Hindi na hinayaan ni Asher na may makalapit na mga pulis dito at siya na mismo ang umayos at kagaya ng inaasahan ko nagulat na naman si Gerther sa mga nangyayari pero hindi na siya nagtanong sa akin at tumahimik nalang siguro hindi niya pa kayang tanggapin kung ano ang nangyari kaya ganito. Hindi na kasi pumayag pa si Asher na may makisawsaw na iba dahil mas lalong magiging malala ang situation kung may makikisali pa. Selfish na klaseng tao si Asher na kung pwedeng sarili niya lang ang iisipin niya magagawa niya, pasalamat nalang ako at hindi niya ako pinabayaan kahit na ganito ako at palagi ko siyang inaaway. Tinignan ko muli si Gerther na nakaupo sa unahan ng kotse kasama ko ang isang tauhan ni Asher na kanina pa nakatingin kay Gerther, kanina pa kasi nito nililingon ang kaibigan ko at

