Chapter 54 DARINE Nang ibaba ni Nixon si Danilo ay mabilis na lumapit sa akin si Danilo at niyakap ni Danilo ang baywang ko. Nakatingin si Jesper sa amin. Hindi niya inalis ang mata niya sa aming tatlo. Lumuhod si Jasper pero nakita ko na namula ang mga mata niya. Kitang-kita ko ang pagtaas baba ng kanyang Adam's apple. Lahat kami ay nakatingin kay Jasper na gustong-gusto niyang hawakan ang kanyang kambal. “I have to go Darine mag usap kayong dalawa.” Paalam sa akin ni Nixon at nagpaalam din siya sa kambal ko. Nang makita ni Jasper na nilalaro ni Nixon ang buhok ni Danilo ay umigting ang kanyang panga. Pinipigilan lang niya ang kanyang sarili na hindi siya makagawa ng gulo. Kung hindi lang nandito ang mga bata ay kanina pa niyang sinalubong ng kamao niya si Nixon. “Papa Nixon buma

