Chapter 13 DARINE Kahit anong hampas ko sa likod niya ay wala siyang pakialam. Hanggang sa nararamdaman ko na nasa loob na kami ng sasakyan. Nilagay niya sa akin ang seatbelt amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango at ang mainit niyang hininga ay dumampi sa balat ko. Hanggang sa nakatulog ako. Naririnig ko na may nagsasalita sa paligid pinipilit kong buksan ang mga mata ko ay hindi ko magawa dahil mabigat ang nararamdaman ko. Ilang sandali ay nararamdaman ko na nasa ibabaw na ako ng malambot na kama. Feeling ko nasa mansion ako ng magulang ko sa Cebu. Nakikita ko sa panaginip ko ang mukha ni Lolo kapag siya ay nagagalit. "Hayaan n'yo akong mag-isa, hindi ako susunod sa gusto n'yo!" matigas na sabi ko habang natutulog ako. Nararamdaman ko na pumatak ang aking mga luha sa aking

