Simula

2220 Words
Simula "'Wag na 'wag kang lalapit sa mga Sabrevega!" Iyan ang palaging paalala sa akin ni Mama. Aniya'y masasamang tao daw ang mga Sabrevega. Walang puso, sakim at tanging ang mga sarili lang nila ang kanilang iniisip. Hindi ko mawari kung bakit galit na galit si Mama sa mga Sabrevega. Lagi kong tinatanong ang rason niya ngunit paulit ulit lang ang sinasabi niya. I think my Mother's reason is irrational and absurd. I mean, you shouldn't hold grudges to people just because of their lifestyle or social status. Kung gusto mong umangat, magsumikap ka. I don't want to hold grudges to people who didn't do me wrong and even if they ever did, I can forgive them wholeheartedly. Ayokong nagtatanim ng galit sa puso ko dahil wala naman iyong maidudulot na maganda sa buhay ko. Holding grudges to other people won't make your life easier. It won't do anything good. Pero satingin ko may iba pang ikinakagalit ang nanay ko bukod sa pagiging mayaman ng mga Sabrevega. Kung ano man iyon, sana ay makalimutan niya na. Na pag tama na ang panahon, buksan niya muli ang puso niya at magpatawad. Healing begins when you forgive. Iniintindi ko nalang si Mama dahil siya na lamang ang katuwang ko sa buhay. Maaga kasing pumanaw si Papa dahil sa sakit niya sa puso. "Malapit na ba tayo?" tanong ng kaibigan kong si Maribelle. Si Maribelle ang nag-iisa kong kaibigan. Nakilala ko siya sa eskwelahan ko sa Catanduanes National High School. Siya lamang ang totoo sa akin. Hindi ko alam kung bakit ilag sa akin ang mga babae habang ang mga lalaki naman ay mas gusto pa ng higit sa pagkakaibigan. I don't want to give them false hopes. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Maribelle papuntang Virac. Magsisimba kami dahil linggo ngayon. Mahigit isang oras ang lalakarin mula Agban patungong Virac. Sa dulo kami nakatira at malapit sa dagat ang bahay namin kaya medyo malayo. "Malapit na!" maligaya kong sinabi. Naka-rubber shoes, simpleng jeans at offshoulder top ang suot ni Maribelle habang ako naman ay simpleng floral dress at strappy sandals lang ang isinuot ko. Pagkaraan ng ilang minuto ay naririnig ko na ang kampana ng simbahan. Nasa labas na kami at bumibili pa si Maribelle ng sampaguita. "Bilisan mo, magsisimula na ang misa!" sambit ko. "Yung misa ba talaga ang inaabangan mo or si Zaijian?" Ngumisi siya, halatang nang-aasar. I chuckled awkwardly. "Siyempre yung misa!" I half-heartedly said. Totoong nagsisimba kami ni Maribelle tuwing linggo pero hindi ko maitatangi na inaabangan ko rin si Zaijian. Kada linggo kasi ay nagsisimba sila ng kaniyang pamilya. Ilang buwan ko na rin siyang hindi nakikita dahil nasa Maynila siya base sa nabasa ko sa isang magazine. Tanyag talaga ang kanilang pamilya, hindi lang dahil sa apelydo nila, pati na rin sa pagiging matiyaga at mahusay nila sa kanilang mga napiling propesyon. Iginala ko ang aking mata at hinanap ko siya o di kaya ang pamilya niya. Wala akong nakita ni anino niya kaya naman ay ibinaling ko na lang ang buong atensyon ko sa misa. "Ayun yung pamilya ni Zaijian oh!" Nginuso ni Maribelle ang upuang nasa harap namin. Bahagyang lumiwanag ang mukha ko. Bumagsak lang ang balikat ko ng napagtantong wala doon si Zaijian at tanging pamilya niya lang ang naroroon. Siguro ay nasa Maynila pa rin siya? I can still remember the first time I saw him. Grade 7 ako no'n habang grade 12 siya. Mas matanda siya sa akin ng limang taon. "Bakit ang ingay sa court?" tanong ko kay Maribelle. May mga babaeng naghihiyawan, tila ba kinikilig. "Ah! Naroon kasi si Zaijian Sabrevega, naglalaro ng basketball! Ang guwapo nga niya, e!' sambit ni Maribelle. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng banggitin niya ang apelydong "Sabrevega" I was sure that was the family name my mom hates the most. Out of curiousity ay niyaya ko si Maribelle na pumunta sa court. "Sure ka ba diyan?" tanong niya ng niyaya ko siya. Tumango ako. Nasa entrance pa lamang kami ng gate ng court ay halos mabingi na ako sa sigawan ng mga tao. Napaawang ang labi ko ng makitang walang kahirap hirap niyang na-ishooshoot ang bola. Nasa akma na kami ng pag-upo sa bleachers ng biglang tumama sa mukha ko yung bola. Bahagya pa akong natumba. May naglahad ng kamay sa akin kaya naman ay tinanggap ko iyon. Nang makatayo ako ay kaagad ko iyong binitawan dahil para akong napapaso. "Are you okay?" concern is laced on his tone. Naaninag ko ang mukha ng tumulong sa akin at ganoon na lamang ang paghuhuramentado ng puso ko ng makitang si Zaijian Sabrevega iyon. I was stunned. His looks could surpassed the face of a divinity. Naiintindihan ko na kung bakit halos magwala ang mga babae kanina. Kung ako rin naman ay sisigaw kapag ganiyan ang itsura. His bronze, tan-colored skin was kissed by the bright yellow daylight, beams of the sun hitting his strong, robust biceps. Toned, that's one way to describe it. His prominent jaw gave him some sort of devilish look, along with his perfectly shaped and fit body. Brunette locks, messy and practically all over the place. Still, girls swoon and drool over this. Alongside his attractive self, was the bad boy-like spark that lies within him. The epitome of Zeus, Athena, and Aphrodite, he was. Dominant, clever and undeniably gorgeous. "Ang g'wapo mo," wala sa sariling naiusal ko. His lips parted at my remark. After a few seconds, I heard him chuckled. My eyes dilated when I realized what I've said! His lean body was covered from head to toe with symmetrical beads of sweat, which looked like little, glassy jewels sprinkled on his ebony frame. "Uhm.. S-sorry," Paghingi ko ng tawag. He shooked his head. "I'm the one who should say sorry. Okay ka lang ba?" He asked. I can sense the gentleness in his voice. Kahit na pinagpapawisan siya ay mukha pa ring maaliwalas ang itsura niya. Beads of sweat rolled down on his neck but I can still smell his manly scent! Ang bango! My palms started to feel clammy as beads of sweat collected on my forehead. My legs had gone numb and my heart was slamming against my ribcage, threatening to pop right out of my chest. "O-Oo," kinakabahang sagot ko. "Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" His voice was soft and warm. I can almost hear the sound of my throbbing heart. "No, I'm fine," ani ko. "By the way, I'm Zaijian.. Nice to meet you," pagpapakilala niya "Klarisse," Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad. He nodded and smiled at me. His eyes told of unspoken words, his radiant smile warmed my heart like a ray of sunshine on cold wintry day. That's how I met him. Iyon ang una at huling pakikipag-interaksiyon ko sa kaniya. Simula no'n ay hindi na nasundan pa at patago ko na lamang siyang napagmamasdan. Hindi ko rin siya madalas makita nitong mga nagdaang buwan. Batid kong nagtungo siya sa Maynila at nag-aaral ng Engineering. Hindi ko alam kung paano nasabi ng nanay ko na masama ang mga Sabrevega, pero para sa akin hindi. Isa si Zaijian sa patunay na hindi. Zaijian's kind and somehow warm. Ibang iba sa depinisyon ng nanay ko na walang puso. Napabalik lang ako sa aking huwisyo ng sikuhin ako ni Maribelle. "Oh bakit?" tanong ko. I knew I was zoning out but I was too clouded by my own thoughts. Nginuso ni Maribelle ang upuan sa harapan namin at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita si Zaijian! Hindi ko alam kung bakit sa hindi malamang dahilan ay biglang nagdiwang ang puso ko! Hindi ko alam kung nakikilala pa ba niya ako. Grade 10 na ako. It's been 4 years since our first interaction. Hindi naman siguro siya ganoon kabilis makalimot diba? Nang pinatayo kami ni father para sa 'Ama Namin' ay hindi ko maiwasang hindi pansinin ang pigura ni Zaijian. His body becomes more manly and he looks more attractive. No wonder why girls like him. No wonder why I like him. Hindi lang naman dahil sa gwapo siya kaya ko siya nagustuhan. Mabait din siya at matalino. I'm attracted to his looks but I came to like him because of his morals and personality. "Ngayon, tayo ay magbigay ng kapayapaan sa isa't isa, Peace be with you," ani Father. Iginala ni Zaijian ang paningin niya at wala sa sarili akong napapatingin sa labi niya. Nang magtama ang paningin namin ay tinanguan niya ako kaya naman binati ko rin siya. "Peace be with you," ani Zaijian. "Kiss be with you," wala sa sarili kong sinabi. Tsaka ko lang na-realize ang sinabi ko ng siniko ako ni Maribelle. "Anong sabi mo?" tanong ni Maribelle. My face heated. I shooked my head to clear the thought as my face blushed with shame. Paulit ulit kong pinipisil ang magkabilang kamay ko, umaasa na mababawasan ang pinaghalong hiya at kabang nararamdaman ko. Nanatili ang seryosong tingin sa akin ni Zaijian. Kahit na seryoso ay hindi maiwawaksi ang pagkamanghang bumalatay sa buong itsura niya. I swallowed hard. Nakahinga lang ako ng malalim ng pumila kami ni Maribelle upang sumubo ng ostya. Mabilis lamang ang naging pila kaya naman ay mabilis din kaming nakabalik sa upuan namin. Nang matapos ang misa ay napag-pasyahan namin ni Maribelle na kumain muna ng fishballs. Bumili ako ng sampung pisong fishball at ganoon din naman si Maribelle. Habang abala ako sa pagkain ng fishballs ay bahagyang nanlaki ang mata ni Maribelle na para bang nakakita ng multo. Bahagya akong napaatras. Susundan ko na sana ang tingin ni Maribelle, kaya lang ay muntikan na akong matapilok. Buti na lang ay napasandal ako sa isang matipunong dibdib. Unti unti kong nilingon kung sino iyon. "Careful, you might fall," aniya. "S-Sorry-" I was stunned when I saw Zaijian. "It's fine," He smiled at me, the kind of smile the will melt every girl's heart. Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses bago ako makabalik sa aking huwisyo. Bumili rin si Zaijian ng fishball. Sandali pa kaming nagkatitigan bago ko ibinaling ang tingin ko sa iba. I bit the insides of my cheek to stop myself from smiling. Kinapa ko ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko at pinakiramdaman ko iyon. Kahit na hindi niya ako napapansin ay nagawa ko pa rin siyang magustuhan. I remembered the times that he almost caught me following him. "Babe! Dito tayo!" sambit ng maputing babae. Batid kong iyon ang girlfriend niya. Umupo sila sa may buhangin. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa ng ilang minuto. I was stunned for a few seconds ng makita ko ang balak nilang gawin. Hindi ko namalayan na nahulog na pala ang hawak kong kwaderno. Dahilan para lumikha iyon ng ingay. They were about to kiss but I think I ruined their precious moment when my things dropped! "Sino iyan?" tanong ng babae. Nagtago kaagad ako sa likod ng puno. Nang lumipas ang ilang minuto ay umalis ako doon. Nagulat ako ng makita ko si Zaijian na nakatingin sa akin at nakahalukipkip. "Are you following me?" Marahan niyang tanong. "H-Hindi!" Kinakabahan kong sagot. I gritted my teeth. Sa kagustuhan kong makalayo ay humakbang na ako paalis. Pinaghalong kaba at hiya ang nararamdaman ko. Malalaki ang hakbang ko dahil gusto ko kaagad makalayo sa kanila. For years, my attraction towards him never changed even a bit. Hindi iyon nagbago o nabawasan man lang. Sa halip ay parang mas tumitindi pa ang nararamdaman ko sa kaniya. I know that Mom will be furious once she finds out that I'm in love with a Sabrevega. Pero gusto kong malaman niya na sinubukan kong iisang tabi at hindi pansinin ang nararamdaman ko para kay Zaijian. Gusto kong malaman niya na pinigilan ko ang nararamdaman ko ngunit ang puso ko mismo ang ayaw magpapigil. Sinubukan kong iisang tabi ito ngunit, puso ko mismo ang kumakawala. Pinigilan ko pero parang mas lalong lumala. Sinubukan kong iisang tabi pero mas lalo atang tumitindi. Alam kong binantaan na ako ni Mama na 'wag lumapit sa mga Sabrevega pero mukhang ang tadhana mismo ang naglalapit sa mundo naming dalawa. I tried to move on and cast my feelings away but there's nothing I can do about it. It's already here... Falling in love with someone is inevitable. You can conceal it but not control it. Because if you will fall, you will fall... Hindi natin kontrolado kung sino ang mamahalin natin at kung kanino tayo mahuhulog. Kagaya na lang ng ihip ng hangin, ang pagbuhos ng malakas na ulan, ang pagpapalitan ng araw at gabi, ang paa ng mga orasan na kada segundo ay humahakbang, Ang mga numerong napapalitan sa kalendaryo kada pagsapit ng panibagong araw, ang taon na napapalitan pagkaraan ng tatlong daan at animnapu't limang araw, ang ikot ng mundo, pati na rin ang nararamdaman ng bawat tao. You can close your eyes to the things that you don't want to see but you can't close your heart to the things you don't wanna feel. Most things are out of our control and there's just nothing we can do about that. And if I were given another life, I will gladly take and accept this feeling with wide-open arms again. Because for me, falling in love is the best feeling you could ever feel in this world.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD