(THIRD PERSON POV) Pagkagaling sa bahay ni Lena ay dumiretso si Nad sa lugar ni Kevin. Paparating pa lang ang motorsiklo niya ay nakilala na agad siya ng ilang mga tambay sa nasa may b****a ng eskinita na ang ilan ay kabilang sa akyat-bahay gang na kinabilangan niya dati. Tinanguan siya ng mga ito at ang iba ay sumaludo pa sa kanya. Simpleng tango lang din ang itinugon niya bago siya tuluy-tuloy na pumasok sa eskinita papunta sa mismong bahay ni Kevin. At nang matanaw na niya ang bahay ni Kevin ay bigla na lang itlong lumabas mula roon na halatang nagulat sa pagdating niya nang walang pasabi. Marahil ay nakilala na nito agad ang tunog ng motor niya kaya sumalubong ito sa pagdating niya. "Pare! Kumusta?! Mabuti't napadalaw ka!" masaya nitong bati sa kanya. Pagkababa niya sa motor ay ag

