❀⊱Amy's POV⊰❀ Tatlong taon na nang huli kaming magkaharap ni Calix. Ang dami ng nangyari sa buhay ko, sa anak ko at sa mga bumubuo ng Venum. Alam ko na ilang beses nang sinubukang i-trace ni Calix ang mga lumang data ko... social media traces, CCTV feeds, pati na mga encrypted government files. He’s that good, sobrang talino niya sa computer, parang wala nang system na hindi niya kayang pasukin. Pero hindi rin basta-basta si Tyler kaya kahit na ano ang gawin ni Calix... hindi niya ako mahanap. One time, nakita ni Tyler na sinubukan ni Calix mag-hack sa ilang intelligence servers, mga classified network na hindi basta nararating ng kahit sinong hacker. Pero sa tuwing susubukan niyang pumasok, bigla na lang nagka-crash ang system, nagdi-disconnect ang mga access point, at nawawala ang mga

