHAPTER 2
Here at my Room nagmumuni muni diko alam kung bakit di ako makatulog, siguro dahil naiisip ko yung magiging supervisor ko.
iniisip ko kung nakakapagtrabaho kaya ang mga lalaking empleyado? kung ganon kaganda at ka sexy ang supervisor. Ang Weird ng mga naiisip ko!
Hays! Kung ano ano pumapasok sa isip ko. Pero It's Normal naman para sa mga tunay na lalaki na tulad namin. Ehem!
Lalo na kung hanggang Crush ka lang. NGSB ang hirap noh?
Parang ako NGSB! Bakit kasi wala pa akong Girlfriend eh.. dahil ba sa? Hays!!!
Hays di naman ako mapili pero di lang talaga malakas ang appeal ko sa mga babae! Di naman kasi ako katulad ng ibang lalaki na malalakas ang loob, kahit nga hindi gwapo ang gaganda ng mga Girlfriend nila diba?
Baka nga ginagayuma nila para magustuhan sila WTH! In fact one of my personality hindi ko kayang manligaw!
Masasabi ko bang EPROT ako? Wala akong lakas lagi ng loob para magtapat ng feelings ko sa mga babaeng nagugustuhan ko!
Kung magtapat man ako urong- sulong ako! Takot kasi ako sa Rejection.
Kahit nasasaktan na ako hindi ko talaga kaya... wala eh EPROT nga kasi talaga ako!
Baka tumanda na lang akong binata?
Pero wag naman sana, di naman ako nagmamadali ... Career ko muna ang iintindihin ko sa ngayon. Dahil bukas simula na naman ng bagong yugto ng buhay ko ...
Mga past 3AM na ako nakatulog. Wala eh ganito talaga ang Role ko dito sa kwento. Laging late kung matulog dahil sa kakaisip sa mga walang kwentang bagay.
Anyway Umaga na pala oras na para mag ready ako sa First Job ko. Buti na lang hinanda ko na kagabi yung mga gamit ko kaya ngayong umaga medyo petics na lang ako hinihintay ko na lang yung signal ng maid namin kung oras na para kumain (Hindi kami mayaman!)
Ate ang tawag ko sa maid namin di naman na kasi sya iba sa amin dahil nung bata pa kami sya na nag alaga sa aming dalawang magkapatid.
Oo nga pala may kapatid ako, dalawa lang naman kaming lalaki at sya ang bunso he's name is Patrick, itong kapatid ko na ito mas habulin ito ng mga babae! Samantalang ako! WALA MAN LANG! Sad ng life ko noh?
Maya-maya may kumatok na sa pinto ng kwarto ko, I'm sure si ate na yan,oras na para kumain :) kaya binuksan ko agad yung pintuan.
"Ic kumain kana. Sabayan muna sila mama at papa mo."
"Ayy sige po ate, pababa na." Sabay ngiti ko sa kanya.
Kinuha ko muna ang mga gamit ko nang sa ganon di na ako bumalik sa kwarto ko. Pagbaba ko nakangiti sila mama at papa sa akin. Ano kayang meron at nakangiti ang mga ito.
" Goodmorning po" bati ko sa kanila.
"Goodmorning Nak, sabayan mo na kami ni papa mo. Baka malate kana" - mama
"Opo! Anong meron ma? at parang ang saya nyo ni papa?"
"Ah wala lang naman,natutuwa lang kami ni papa mo kasi magtatrabahho kana. Diba pa? - Tanong ni mama kay papa.
" Ah oo nga naman! Sabay baba ng binabasang dyaryo. Nak Pahalagahan mo yang trabaho mo. Dahil yan ang magiging daan para matupad mo o magawa mo yung mga gusto mong gawin" - papa
Natatawa na lang ako at tumango sa parents ko na parang bata, pero tama naman sila ...
After ko mag Breakfast nagpaalam na ako sa kanila, dahil malayo pa ang biyahe ko.. mula Cavite patungong Boni.
Oops! Just saying!
Sa mga taga Boni baka nagkita na tayo :)