❀⊱Amy's POV⊰❀ "Calix naman, sagutin mo naman ang tawag ko. Ilang beses na kitang tinatawagan pero bakit ba kasi hindi kita matawagan? Naka off ba para hindi mo masagot ang mga tawag ko? Balewala lang ba talaga ako sa buhay mo kahit ilang buwan na tayong nagsasama sa iisang bubong?" Bulong ko habang naiiyak na ako. Hawak ko ang cellphone ko, my fingers gripping it tightly na parang iyon na lang ang natitirang koneksyon ko sa kanya. Kanina pa ako walang sawang tumatawag kay Calix, pero hanggang ngayon, dumidiretso lang lahat sa voicemail, paulit-ulit na tumutugtog ang malamig at walang buhay na automated message, parang pinagtatawanan ang pagiging desperada ko. Pero paulit-ulit lang din ako sa katangahan ko. Anim na buwan na ang tiyan ko, at ilang buwan na lang ay isisilang na ang anak na

