Chapter 5

1018 Words
Hindi ko alam kung ilang oras pa ang tinagal ng labanan nila habang ako naman dito ay patuloy na nagtatago at nakikinig sa kung ano pa ang kanilang gagawin at kung ano pa ang mangyayari kasi naman halos mawasak na ang buong isla at hindi parin naman sila tumitigil at ang tanging magagawa ko lang talaga ay ang hintayin kung hanggang kailan sila matatapos dito. Dahan-dahan na naman akung tumingin sa nagkakagulo habang sobrang baho ng pulbaro ng buong paligid isama mo pa ang usok na nandito at hindi ko alam kung anoa ng aking gagawin kapag nakita nila ako dito. Muli kung tinignan ang lalaki na nakasuot ng kulay ginto na mask at walang awa nitong pinapasabog ang mga ulo ng kanyang kalaban at katiting na awa wala akung nakikita sa kanyang mukha, sanay na sanay na naman siguro ang lalaking ito sa p*****n kaya wala siyang pakialam kung sino o ano ang kanyang papatayin sa galaw niya palang na sobrang pulido sa pakikipag-laban. Bigla akung na alarma ng mas lalong dumami ang helicopter at binomba ang buong lugar at ako naman ay napahawak sa aking tenga dahil sa sobrang ng pagsabog at sabay yuko sa ilalim ng bato kahit anong lapat at laki ng isla na ito masisira parin kapag makailang-beses na itong bombahin at wala akung ibang magawa kundi ang manalangin nalang na sana maging maayos ako at makaligtas ako dito. Isang sobrang lakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong isla at mas malakas pa ito sa naunang pasabog kaya halos mawalan ako ng pandinig matapos ang pangyayari na iyon at dahan-dahan kung tinanggal ang aking kamay sa tenga ko at doon ko nakita ang dugo sa kamay ko siguro dahil sa malakas na pagsabog na ito. Dahan-dahan akung napasubsob sa bato pero kahit anong gawin ko parang hinahati ang buong tenga ko at wala akung ibang marinig. Putangina naman! f**k! “Kailan paba ito matatapos!” sigaw ko dahil sa alam kung hindi naman nila ako maririnig. Hindi nga nagtagal at wala na ang pagsasabog at umalis na ang mga helicopter at doon palang dahan-dahan na bumalik ang aking pandinig. Tinignan ko lang ang papalayong mga helicopter at naalala ko ang lalaking naka mask kanina kaya kahit masakit ang tenga ko mabilis akung tumayo sa aking kinatatayuan at dahan-dahan na naglakad papunta sa kung saan ang lalaking naka maskara ay nakahiga sa lupa at may maraming dugo ang kanyang katawan at nakita kung may hawak pa ito na parang isang syringe. Dahan-dahan kung hinahakbang ang aking paa papunta sa lalaki nasa tingin ko ay patay na ito pero napatingin pa ako sa bangka na nakikita ko sa dulo at may sagwan sa unahan nito mabuti nalang hindi ito nasira ng mga pasabog kanina at ibinalik ko ang tingin sa lalaki na ngayon ay nakahandusay at patay na ito. Mahina akung lumahod sa kanyang harapan habang tinitignan ko kung buhay paba ito at may hawak pa siyang barel kaya dahan-dahan kung inurong ang barel nitong hawak habang umuusok ang buong paligid at sobrang baho ng mga pulbura. Akmang hahawakan ko ang kanyang kamay ng mabilis na gumalaw ang kamay nito at may bigla nalang itinusok sa aking tagiliran sabay dilat ng kanyang mga mata at ng magtagpo ang mga mata namin ay kumislap ang kulay grey nitong mata at mabilis na napatingin ako sa itinusok niya sa akin na syringe at may crack pa ito at kulay ginto ang laman at dahan-dahan akung nawawalan ng lakas habang nakatusok ang syringe sa tagiliran ko. Para akung matulala na hindi ko alam dahil sa gulat kasi naman hindi ko alam kung ano ang gagawin ko lalo pa at akala ko patay na siya at hindi na humihinga tapos biglang sasaksakin niya lang ako sa tagiliran ng kanyang syringe. Kumikisap ang kanyang mga mata at pinangako ko sa aking sarili na hindi ko makakalimutan ang mata ng lalaki na ito kahit na may maskara pa ito. Napakagat labi ako habang hindi ko alam kung ano ang aking sunod na gagawin. “I will find you,” may diing saad ng lalaki pero dahan-dahan kung hinila ang syringe sa aking tagiliran at tumayo habang sobrang init ng aking buong katawan sabay tapon ng walang laman na syringe sa kanya at tumalikod. Putangina! Hindi ko magawang magsalita o ano ang aking sasabihin dahil sa lamig at init na dahan-dahan na pumapasok sa aking buong katawan. HInimas ko pa ang aking tagiliran habang naglalakad ako at bigla pa akung natumba ng mas lalong nanuot ang kanyang itinuso sa katawan ko. “Putangina!” malutong kung mura ng wala akung ibang magawa kundi ang mapahiyaw sa sobrang sakit habang nakahiga ako sa lupa. “Ahhhhhh!!!!” malakas kung sigaw habang parang hinahati ang aking buong katawan at hindi ko alam kung saan ko ipipilig ang aking buong katawan. Parang may kung ano sa loob ng tiyan kuna gumagalaw at dahan-dahan na kinakain ang aking lamang loob at iyon ang aking nararamdaman ngayon. Umubo pa ako ng ilang beses at habang umuubo ako sumuka ko ng dugo at sa pagtingin ko sa aking tagiliran may nakita akung dahan-dahan na lumalabas doon na parang isang guhit at kulay ginto ito na mas lalong nagpasakit sa aking pakiramdam pero kahit anong sakit mabilis akung bumangon sabay lakad ng aking mga paa at tinungo ang aking bangka na nakita kanina at kahit na halos mawalan ako ng malay at natutuma ako sa tubig hanggang sa makarating ako sa bangka hindi ko ito pinansin at tuloy na tuloy lang ako sa paglalakad. Hanggang sa marating ko ang bangka at mabilis akung sumampa doon at sa pagsampa ko kaagad akung napahiga sa bangka at napasigaw ng sobrang lakas. “f**k!” malutong kung mura na parang may umuukit na mainit na bagay sa aking tagiliran at sobrang init nito. Ramdam ko ang paggalaw ng bangka pero hindi ko magawang igalaw ang aking buong katawan dahil sa sobrang sakit. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng bangkang ito kaya kailangan kung maging malakas bago ako mawalan ng malay dito at kailangan kung makabalik sa pangpang. Tangina naman kasi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD