Hindi ko alam kung ano ang sunod kung gagawin habang nakatingin sa akin si Gerther at nakakunot ang noo niya kasi naman mukhang nagulat ito ng makita niyang may kasama akung iba at naka mask pa talaga. Rinig na rinig ko pa ang malakas na kabog ng puso ko habang nakikita kung naglalakad palapit sa akin ang kaibigan ko at alam kuna kaagad kung ano ang bungad niya sa akin. Hinawakan ni Asher ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya kasi nagulat ako sa kanyang inakto pero hinayaan ko lang siya paano ba naman kinakabahan talaga ako sa sasabihin ni Gerther sa mukha niya palang na palapit sa akin hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanyang mga tanong. “Xenia!” malakas niyang sigaw habang nasa dulo palang ito kaya mas lalong kumabog na ang aking puso at humigpit nadin ang hawak ko sa

