Nakaupo ako dito sa office ni Asher kung saan dinala ako ng kanyang mga tauhan ng sinabi ko sa kanila na nais kung makita si Asher pero ang totoo gusto ko lang naman pumunta sa kanya kasi alam kung kapag nakaahon nasa tubig ang babaeng iyon susugurin niya talaga ako kaya mas mabuti na dito kami mag-away sa harapan ni Asher ng marinig ni Asher ang kanyang mga sinasabi kasi kahit ako hindi maniniwala sa kanyang mga sinasabi. Kahit ako natatawa sa aking ginawa sa kanya ng tinulak ko siya sa tubig, mukhang hindi niya kasi inaasahan ang gagawin ko sa kanya kaya sa malamang galit na galit ang babaeng iyon pero wala naman akung pakialam kung galit siya. Tinitignan pa ako ni Asher at biglang naningkit ang kanyang mata habang nakatingin sa akin at dahan-dahan nitong binaba ang hawak nitong ballpen.

