PAGKATAPOS makuha ni Athena ang inorder niyang isang box ng egg tart na siyang paborito ni Dart ay lumabas na siya sa coffée shop na iyon, sumakay siya sa sasakyan niya at pinaharurot iyon paalis.
May nangyari nitong nagdaang mga araw na ikinatampo niya sa binata. Pero hindi naman niya ito matiis, kaya naman pupuntahan niya ito sa penthouse nito.
Napatingin siya sa mga nagkukumpol-kumpol na mga stool ng street food, she never tried to eat those. Masarap naman daw iyon sabi ng mga kakilala niya but she never dare to eat those street foods.
“Damn this traffic!!” inis na sabi niya.
Nakatigil siya malapit sa mga stool ng street food kaya hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pamilyar na mukha ng isang lalake.
“Dart?” kunot-noong sambit niya habang nakatingin sa binata.
Mukhang nag-eenjoy ang binata habang kumakain ng street food, may kasama itong babae at lalaki. And the woman looks familiar. Mas lalo siyang nainis no'ng malala kung saan niya nakita ang babaeng kasama ni Dart.
She’s gorgeous!
She’s gorgeous!
She’s gorgeous!
Parang naririnig niya pa rin na sinasabi iyon ni Dart habang naglalaro ang mga katagang iyon sa isipan niya.
Tinitigan niya ang mukha ng binata habang nakikipag-usap sa babae.
“You never smile at me like that. I never saw that happy face of yours when you’re talking to me. You didn’t stare at me like the way you stare at her right now.” puno ng hinanakit na sabi niya habang nakatingin sa masayang mukha ni Dart.
Napaigtad siya dahil sa malakas na busina na nanggagalig mula sa likuran ng sasakyan niya, nag-umpisa na palang umusad ang mga sasakyan na nasa unahan niya. Tinaponan niya ulit ng tingin si Dart bago pinausad paalis ang sasakyan niya.
.
.
Nginitan niya ang binata ng pumasok ito sa penthouse nito at maabotan siyang nakaupo sa mahabang sofa.
“What are you doing here?” tanong nito na may bahid ng inis ang boses.
Lihim siyang napangiti ng mapait, noong pumasok ito kanina na hindi pa siya nakikita ay nakangiti ito at kumikislap ang mga mata sa sobrang saya.
She pouted her lips. “Nagtatampo dapat ako sa’yo pero hindi kita matiis, e. Namimiss na kita.”
Umiling-iling lang ito bago pumunta sa kusina. Umiinom ito ng isang basong tubig ng makabalik sa sala.
“Go home. I need to rest, Athena.” sabi nito at nagsimula nang humakbang sa hagdan papunta sa kuwarto nito.
Tumayo siya. “I bring some egg tarts, you’re favorite.” tumigil ito sa ikatlong baitang at nilingon siya. Nginitian niya ito at kinuha ang box bago lumapit kay Dart. “Kumain ka muna.”
Umiling ito. “Busog na ako. Iwan mo nalang diyan or ikaw nalang ang kumain.”
Ibinuka niya ang bibig para sana magsalita ngunit tumuloy na ito sa pag-akyat. She blows a loud breath before walking towards the kitchen. Inilagay niya sa refrigerator ang isang box ng egg tart, pagkatapos ay bumalik siya sa sala para kunin ang bag niya para umuwi na.
Bagsak ang balikat na umuwi sa mansyon nila si Athena. Dumiretso siya sa kwarto niya at nahiga, balak niyang matulog at magpahinga na pero ilang minuto na siyang nakatihaya at nakatitig sa kisame, ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.
Pagkatapos ng isang oras na pagtitig sa kisame ay bumangon siya at lumabas ng kaniyang kuwarto. She found herself drinking whiskey in their mini bar.
Hindi niya alam kung nakailang baso na siya o nakailang bote na. Umiikot na ang paningin niya.
Good thing, she’s drinking inside their house. Kung nagkataon na hindi siya sa loob ng bahay nila umiinom, paniguradong hindi siya makakauwi sa sobrang kalasingan.
“Here is your coffee.” narinig niya sabi ni Molly pagkatapos nitong ipatong ang isang tasa ng kape sa ibabaw ng desk niya.
“Thank you!” aniya na habang sapo-sapo pa rin ang noo niya.
Tanghaling tapat ay umiinom siya ng kape imbes na nagla-lunch. Thanks to her hangover! She arrived at her office at exaclty 11:45am, ni hindi namalayan ng mga tao sa loob ng mansyon nila ang pag-alis niya dahil nasa komedor ang mga ito at nanananghalian na.
“Doon na muna ako sa labas at hihinatayin ang Lunch na inorder ko para sa’yo.”
Tumingin siya kay Molly. “I don’t have an appetite. Coffee will do.”
Inirapan siya nito. “You will eat the food I ordered for you. Or else...” tiningnan siya nito ng masama. “Malalaman ni Tita Ava na hindi ka naglunch.”
“Ang sipsip mo. May I remind you that I am your boss.”
“Whatever!!” sabi lang nito bago nagmartsa palabas ng opisina niya.
Habang sumisimsim ng kape ay nakatutok ang mga mata niya sa screen ng laptop niya at ang isang kamay ay busy sa pagtipa ng keyboard. Tumigil lang siya sa pagtatrabaho nang pumasok ulit sa opisina niya si Molly at sapilitan siyang pinakain ng pananghalian.
.
.
“THANK you for shopping with me Athena. Bakit kasi puro lalake ang mga anak ko e.” masayang sabi ng Mommy ni Dart habang naka-angkla ang braso niya sa isang braso nito.
“No problem Tita Natalie.” aniya at nilingon si Dart na nakasimangot habang nakasunod sa kanila. “Mga guwapo naman ang anak niyo ni Tito Dave, kaya okay lang 'yan Tita.” aniya
Kinurot nito ang pisngi niya. “You’re the sweetest, Athena. Kaya isa ka sa mga gusto kong makatuloyan ni Dart.”
Napatigil siya sa paglalakad at gano'n rin ang ginang. “I’m just one of the choices Tita?” nakangusong tanong niya rito. “Sino pa 'yong iba?”
“Tabitha, she’s sweet and pretty like you.”
“Yong anak po ng kapatid ni Tito Timothy?”
“Yep!” nakangiting sabi nito. “But I think she’s not interested with my son.”
Napangisi naman siya. “Definitely not Tita.”
She’s friend with Tabitha. Hindi nga lang sila close dahil palagi itong nasa ibang bansa. She loves travelling at wala itong panahon makipagrelasyon. Alam din nito na mahal niya si Dart, at kumbaga sa pulitika isa rin ito sa mga bumabatikos sa nararamdaman niya para sa binata.
“I’ll just use the comfort room, wait for me here okay?” sabi sa kanila ng Tita Natalie niya bago tinungo ang CR sa loob ng Mall na iyon.
Hinarap niya si Dart na hindi pa rin maipinta ang mukha, dalawang linggo niya itong hindi nakita dahil may pinuntahan itong site somewhere in Batanes.
“Staring is rude, Athena!” he said annoyingly.
She smiled. “Would you mind if you help me pick the dress I’m about to wear on Kurt’s birthday party?”
Tatlong araw pa naman bago ang party ni Kurt, pero dahil nagsashopping na naman sila ay isasabay niya na rin iyon para isahan nalang.
“Mommy is here, Athena. Sa kaniya ka nalang magpatulong, I don’t have time to assist you. I was here because of my Mom, not because of you!”
“Why are you so harsh?”
Dart looked at her. Emotionless. “Why are you so dumb?”
Ouch!
She smile at him. “Because I love you.”
“Sorry to blow your bubble, but I don’t feel the same way.” Dart said in a cold voice.
Tahimik lang siya hanggang sa makabalik ang Mommy ni Dart. Kung kanina ay may gana pa siyang mag-shopping kahit hindi siya pinapansin ng binata, ngayon ay hindi na.
Kahit sa damit na susuotin para sa party ay hindi na siya ginanahan sa pagpili. She just pick whatever she thinks will fit on her. Pagkatapos nilang magshopping ay humiwalay na siya sa mag-ina at umuwi sa mansyon nila.
Inilublob ni Athena ang sarili sa swimming pool habang paulit-ulit na sumasagi sa isip niya ang sinabi ni Dart kanina. Nakalublob at nakapikit lang siya sa ilalim ng tubig ng ilang segundo bago umahon.
She swim back and forth.
Nang mapagod sa kakalangoy ay patihaya siyang nagpalutang-lutang sa swimming pool habang nakatingin sa asul na asul na kalangitan.
She wanted to give up but her heart won’t let her.
Makakaramdam siya ng pagod pero hindi ibig sabihin no'n ay susuko na siya. She will fight for the happiness and love she deserved. She will fight for Dart. She have to. Kung hindi siya lalaban, masasayang ang ilang taong pagtitiis at paghahabol niya sa binata.
She can’t let that happen.
“Ate, umahon ka na nga diyan. Parang kang tanga, kanina ka pa tulala!”
Tiningnan niya ng masama ang kapatid niya na hindi niya namalayang nasa gilid na pala ng swimming pool.
“Tumahimik ka Braxton kung ayaw mong lunorin kita!!”
“Umalis ka na kasi diyan. Magsuswimming kami nina Karver!”
Lumangoy siya papunta sa gilid ng swimming pool at tinaasan ng kilay ang kapatid. “Hanapin mo ang pake ko?!”
“Ate ano ba! Kanina pa diyan, kami naman.” reklamo nito.
“Hindi ba kayo makakapag-swimming na nandito ako?”
Sumimangot ito. “It will make us uncomfortable.”
“Why? You don’t want me to babysit you?” nang-aasar na tanong niya sa kapatid.
“Don’t you dare!” pagbabanta nito na ikinatawa niya.
“Awh! My baby brother, matatakot na ba ako?”
“Ate!!!” maktol nito na nagpapadyak pa. Mas lalong lumakas ang tawa niya, alam niyang asar na asar na ang kapatid niya.
Sinaboyan niya muna ito ng tubig bago umahon at isinuot ang robe niya. Masama ang tingin ni Braxton sa kaniya na nginisihan niya lang bago pumasok sa loob ng kanilang mansyon.
.
.
NAPANGITI si Athena ng makita ang mga kaibigan niya sa living room ng bahay nina Kurt. Binati niya muna si Kurt bago nakipagbeso rito at sa iba pa nilang kaibigan.
“You’re late.” puna ng kuya niya sa kaniya.
She rolled her eyes. “It’s better to be late than never.” bumaling siya sa asawa ng kuya niya. “Where is my baby?”
“At home. Hindi namin isinama kasi iiyak lang 'yon dito.” sagot nito na ang tinutukoy ay ang eight months old niyang pamangkin.
“Nandon na sa likod si Dart at Gale.” ani Kurt ng mapansing may hinahanap ang mga mata niya.
Nginitian niya lang mga ito bago naglakad paalis ng living room. Natagpoan niya ang sarili sa likod ng bahay nina Kurt, ipinalibot niya ang paningin para hanapin si Dart.
She bite her lower lip when she saw Dart talking to a familiar woman.
Naglakad siya palapit sa mga ito at agad na humawak sa braso ni Dart, bago nakataas ang kilay na tiningnan ang babae. “Who is she?”
“It’s none of you business, Athena!” sabi ni Dart bago tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa braso nito.
She pout her lips. “I’m your future wife, bakit ka ba ganiyan?”
Nakita niyang tinaponan ng tingin ni Dart ang babae sa harapan nila at inis na bumaling sa kaniya. “Kailan mo ba ako titigilan Athena? I told you, I don’t like you.”
“I’m dumb already hindi na ako nasasaktan, kahit ano pang sabihin mo sa akin ka pa rin babagsak!”
“It won’t gonna happen, NEVER!” matigas na sabi ni Dart. Nagdadabog na umalis siya at iniwan ang mga ito. Pinapahiya niya lang ang sarili niya.
Pumunta siya sa table nila at pinagmasdan nalang si Dart mula sa malayo, kausap pa rin nito ang babae habang ngumingiti at paminsan-minsan ay tumatawa.
She stared at the woman. For the first time in her life, she felt insecured. The woman is pretty—no, she’s gorgeous.
Habang kausap ito ni Dart ay nakaramdam siya ng kaba. Iba ang kislap ng mga mata nito habang nakatingin sa babae. Noong una palang nitong makita ang babae ay ganoon na ang reksiyon nito. She knows very well, dahil maraming babae na ang nakita niya na kasama ni Dart. Pero ni minsan ay hindi niya nakita ang kislap ng mga mata nito na tumingin sa mga babaeng naikama nito noon, kagaya ng kislap ng mga mata sa babaeng kausap nito ngayon.
“Jealous?” bulong ni Marie sa kaniya.
“Yeah.” pagtatapat niya.
“Huwag mo na munang pansinin baka bagong target lang 'yon ni Dart.” ani Marie na naiiling pa.
Sana nga!
Pero sa nakikita niya parang iba ang motibo ni Dart sa babae. She can see it. She can feel it. At natatakot siya sa posibleng mangyari. Sinulyapan niya si Dart na naglalakad na palapit sa table na katabi ng table nila, kasama na nito si Gale. Inabala niya nalang ang sarili sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya.
.
.
.
“HINDI mo ba talaga alam kung nasaan siya?” pangungulit ni Athena sa secretary ni Dart.
“Hindi po talaga Ma’am, narinig ko lang na magbabakasyon sila pero hindi naman binanggit kung saan.”
She frowned. “Okay, thank you!”
Saan naman kaya nagbakasyon ang binata? Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Dart, nakailang dial na siya sa numero nito ngunit hindi pa rin sumasagot ang binata mula sa kabilang linya. Sinubukan niya ring tawagan si Gale, pero kagaya ni Dart hindi rin nito sinasagot ang mga tawag niya.
Ilang araw na niyang napapansin na palaging wala si Dart at Gale sa opisina ng mga ito. Ang palaging sinasabi ng sekretarya, may importanteng pinuntahan. Hindi naman daw sinasabi ng dalawa kung saan, basta importante daw.
Umalis siya sa kompaniya ni Dart at nagmaneho papunta sa restaurant ni Luke. Inimbita kasi siya ng binata para kumain, balak niya sanang tanggihan pero wala naman si Dart kaya pumayag nalang siya.
Nang maiparada sa parking area sa labas ng restaurant ang kaniyang sasakyan ay lumabas na siya. Hindi siya nahirapang makita ang binata pagpasok niya sa restaurant nito dahil iginiya siya ng isang waiter na naroon kung nasaan ang binata.
“Thank God you came. Akala ko hindi ka makakarating.” ani Luke ng makaupo siya kaharap nito. Kakabalik lang nito kahapon galing sa Paris at inimbitahan siyang maglunch sa restaurant na pagmamay-ari nito.
“Sorry kung nalate ako, dumaan kasi ako sa office ni Dart.”
“It’s okay.”
Nagulat siya no'ng may dumating na dalawang waiter at inilapag ang iba’t ibang putahe ng pagkain sa mesa nila.
“Hindi pa naman ako umoorder, ah.” nakataas ang kilay na sabi niya kay Luke na nginitian lang nito.
“I’m sorry about that.” nakangiwing sabi nito.
“Hmmm..” she looked at the foods. “Mukhang masarap naman.”
“Well let’s dig in.” anito at kinindatan pa siya.
Tumango-tango siya at nagsimula ng kumain, walang nagsasalita sa kanila habang kumakain.
“Wow! I’m very full, ang sasarap ng pag—” napatigil siya sa pagsasalita nang madighay siya. Natutop niya ang mga labi at nahihiyang tumingin kay Luke.
“Cute.” natatawang sabi nito.
“I know.” biro niya. “Thank you for the food.”
Ngumiti lang ito. “It’s no big deal. Thank you for your time, Athena.”
“No problem.” nakangiting sabi niya rito.
“Di’ba sabi mo kanina dumaan ka sa office ni Dart. Nagkita ba kayo?”
“Hindi nga, e.” nakasimangot na sagot niya. “Pinagtatagoan na naman ata ako.”
Napailing-iling si Luke. “Hindi niya ba alam na sobrang suwerte niya sa’yo?”
“Mukhang hindi.” she said pouting. “Pero okay lang, hindi pa rin ako susuko.”
“I envy him.” seryosong sabi ni Luke.
“I know you still have feelings for me, but—”
“Just let me, Athena.” putol nito sa sasabihin niya. “Hindi kita pipilitin na kalimutan si Dart, I will support you. Tanggap ko naman na kaibigan lang ang turing mo sa akin.”
Bumuntong-hininga siya at tumango, kung may lalaki man siyang gustong mahalin maliban kay Dart. Paniguradong si Luke iyon, pero mukhang malabong mangyari 'yon. Sa murang edad niya ay nakatatak na sa utak at puso niya na si Dart ang lalake na gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda niya.
Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi niya magawang bumitaw sa binata. Kung bakit hindi niya maibaling sa iba ang pagtingin niya rito.