Ten

1261 Words
Chapter Ten "Nakita ko si John!" natigil sa pagsubo si Belle at napatingin sa akin. Nakaangat ang kilay nito na waring sinasabing 'ano pang hinihintay mo, tell the chika' na. "So kayo na ulit? Well, mas magugulat ako kapag nalaman kong hindi!" sarcastic niyang sabi sa akin saka pinagpatuloy ang pagkain. Napabuntong-hininga ako. Sa totoo lang, 'yong relasyon namin on and off. Ako 'yong palaging nag-e-effort para maging maayos kami sa tuwing nag-aaway. "Something happened!" naibuga ni Belle ang kinakain n'ya at sumambulat iyon sa akin. Tsk, may pagkababoy talaga ang kaibigan kong ito. "Ewww, so kadiri ka Belinda!" reklamo ko at mabilis na kumuha ng tissue para tanggalin ang mga kanin na nasa mukha ko. Balahura rin talaga eh 'no. "Did you f**k that juts? That's what you mean by something happened?" tanong nito pagkatapos uminom ng tubig. Bumuntonghininga ako sabay iling. "I already learned my lesson after what happened to us, I and John is over! Finally!" buo ang loob na sabi ko sa kaibigan ko. Ngumiti pa ako rito. Sa aming dalawa ni Belle, ako talaga 'yong bobo kapag umibig. Ma-effort ng sobra. "So, what happened? Andami pang liko pwede namang sabihin na?" inip na tanong nito. "Fine I'll tell you!" sabi ko rito. Hindi ko rin kasi kayang manahimik at ilihim sa kaibigan ko ang mga ganap ko sa buhay. Ito ang living diary ko. Lahat sinasabi ko rito, gano'n din ito sa akin. Flashback Mag-isang akong kumakain sa paborito kong restaurant, nope paborito pala namin ni John, dito n'ya akong palaging dinadala. Kaya nga kaninang omorder ako tinanong ako ng waiter kung nasaan s'ya. Ang sagot ko lang dito ay break na kami. Nahuli kong dinadasalan ng iba. Sarap na sarap ako sa pagkainniya ng makita ang dating kasintahan na pumasok roon kasama ang isang babae. Magkahakaw kamay pa ang dalawa. That woman---ah his maid. Ipinagpatuloy ko ang pagkain. At kapag sinuswerte ka nga naman. Katapat pang mesa ang natitirang available kaya roon pumwesto ang dalawa. Todo alalay pa ang animal. Nagawi ang tingin ni John sa akin, imbes mag-iwas ng tingin nakipagtitigan rin ako rito. Ngumisi pa nga, para ipakitang hindi ako apektado sa kalokohan ng gagong ito. Bumulong ito sa kasama nito, maya-maya lang tumayo ito at lumapit sa kanya. Ang lakas ng loob. Samantalang ang laki ng kasalanan n'ya sa akin. Tiyak na kapag isinumbong ko ito sa Kuya Thomas ko ay baka bukas lang ay pinaglalamayan na ito. Ang kapal ng mukha. "C-ara, baby!" walang paalam na naupo ito sa bakanteng pwesto sa harap ko. Akmang hahawakan n'ya ang kamay ko ng iiwas ko iyon. Kadiri 'to, hinawakan n'ya 'yong belat na 'yon tapos hahawak s'ya sa akin. No way, as in no way. "Baby your face!" sarcastic na tugon ko rito. Nabubuhay na naman ang inis sa puso ko. Ang kapal lang talaga, kung sino pa 'yong nagloko sila pa 'yong magaling magpa-awa effect. "Seryoso ka ba talaga na break na tayo? Alam ko babalik ka rin sa'kin, kaya please 'wag na nating patagalin 'to! Ganoon naman palagi eh!" preskong sabi nito na parang hindi naman nanunuyo ang datingan. Kita n'yo na, ang kapal talaga ng mukha. "Ibahin mo ako, sa dating Cara na naging jowa mo sa Cara na kaharap mo ngayon!" sabi ko rito. This time seryoso na ako. Ayoko ng magmukhang tanga sa lalaking mas mukha pang tanga sa akin. Sinayang n'ya ang opportunity na magkaroon ng kasintahan na sobrang ganda. Diyosa na nga ang level ng kagandahan. Tapos lolokohin pa n'ya. Wow! "Baby 'wag ng matigas ang ulo please! Miss na kita!" paglalambing pa nito. Kadiri amputs. "Sorry to say this, but not really sorry----naka move on na ako actually mag-me-meet kami ng boyfriend ko today, you see ang bilis kitang napalitan!" mayabang kong sabi rito. Putik na, saan ako hahatak ng pwedeng ipakilalang boyfriend dito? Kitang-kita ko ang pagbabago ng expression nito. Galit!? Wala akong pake kasi wala naman itong pakialam, gaya nga ng sabi ko iba na ang Cara noon at ngayon----real quick! "Hindi ako naniniwala sayo, baby ako lang ang nagtitiis sayo! Bukod sa pavirgin ka 'di ka pa marunong humalik at----" "Pakyu ka ten times!" tumayo na ako at hinarang ang lalaki na may dalang bouquet of red roses. France? Bullshit, sa dami ng pwedeng dumating ito pa. Kitang-kita ko ang recognition sa mukha ni France. Pero para sa akin ay wala ng atrasan. Humakbang ako palapit sa lalaki at kinuha ang bouquet of flowers. Saka humawak ang isang kamay sa balikat nito, tumingkayad at hinalikan ang labi nito. Dahil matangkad ang binata ang kamay ko ay inilagay ko sa balikat at nagtungo sa batok nito saka hinila ito para yumuko at mas maidiin ang pagkakalapat ng aming mga labi. Ang gago, walang pag-aalinlangan tinugon ang halik ko. Narinig ko ang pagdadabog ni John, sa gilid ng mata kitang-kita ko na hinila nito ang date nito. Saka ko bahagyang itinulak ang lalaki. Pakiramdam niya nangapal ang labi sa katatapos lang na halik. Feel na feel din ng lalaking ito ang halik ko. Feeling like a pro, ito ba 'yong hindi marunong bumalik? Like dah. Matiim ang pagkakatitig sa akin ni France. Pero nagulat ako ng bahagyang may tumulak sa akin. Mas nanlaki ang mata ko ng makatanggap ng sampal sa isang babae ang binata. Shock sa nangyari na pinanood ko ang eksena. Galit na galit ang babae. Umiiyak na rin ito habang pinapalo ang dibdib ni France. "This is your f*****g surprise? Wow, can't believe you have a thick face, France! How dare you? I'll make sure na makarating to sa parents mo at sa Daddy ko!" hiyaw ng babae. Dumampot pa ito ng baso sa isang table saka ibinuhos sa binata. Okay sana kung tubig lang kaso juice 'yon eh! I'm so f*****g dead. Kaya bago pa makaalis ang babae inunahan ko na ng sibat patakas. Nakasira pa yata ako ng date dahil sa kalokohan ko. End of Flashback "You really did that?" manghang tanong ni Belle sa akin. Napakamot ako sa ulo at tumango rito. "Sana nga panaginip na lang, Belle. Nakasira ako ng relationship sa kagagahan ko!" nakokonsensya rin naman ako. Lalo pa't may babae akong nasaktan dahil sa ginawa ko. "Wait----but you said he responded from that kiss! Right?" paniniguro nito. Kaya naman tumango ako. Pakiramdam ko nga hangang ngayon ay mariin pa ring nakalapat ang labi ni France sa akin eh. "Yes he did!" "Hindi mo naman lahat kasalanan, pwede ka niyang itulak kung 'di niya gusto!" sabi naman ni Belle. May point ito, pero mali pa rin eh. "Pero----" "Tsaka chill ka lang, I know France mga bata pa lang kami kilala ko na siya! Kahit nga noong sabay silang nagpatuli ni Paris eh----wala lang 'yon sa kanya for sure and for sure madami pa 'yong reserba!" "Hindi ko na alam ang gagawin ko, feeling ko makakatikim ako ng revenge sa lalaking iyon!" "Wag kang mag-alala, for sure masarap na revenge 'yan!" nakangising sabi ni Belle."Please relax ka lang, papasok ako today dahil nagmamakaawa na ang boss ko! 'Wag kang magpapakamatay ha!" "Hindi ako boba para magpakamatay, and for sure hindi papayagan ni kamatayan---may nakapag sabi kasi sa akin na 'di tumatanggap ng virgin sa impyerno at kahit sa langit na rin!" natawa si Belle. Tiyak na natatandaan nito na ito ang nagsabi sa akin ng paniniwalang iyon noon. "By the way, punyeta ka friend! Akala ko naman kung ikabubuti ko 'yong pagbabasa ng librong binigay mo!" sabi ng kaibigan ko at basta na lang akong nilayasan. Malakas akong napatawa ng maalalang pinabasa ko rito ang libro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD