┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Magkakasama sila Calix ngayon sa Cavite, sa isa sa mga hideout ng Venum na nasa gitna ng malawak na kagubatan, isang lugar na lagi silang nagkikita-kita para sa secret operations nila, malayo sa mga mata ng mga pulis at kalaban. Tahimik lang ang paligid, parang ang katahimikan mismo ang nagbibigay ng kapanatagan sa damdamin ni Calix at ang tanging maririnig lamang ay ang mahihinang pag-uusap ng mga tauhan ng Venum, ang mga huni ng kuliglig, at ang lagaslas ng mga dahon sa tuwing iihip ng malakas ang hangin. Sa lilim ng isang malaking puno ay nakaupo lang si Calix sa nakalitaw na malaking ugat, nakasandal sa rough bark ng puno at nakatitig lang sa malayo, like he's staring into his own thoughts. May hawak siyang maliit na bato na pinaikot-ikot sa mga daliri, a small habit n

