Chapter 63 THIRD PERSON POV Walang time si Darine na harapin ang mga media sa labas at nagkalat ang mga tauhan nila sa labas ng bahay at hindi nila hinayaan na makalapit sila kay Darine. Nang nasa loob ng bahay di Darine ang kambal niya agad ang kanyang hinanap. Tinanggal ni Darine ang suot niyang blazer nilagay niya sa ibabaw ng couch at kinuha niya ang phone niya sa loob ng kanyang bag. “Hija nasa taas po ang kambal kasama nila si Samira. Kanina pa ang mga media sa labas kahit anong palayas namin sa kanila ayaw nilang umalis ano po ba ang nangyayari hija? Totoo ba na buntis si Sidra?” tanong ni Aling Rana. “Siguro po Aling Rana, mga bata kamusta po sila may nakita ba sila sa television?” tanong ni Darine umiling si Aling Rana sa kanya. “Wala hija ng makita agad ni Samira ang bal

