Hanggang sa makabalik kami sa bahay ni Asher wala akung imik at wala akung sinasabi na kahit ano at patuloy lang ako sa paglalakad, alam ko naman na sobrang laki ng bahay ni at sa aking inaasahan sobrang dami ng kanyang mga tauhan dito at lahat sila ay nakatingin sa akin at mukhang alam na kaagad na nila decision ng amo nila, nakahawak pa ako sa kamay ni Asher at hindi ako lumilingon sa kanila dahil sa minsan natatakot na ako sa kanila. Tahimik lang ako at walang ibang ginagawa kundi ang manahimik habang dala-dala ko ang pagkain na binili niya sa akin kanina at gusto kuna itong kainin pero nahihiya naman ako sa kanila dahil kung makatingin sila sa akin parang iba na parang may ibang mali. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at narinig ito ni Asher pero hindi naman siya n

