Fourteen

1011 Words
Fourteen "Heay!" tawag ni France sa akin. Umiwas lang ako ng tingin at muling hinalo ang niluluto ko."Hindi mo na naman ba ako papansinin? Matapos mong magpakasasa sa katawan ko!" inis na ibinagsak ko ang sandok na hawak ko at hinarap ito. Nagpadalos-dalos ako sa ginawa ko. Naisip ko kasi, baka kapag nakita ng mga dumukot sa amin na intimate kami ni France sa isa't isa ay baka balikan n'ya na kami. Mukhang hindi naman talaga 'yon 'yung dapat kong ginawa. Nahihiya tuloy ako sa sarili ko. "Lila!" tawag nito. Pero muli kong dinampot iyon at ipinagpatuloy ang ginagawa. Pero napasinghap ako ng maramdaman ko s'ya sa likod ko. Naglandas sa tenga ko ang basang dila nito. Nalintikan na, parang kinilig ang p********e ko sa ginawa nito. Malandi rin. Na-miss din kaya todo bigay kanina. Hindi pa nga nakontento sa sala, nagtungo pa kami sa kwarto at doon ipinagpatuloy ang kahalayan. "Kung gusto mo, kahit araw-araw mo akong gamitin, I don't mind!" may pang-aasar sa tinig nito. Huminga ako ng malalim at pinatay ang stove. Saka umikot paharap dito. "Nairaos ko na 'yong libog ko kanina, tama na 'yon!" cool lang na sabi ko rito. Hindi ako magpapaapekto ulit sa karisma nito. "Paano naman ako? Hindi sapat ang apat na round!" nakangising sabi nito. "Gamitin mo si Maria, tabi!" hinawi ko ito at iniwan na sa sala. Narinig ko pa ang nakakainis nitong tawa kaya dali-daling lumabas ako ng bahay. Dalawa lang kami sa islang ito, kung magpapatukso ako rito, baka 'yong matagal ko ng pantasya ng isang matinding bakbakan sa dalampasigan ay mangyari na. Masarap nga, hindi naman magiging ligtas ang aking puring binisita na ng alaga nito kanina. Ano pa bang aasahan ko sa lalaking ito? Nakabuntot pala at ngayon ay papito-pito. Hindi na dapat ako nagulat. Kami lang dalawa sa islang ito, walang ibang pwedeng guluhin at kulitin kundi ako lang. "L-ila!" sinamaan ko ito ng tingin ng bigla na lang itong maghubad sa harap ko. "Anong ginagawa mo? Magbihis ka nga!" "Maliligo ako, pero kung na-miss mo agad ito," napatingin pa ako sa kamay nitong bigla na lang sinapo ang p*********i at nagtaas-baba iyon doon. Gago talaga."pwede mo akong sundan doon." Nakangising sabi nito. Para itong modelo na nagsimula ng maglakad at iniwan ako na parang tumigil mag-function ang utak. Huminga ako ng malalim. Sh*t, bakit ang sexy ng pangit na iyon? Kumalma ka, Lila! Huwag mong ipahalata na, sabik na sabik ka. Nakakahiya ka! Sabi ko sa sarili ko. Napasabunot pa ako sa sarili ko. Mukhang nakita nito ang ginawa ko kaya naman natawa ito. Mas lalo tuloy uminit ang pisngi ko kaya naman nagmartsa na lang ako paalis. Pero muli ko itong nilingon. Nilukob ng takot ang diwa ko ng hindi ko s'ya makita. Nagbilang ng ilang segundo pero hindi ito umahon. Mabilis na tinakbo ko ang pagitan at lumangoy upang hanapin ang lalaki. Hindi pwedeng mamatay ito, paano kung ako ang pagbintangan na nanglunod dito? After all, kami lang dalawa sa islang ito. "France!" frustrated na hiyaw ko. "Gotcha!" napatili pa ako ng bigla na lang itong sumulpot sa harap ko. Malawak ang ngisi sa labi. Sa sobrang inis ko malakas na dumapo ang kamay ko sa kanyang pisngi. "Gago ka! Gago! Mamatay ka na!" galit na galit na hiyaw ko. Pinalo-palo ko pa ang dibdib nito. "I'm just joking!" natatawang sabi nito. "Nag-iisip ka ba? Paano kung namatay ka? Paano ako? Gustong-gusto kong makaalis sa lugar na ito, France. Palibhasa wala ng dereksyon 'yang buhay mo. Ako, may mga anak ako na naghihintay sa pagbalik ko. Wala ka talagang kwenta!" hiyaw ko rito at galit na tumalikod dito. "Lila!" tawag nito sa akin ngunit hindi ko na s'ya pinansin. Basang-basa ako. Sa sobrang inis ko ay sinipa ko pa ang buhangin tsaka mas binilisan ang pagbalik sa kabahayan. Sunod-sunod na naglandas ang luha ko. May mga ala-alang sunod-sunod na pumasok sa isipan ko. Hindi ko na pagdaraanan ang masakit kong nakaraan. Pagod na 'yong puso ko sa mga laro na hindi naman ako mananalo. Mabilis na naligo ako sa silid at pagkatapos ay humiga na. Ni-lock ko 'yong pinto. Ayoko munang makita ang lalaking ito. Flashback "Ayaw mo bang malaman ng kasintahan mo ang tungkol sa anak n'yo?" tanong ni Lila sa akin. Itinigil ko ang ginagawang pagsusuklay. "Kasintahan? Hindi ko naman s'ya kasintahan, sa totoo lang, parang ako 'yong naging other woman. Ginawang panakipbutas noong paulit-ulit s'yang binigo no'ng babaeng mahal na mahal n'ya. Ako 'yong babaeng, never pinili." Sinabayan ko pa iyon ng pagtawa. "Buti nga ikaw, Lila, may makikilalang ama 'yong mga anak mo." Malungkot kong sabi rito. "Pwedeng maging ama ang lalaking iyon sa mga anak mo kahit pa hindi maging kayo, mahirap ang walang kamumulatang ama ang mga bata." Kambal ang magiging anak ko, gano'n din ang ipinagbubuntis ni Lila. Malapit na akong manganak habang ito bilang pa ng ilang buwan. Excited na excited na si Kuya Thomas para sa mga magiging pamangkin n'ya. Sabi ko naman kasi sa kanya na mag-asawa na s'ya. Naunahan pa tuloy namin s'ya ni Lila. "Sobra ka bang nasaktan ng lalaking iyon?" "Sobra, hindi maipaliwanag 'yong sakit. Akala ko nga dahil wala naman na sila ng kasintahan n'ya, pwede na kami. Pero hindi pala, dahil kahit na anong mangyari, 'yong pagmamahal n'ya roon sa babae ay masyadong grabe na kahit paulit-ulit s'yang lokohin ay babalik at babalikan n'ya pa rin. Alam mo ba, noong down na down s'ya, ako 'yong tinatakbuhan n'ya. Ako 'yong sinandalan n'ya. Pero noong nahulog na ako sa kanya, hindi man lang n'ya ako sinalo. Well, kasalanan ko naman, ang mali ko lang kasi talaga, hinayaan ko ang sarili ko na mahulog kahit alam kong walang sasalo sa akin. Gano'n siguro talaga ang love, gagawin kang tanga." "That's not true." "Pero iyon 'yong itinuro ng love sa akin, buti na nga lang mayroon akong kaibigan na kahit wasak na wasak na ako dahil kay France, hindi pa rin n'ya ako pinabayaan." Nakangiting sabi ko kay Lila. Talent ko na talaga 'yong ngumiti kahit sobrang masakit na sa dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD