Chapter 4 -Masarap nga daw- 🀣

1630 Words
β”ˆβ”ˆβ”ˆβ”ˆβ—¦β€’βœ©β€’β—¦β”ˆβ”ˆβ”ˆβ”ˆ "Hoy, Amihan! Kanina pa ako nagsasalita dito, bakit parang nakatulala ka diyan?" Biglang napalingon si Amy ng marinig niya ang kanilang kapitbahay na na naging kaibigan na rin niya na si Cynthia. "Ha? Ako, nakatulala? Parang hindi naman." Sagot nito at inirapan pa niya ang dalaga. "Sige nga. Ano ang sinabi ko? Tignan natin kung hindi ka talaga nakatulala." Natawa na lang si Amy, at pagkatapos ay tumingin siya sa malayo. Mamayang gabi na ang huling araw na usapan nila ni Calix, at hindi niya alam kung sisipot ba siya sa lugar na sinabi nito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at napatingin siya sa kaniyang orasang pambisig. Mag-aalas singko na ng hapon, at hanggang ngayon ay nag-de-debate pa ang isipan niya kung sisiputin ba niya si Calix o hindi. "Ano ba kasi ang iniisip mo? Kanina ka pa ganyan. Kaninang umaga nga, ang tahimik mo lang, tapos habang umaani tayo ng mga kamatis, sobrang tahimik ka lang din, kumpara nuon na lagi kang nagkukuwento. Tapos ngayon ang tahimik mo pa rin. May problema ka ba?" Natawa si Amy ng mahina. Bahagyang nag-inat at saka tumingin kay Cynthia. Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa labi niya at saka kinusot-kusot ang kanyang mga mata. "Wala nga akong problema. Iniisip ko lang 'yung mga ibebentang gulay bukas sa palengke. Naiinis ako sa bagong farm malapit lang sa atin. Kinokontrata nila ang mga bumibili sa atin ng mga gulay sa mas mababang presyo. Ang kapal ng mukha eh, ang sarap niyang sugurin at saka bigyan ng aerial kick." Sagot ni Amy. Nagulat naman si Cynthia ng marinig niya ang sinabi nito. "Aerial kick? Ano ba 'yang pinagsasasabi mo? Saka kambal daw na lalaki ang may ari ng bagong farm na 'yon. Hindi ko pa lang sila nakikita, pero marami daw farm na pag-aari sa iba't ibang lugar ang mga nakatira ngayon duon." Natawa naman si Amy, nakalimutan niya na wala nga palang alam si Cynthia sa mga nakaraan niya, tapos nagulat pa siya na kambal daw ang may-ari, pero wala siyang pakialam sa mga ito. Nagkibit-balikat na lang siya at muling napabuntong-hininga. "Huwag mo na lang intindihin ang sinabi ko. Tapos na ba kayong umani ng mga sitaw? Ilang sako ba ang napuno? Magaganda ang bunga ng sitaw ngayon, kumpara nuong nakaraan. Mukhang magiging maganda ang bentahan sa palengke bukas ng madaling araw. Sabihin mo sa kuya mo na agahan nila ang pagdadala sa bayan bukas... dapat alas dos pa lang ng umaga ay nanduon na sila." Wika ni Amy. "Napuno ang lahat ng sako na inihanda ng tatay mo. Tama ka, maganda nga ang mga sitaw ngayon, saka walang butas at mga alaga sa loob, kaya sigurado akong pag-aagawan ang mga 'yan bukas." Sagot nito. Napangiti na si Amy. β•°β”ˆβž€ Lumipas pa ang mga oras at sumapit na ang hapunan nila. Ang usapan lang nila ni Calix ay darating siya ng bandang alas sais ng gabi, pero alas otso na, at desidido siya na hindi na lang niya ito sisiputin. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na gumawa siya ng kasulatan nuon kay Calix na ibibigay niya ang katawan niya sa lalaking 'yon kapag nag-quit siya sa pagiging assassin. Pero naguguluhan talaga siya sa nakasulat sa papel na 'yon, dahil naaalala niya na ten thousand lang ang nilagay niyang penalty sa nakasulat kung sakali man na tatanggi siya na ibigay ang kanyang katawan, pero ngayon ay isang bilyon ang nakasulat duon. "May ginawa kaya si Calix para maging isang bilyon 'yon? Pero wala namang naka-bura kaya nagtataka lang din talaga ako. Nakakainis." Bulong niya sa kanyang sarili. "Amy, may sinasabi ka ba?" Boses ng nanay niya kaya bigla niya itong nilingon. "Wala po. Ang sabi ko lang ho ay ang sarap ng ulam natin." Sagot niya. Magsasalita pa sana ang kanyang ina, ng bigla silang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pintuan. Mabilis tuloy na kumakabog ang puso ni Amy dahil tila ba alam na niya kung sino ang tao na nasa labas ng bahay nila. "Amy anak, buksan mo ang pintuan at may kumakatok. Baka si Cynthia 'yan." Sabi ng kanyang ina, pero malakas ang kutob ni Amy na si Calix ito dahil hindi siya sumipot sa usapan nila. "Ako na ang magbubukas mahal. Kukuhanin ko rin naman ang baso ko na naiwan sa salas." Sabi ng kanyang ama sa kanyang ina. Mabilis na kumakabog ang kanyang puso habang nakikiramdam siya at hinihintay ang sasabihin ng kanyang ama. At katulad nga ng tumatakbo sa utak niya ay tama siya. Si Calix nga ang dumating. "Amy anak, nandito si Calix at may lakad pala kayo. Inimbitahan ka pala niya sa isang birthday party daw ng kanyang pinsan. Bakit hindi mo sinasabi sa amin? Kanina ka pa raw niya hinihintay, tapos hindi mo sinasagot ang mga tawag niya. Aba'y huwag kang ganyan sa kanya at mabuting bata naman itong si Calix." Sabi ng kanyang ama. Matalim na sinulyapan ni Amy ang binata, pero si Calix ay nakangisi lang sa kanya. "Tumayo ka diyan at huwag ka ng kumain. Mukhang masarap ang ipapakain sa'yo ni Calix, kaya sige na anak. Magbihis ka na at ng hindi kayo ma-late sa lakad ninyo." Sabi ng ina ni Amy. Kokontra sana si Amy, pero agad na nagsalita si Calix kaya mas lalong tumalim ang kanyang mga mata. "Oho, masarap ho ang ipapakain ko sa kanya, at sigurado ako na kapag natikman niya ay hahanap-hanapin ho niya." Sagot ng binata. Napangiti naman ang ina ni Amy. Pagkatapos ay muli nitong pinatayo si Amy para makapag-bihis na raw ito. "Uhm... kung late ho matatapos ang kaarawan ng pinsan ko. Duon ko na lang ho siya patutulugin sa bahay ng pinsan ko. Susunduin ko na lang ho siya bukas ng umaga para ihatid dito sa inyo. Baka medyo late ko ho siyang maihahatid dahil may uunahin lang ho akong trabaho bukas, but rest assured, ligtas ho si Amy sa amin." Wika nito. Gustong-gusto ng damputin ni Amy ang plato niya at paliparin ito sa mukha ni Calix, pero hindi naman niya magawa dahil siguradong mapipingot na naman siya ng kanyang ina. "Okay hijo. Magbibihis lang ang anak namin at ng makaalis na kayo." Sabi ng ina ni Amy. Malaki ang tiwala nila kay Calix dahil kaibigan ito nila Marcus. Padabog na umakyat si Amy sa kanyang silid. Bagong paligo naman siya at basa pa nga ang buhok niya kaya hindi na niya kailangang maligo ulit. Kumuha siya ng isang skinny jeans sa loob ng aparador at isang crop top na kulay pula. Pagkatapos ay sinuklay lang niya ang buhok niya at hindi na siya nag-abalang maglagay ng make up. Alam naman kasi niya ang totoo na wala talaga silang pupuntahang birthday. Naupo siya sa gilid ng kama at saka siya sumipa ng sumipa sa sobrang inis niya. She kept asking herself if she had actually put one billion in the contract. "Bakit ko naman ilalagay ang isang bilyon kung alam ko naman sa sarili ko na wala akong ganuong kalaking halaga. Jusko, isang milyon nga wala ako... isang bilyon pa kaya? Bwisit ka talaga Calix. Kapag nalaman ko na may ginawa kang anomalya sa sinulatan kong kasunduan natin... hihiramin ko ang baril ni Marcus at bubutasin ko talaga 'yang alaga mo." Mahinang sabi ni Amy sa kanyang sarili. Inis na inis at tila ba paiyak na ito. Humugot siya ng malalim na paghinga. Tumayo mula sa kanyang pagkakaupo at muling humarap sa salamin. Tinitigan niya ang kanyang sarili. Kinakabahan siya dahil ngayong gabi ay maisusuko niya ang kanyang pagka-birhen sa lalaking itinitibok ng kanyang puso, pero ang masakit ay hindi naman siya mahal ng lalaking mahal niya. "Shiiit! Tumalon na lang kaya ako sa bintana? Nasa ibaba naman siya kaya hindi niya ako makikita na tatakas dito sa bintana." Bulong niya. Pagkatapos ay nagmamadaling sumilip sa bintana. Pero laking dismaya niya ng pagbukas niya ng bintana ay nakita niya doon si Calix at ang kanyang ama na nag-kukuwentuhan. Lihim pa siyang sinulyapan ni Calix, pagkatapos ay ngumisi ito. Tila ba alam na alam nito kung ano ang tumatakbo sa utak niya. mabilis tuloy niyang isinara ang pintuan. "Bwisit ka talaga, Calix!" Impit niyang sigaw. Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang bumaba sa unang palapag para makaalis na sila. "Oh anak, ganyan lang ba ang isusuot mo? Hindi ba at may mga dress ka namang magaganda diyan na padala pa sa'yo ni Althea? Bakit hindi iyon ang isinuot mo? Nababagay 'yon sa okasyon na dadaluhan ninyo." Sabi ng ina niya. "Okay na ho ito nanay, simpleng kaarawan lang naman ho ang pupuntahan namin. Saka mas komportable ako kapag ganito ang suot ko." Sagot nito. Tumango-tango naman ang kanyang ina, pagkatapos ay nilapitan siya at inayos ang buhok niya. Inalis din nito ang mga hibla na tumatabing sa kanyang mukha. "Napakaganda mo anak. Napaka-palad ng lalaking magmamahal sa'yo dahil hindi ka lang basta maganda... masipag ka at may mabuting puso." Sabi ng kanyang ina. Isang tipid na ngiti lamang ang isinagot niya. "Sige na anak at nasa labas ang tatay mo at si Calix. Duon ka nila hinihintay." Sabi pa muli ng kanyang ina. As soon as she stepped out the door, Calix greeted her with a smile. His eyes swept over her from head to toe before returning to her face. The look on his face made it clear that he was burning with desire for her. "Mag-iingat kayo. Calix, dahan-dahan lang sa pagmamaneho, at huwag mong masyadong painumin ng alak itong si Amy dahil hindi naman masyadong umiinom ang isang 'yan." Habilin ng ama ni Amy. Tumango naman si Calix at sinabing hindi niya masyadong bibigyan ng alak ang dalaga. At ilang habilin pa ay tuluyan na nga nilang nilisan ang farm nila Amy. -To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD