Chapter 41 THIRD PERSON POV Ma'am Darine may may bisita po kayo sa loob ng opisina nyo po kanina pa po silang naghihintay sayo.” sabi ng sekretarya ni Darine. Bisita?" pagtataka na tanong ni Darine kasi wala naman siyang inaasahan na bisita sa araw na'to. Hanggang sa pumasok na lang si Darine sa kanyang opisina para tingnan kung sino ang kanyang bisita. Pagpasok niya sa loob ay dalawang lalaki ang nabungaran ng mga mata niya na nakaupo sa upuan sa tabi ng mesa ng kanyang opisina. “Levon, Gilbert,” sambit ni Darine sa pangalan ng dalawang kaibigan ni Jasper. Darine. “ Sabi ni Gilbert at tumayo sila ni Levon. Anong ginagawa nyo dito?” tanong ni Darine sa dalawang lalaki Nagtataka rin si Darine dahil sa tagal din ng panahon ay ngayon lang niya nakita ang dalawang kaibigan ni Jasper

