┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Ilang araw na lang at kaarawan na ni Senyor Grayson Dux, at parang buong high society ay nagkakandarapa na papuntang Coron, Palawan. The air was practically buzzing with excitement. The invitations had gone out weeks ago... elegant, embossed, and sealed with gold foil, and ever since then, halos lahat ay hindi na mapakali. Sa social media pa lang, ramdam mo na ang hype. Sunod-sunod ang posts ng mga excited na guests, may nagfa-flex ng plane tickets, may nagpapakita ng resort sneak peeks, may nagpaplano pa ng matching outfit pegs para sa beach party. Iba-ibang hashtags ang naglalabasan, parang may sariling buhay na ang event bago pa man ito magsimula. Ang iba naman, abala sa pag-aayos ng bagahe, puro linen sets, floral dresses, at shades na worth more than a month’s rent.

