CHAPTER 18 - Deal Between Best Friends

2012 Words
(LENA'S POV) "W-What the hell...?" Napatingin din ako agad sa mukha ni Tito Rick dahil sa tila hindi makapaniwalang bulong niya. At nang mamasdan ko na ulit ang mukha niya ay gulat na gulat siya. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Para siyang nakakita ng multo sa sobrang gulat! Hindi ko maintindihan ang reaksiyon niya. Napansin ko rin na parang tumalim sa kawalan ang paningin niya kasabay ng pag-igting ng mga panga niya. "Ilang beses na niya iyong ipinagawa sa'yo?" bigla ay seryoso niyang tanong sa akin. Nakayuko na rin ulit siya sa pagkain niya kaya hindi ko na makita ang ekspresyon sa mukha niya. "Mga... Limang beses na po siguro..." Mahina kong sagot sa kanya. Parang nakaramdam kasi ako ng tensiyon mula sa kanya. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano? Kung galit ba siya sa akin?? Pero bakit? "f**k!!" bigla ay malakas niyang pagmumura kasabay ng pagbitaw niya sa hawak niyang kutsara't tinidor. Napalundag ako nang bahagya mula sa kinauupuan ko dahil nagulat ako sa kanya! "B-Bakit po, Tito?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang tumunghay sa akin at biglang nagbago ang ekspresyon niya. Bahagyang lumiwanag ang mukha niya habang nakatitig sa akin mula sa tila pagdidilim ng aura. "I'm sorry, baby. May nakagat lang akong buto tapos tumama sa gums ko kaya masakit." Sabi niya pagkatapos ay ngumiti siya ng matamis sa akin. Bahagya namang nawala ang pag-aalala ko. Caldereta kasi ang ulam namin kaya maraming buto. Napangiti na rin ako sa kanya pagkatapos. "Akala ko naman po Tito kung ano." inosente kong wika sa kanya bago ko itinuloy ang pagkain ko habang nakayuko. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga pagkatapos. "Bilisan na natin ang pagkain natin at nang maihatid na kita pauwi sa inyo. Kailangan ko ring makausap ang Dad mo about something important." maya-maya ay wika ni Tito Rick sa akin. Agad naman akong tumango sa kanya. Bago kami bumiyahe, habang nasa kotse na kami ay sinabi niya sa akin na mayroon siyang mga pasalubong sa akin na nasa trunk daw ng kotse niya. Mga mamahaling alahas, bag at sapatos raw iyon kaya naman sobra ang pasasalamat ko sa kanya. Agad na rin kaming bumiyahe para ihatid niya ako sa bahay namin ni Daddy. Mabuti na lang din ay hindi na ako nakasuot ng uniform dahil may dala rin pala siyang damit para sa akin para pamalit ko. Iyon na ang isinuot ko paglabas namin kanina sa hotel. "Daddy! Nandito na po ako! Kasama ko po si Tito Rick! Inihatid niya ako!" pasigaw kong tawag kay Daddy pagkapasok na pagkapasok namin sa living room. Pero imbes na si Daddy ay si Manag Eva ang lumapit sa amin mula sa kusina. "Lena, bakit ka sumisigaw—" "Manang, si Daddy po?" agad kong putol sa sinasabi niya. Excited na kasi akong makita si Daddy at ipaalam na inihatid ako ni Tito Rick sa bahay namin. "Nasa taas siya, anak. Ricky? Ikaw nga, Ricky." bigla ay bulalas niya habang nakatingin naman kay Tito Rick. "Ako nga po, Manang Eva. Kumusta na po?" narinig ko namang bati ni Tito Rick kay Manang. "Tatawagin ko lang po si Daddy, Tito." paalam ko naman kay Tito Rick bago ako nagmamadaling umakyat sa hagdan. ●●●●● (THIRD PERSON POV) "P're, ano itong sinasabi ni Lena na isini-set mo siya ng appoinment sa mga kliyente mo para makipagsex in exchange of something for you? Is that true?" Tanong agad ni Ricky kay Victor. Pagkababang-pagkababa ni Victor kanina sa sala ay niyaya agad ito ni Ricky na mag-usap sila. Kaya naman lumabas sila at nagtungo sa isang lugar kung saan ay makakapag-usap sila nang masinsinan at hindi naririnig ni Lena. Gamit ang kani-kaniya nilang kotse ay nagtungo sila sa isang bakanteng lote 'di kalayuan. Imbes na sumagot ay nagkibit-balikat lang si Victor bago sinindihan ang yosi niya at humithit doon. "So it's true? Damn! P're, maawa ka naman sa bata. She doesn't deserve that! Tigilan mo na ang pagpapagamit sa kanya kung kani-kanino para lang makuha mo ang gusto mo!" hindi na napigilan ni Ricky ang bahagyang pagtaas ng boses niya dahil naaawa siya kay Lena. Napakabait ni Lena at inosenteng dalaga para ibugaw ito ng best friend niya kung kani-kanino. Pero imbes na makinig ay tila si Victor naman ang nagalit. Itinapon nito sa lupa ang sigarilyo at mariing tinapakan, pagkatapos ay tumitig kay Rick na walang kangiti-ngiti. "P're, nakakalimutan mo yata ang lugar mo. Ako ang guardian ni Lena. Tito-tituhan ka lang niya dahil best friend kita." ani Victor sa best friend niya na may babala sa tono at tingin. Pero hindi naman nagpatinag si Ricky. Sinalubong din niya ang titig ng best friend niya. "P're, concern lang ako kay Lena. Lena is an innocent young woman but you're turning her into a damn slut!" hindi na napigilang sigaw ni Ricky kay Victor. Gusto niyang ma-realize ni Victor ang mga pinaggagagawa nito kay Lena. Na makonsensiya sana ito sa pambubugaw nito kay Lena kapalit ng pera o anumang pabor mula sa kung kani-kaninong tao. "'Wag mo akong pakialaman, Ricky! Baka nakakalimutan mong isa ka rin sa nakikinabang sa katawan niya? Hindi nga ba't magdamag kang nagpakasasa sa katawan niya? Pasalamat ka nga at hinahayaan kitang gamitin siya nang paulit-ulit dahil best friend kita. Iyong ibang lalaki, saglit lang nila natitikman si Lena. Kaya 'wag kang magmalinis! 'Wag mong palabasing kalaban ako rito dahil pareho lang tayo!" sigaw rin ni Victor kay Ricky. Nagsukatan ng masamang tingin ang dalawa at kapwa kumuyom ang mga kamao nila. Nagtagis rin kapwa ang bagang nila. Walang gustong magpatalo ni isa. "Pero sumusobra ka na! Hindi na lang ikaw at ako ang pinag-uusapan natin dito. You're abusing her and offering her to different men for f**k's sake! God damn it, Vic. Ginagawa mo siyang pokpok nang hindi siya aware! The poor woman is so innocent and has a pure heart. 'Wag mo naman siyang abusuhin at sirain nang ganito. Stop manipulating her! Stop exploiting her!" muli namang sigaw ni Ricky kay Victor. Hindi naman agad nakasagot si Victor at binawi na rin nito ang paningin bago tumingin na lang sa kawalan. Alam naman ni Victor na mali at malaking kasalanan ang ginagawa niya kay Lena. But again, he isn't a perfect human being. And the temptation for him is too strong that he couldn't resist it. Nanghihinayang siya sa mga pagkakataon at mabilisang pera at koneksiyon na mapapalampas niya kung hindi niya gagamitin at papakinabangan si Lena. Kaya naman pikit-mata na lang niyang isinasakripisyo si Lena kahit pa genuine ang damdamin nito sa kanya at malinis ang intensiyon nitong matulungan siya. Pumapayag rin naman si Lena sa gusto niya. Ni minsan ay hindi ito humindi sa kanya. Kaya lalo lang lumalakas ang loob niya na ibenta sa mga lalaki si Lena. "Isasama ko siya pabalik sa Thailand." bigla ay mahina pero mariing wika ni Ricky maya-maya. Sapat para marinig ni Victor at maramdaman na desidido siya sa sinabi niya. Bigla namang napalingon ulit si Victor sa best friend niya pagkatapos ay ngumisi siya hanggang sa sarkastiko siyang tumawa. "Gusto mo lang siyang solohin. Ang tanong, sasama ba siya sa'yo?" may ngisi pa ring tanong ni Victor sa best friend niya. "She will, basta 'wag mo lang siyang pipigilan na sumama sa akin. Gagawin ko lang iyon para sa kanya, Vic, because you're ruining her. I am not trying to be selfish here. I just want to do that for her sake." mariin pa ring sagot naman ni Ricky. Pero muli ay tumawa lang ng sarkastiko si Victor. Tila ba aliw na aliw ito sa mga sinabi ng best friend niyang si Ricky. Mababakas din sa mukha niya ang tunay niyang damdamin—ang disgusto niya sa suhestiyon ni Ricky na isama nito si Lena sa ibang bansa. Kahit pa ano'ng sabihin ni Ricky ay hindi ibibigay ni Victor si Lena dito. Sa isip niya ay buo pa rin ang isang bagay—hindi pa siya tapos pakinabangan si Lena. "Ipinahiram ko lang siya sa'yo tapos ngayon ay gusto mo na siyang kunin sa akin? What the f**k, Pare? Aagawin mo ba talaga siya sa akin? Pinapahiram na nga kita ng pag-aari ko, sisiluhin mo pa siya sa akin?" "Look, gusto ko lang siyang iligtas mula sa—" "Hindi ba't malapit ka nang ikasal? Anong balak mong gawin kay Lena? Gagawin mo siyang kabit mo?" Bigla namang natigilan si Ricky sa sinabing iyon ni Victor. Oo, malapit na siyang ikasal pero Marriage of convenience lang iyon. Isa lang iyong kasunduan para mapalago pa ang mga negosyo ng dalawang partido. At dahil may kontrata ang kasal na iyon ay may hangganan din iyon. Hindi pa nga lang sigurado kung kailan iyon matatapos. "And do you really think na sasama siya sa iyo kapag nalaman niyang ibabahay mo lang siya at gagawing kabit mo? Believe me, Pare, hinding-hindi siya sasama sa'yo. Mahal niya ako at hinding-hindi niya ako iiwan. That's for sure. Kahit ano pa'ng sabihin mo sa kanya, kahit ano pang paliwanag ang sabihin mo sa kanya ay ako pa rin ang pipiliin at paniniwalaan niya dahil mahal niya ako. Ako ang pinakamahalaga sa kanya. Kung ano ang sabihin ko ay iyon ang gagawin niya." puno ng kasiguraduhan at may kayabangang pahayag ni Victor kay Ricky. Muli namang tumalim ang pagkakatingin ni Ricky kay Victor. Sa isip niya, he knows that Victor is right. Na-brainwash na ni Victor si Lena kaya malamang ay hindi talaga maniniwala o sasama sa kanya ang dalaga kahit pa para sa kabutihan nito ang nais niya. "Damn you. Kaya inaabuso mo siya? Pare, hindi ka ba natatakot sa karma?" "Tss. Kung totoo ang karma, eh di sana kinarma na ako. But look at me, malusog na malusog ako at inuulan ng biyaya. Just be happy for me, Pare. Ipapahiram ko pa rin naman sa'yo si Lena." sabi pa ni Victor. Muli na lang tumalim ang tingin ni Ricky kay Victor. Gusto niyang ilayo si Lena, pero hindi niya iyon ganoon kadaling magagawa. Isa pa, ayaw niya ring masira ang pagkakaibigan nila ng best friend niya. Kahit concern siya kay Lena at naaawa rito dahil masyado pa itong bata at napakainosente sa paningin niya ay babae lang ito. Wala pa siyang planong magseryoso sa babae. Wala sa bokabularyo niya na umikot ang mundo niya para lang sa babae. Kaya sa mga nangyayari ay ang friendship pa rin nila ni Victor ang pipiliin niya. "Sige, ganito na lang, Pare. Kapag malaya ka na, kapag tapos na ang marriage contract mo at gusto mo pa rin si Lena, ibibigay ko na siya sa'yo. 'Di ba, ikakasal ka na ngayong taon? Kapag sa isang taon ay divorced ka na, puwede ko nang ibigay sa'yo si Lena. Hindi ko siya pipigilan kung gusto niyang sumama sa'yo. Okay na ba tayo?" suhestiyon ni Victor. Matagal na napatitig ng mariin si Ricky sa best friend niya. Kung tutuusin ay wala naman talaga siyang karapatan kay Lena. Oo, mayaman siya at kayang-kaya niyang agawin si Lena kung gugustuhin talaga niya kahit pa masira ang pagkakaibigan nila ng best friend niya. Pero may mga aspeto sa buhay niya na hindi sapat ang dahilan para agawin niya si Lena. Kaya sa huli, naisip niya na ayaw niyang agawin si Lena. Oo, gusto niya si Lena. Masarap si Lena. But at the end of the day, babae lang si Lena. Hindi niya ibabase ang malalaking desisyon sa buhay niya dahil lang sa babae. He's a businessman. Doon pa rin siya sa bagay kung saan siya makakakuha ng pinakamalaking profit. And it isn't Lena. "Alright. But please, Pare, tigilan mo na ang ginagawa mo kay Lena. She is a good woman. Hindi mo siya dapat ginagamit para lang sa pansarili mong interes. Bibigyan na lang kita ng maraming pera. 'Wag mo na siyang ipagamit sa kung sinu-sinong lalaki." ani Ricky. Napangisi naman si Victor. "Deal." sabi pa niya at itinaas ang isang kamay para makipagkamay kay Ricky. Agad naman iyong tinanggap ni Ricky patunay na nagkasundo na sila at tapos na ang usapan nila tungkol kay Lena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD