Panay ang tingin ko sa pagkain ni Asher habang nandito kami sa loob ng hospital at mukhang hanggang ngayon galit parin siya sa akin at hindi ako nito gaanong pinapansin at sinabi pa nito sa akin na ang baliw na iyon ay isa sa kanyang mga tauhan na nabaliw at naging ganyan na, hindi na daw ito magamot dahil mukhang ito ang epekto sa kanya ng trabaho na meron siya. Sinabi din naman sa akin ni Asher na ang ibang mga tauhan niya ay namamatay sa laban at bago nila pasukin ang trabaho na ito may papeles na silang pinipermahan na kung mamatay man sila labas na si Von doon at ang maibibigay niya nalang ay sustento sa pamilya na maiiwan at mukhang iyon nga talaga ang mangyayari. Ang laki naman kasi ng sahod nila kay Asher at batak na batak sila sa insayo upang gumaling sila dahil hanggat buhay sila

