Twenty

1066 Words
Twenty Delayed ako. Sa pananatili namin sa lugar na ito, tiyak kong hindi malabong makabuo kami ni France. Noon ko pa nakita ang pregnancy test kit, pero hindi ko iyon sinubukan. Pero ngayon, naisipan ko na ring gamitin. Lalo't si France na ang nagbigay. Nanginginig ang kamay na tinignan ko ang kit, saka sinimulan ang proseso nang paggamit no'n. Ilang minuto ang hihintayin. Para akong hindi mapakali na palakadlakad. Nagdadasal na sana ay negative iyon. Pero nang dumating ang oras ng paglabas ng results. Para akong nanlumo nang makita iyon. Napakagat sa labing napatitig doon. Tang'n, ang tulis talaga ng gago. Positive Tiyak na gagamitin iyon ni France para hindi ako makalayo. "Matagal ka pa ba d'yan? Akala ko ba magbibihis ka lang at maliligo tayo?" ani ni France na sunod-sunod ang katok."Ginamit mo na ba 'yong PT?" "Tumigil ka d'yan, bwisit ka!" "Ano na naman ang kasalanan ko? Bukod sa pagiging gwapo?" "Gago, gago! Hindi gwapo." Sabi ko rito. Inis na inis ako. Malamang, kay France ko lang naman iyon pwedeng ibunton. Kami lang ang narito sa Isla. Wala ng iba pa. Saka s'ya lang naman ang dahilan kung bakit parang roller coaster ang emosyon ko. Wala ng ibang nakagawa no'n kung 'di ang lalaki lang. Mabilis kong ibinalot ang pregnancy test kit sa tissue at inilagay ko iyon sa pinakatuktok na cabinet. Upang hindi makita ni France. Saka ako mabilis na nagbihis ng swimsuit. Paglabas ko ay naabutan ko itong nakaupo sa gilid ng kama. Naghihintay sa akin. Nang makita nito ang ayos ko ay agad lumarawan sa expression ng mukha nito ang matinding pagnanasa. "Libog na libog ka na naman. Gago!" napakamot sa ulo ang lalaki sa gulat. Inis na inis kasi ako na tinalikuran ito. Mabilis naman itong sumunod sa akin. "Ano na naman ang kasalanan ko?" "Marami, at hindi ko na iyon maisa-isa sa dami nang kasalanan mo sa akin." Cold na sabi ko rito. Napakamot na naman ito sa ulo nito na sumunod na lang sa akin at hindi na nagtanong. Pagdating namin sa dalampasigan ay agad akong lumusong sa tubig. Sinubukan kong lumayo rito. Pero para itong langaw na pilit dumidikit sa akin. "Cara!" sinamaan ko ito nang tingin. Kahit naman ipagpilitan kong Lila ang itawag nito sa akin ay hindi naman ito sumusunod, bahala na lang s'ya. "Nabitin ka ba sa sexy time natin? Hindi pa ba sapat ang performance ko para gumanda ang mood mo?" "Paano gaganda ang mood ko kung ikaw ang nakikita ko? Sa sobrang pangit mo, nasusuka ako." Sabi ko rito. Imbes mapikon ito ay natawa lang. "Well, alam kong gwapo ako. Pero kung sa s*x ang pag-uusapan, hindi mukha ang basehan. Nasa t*ti 'yon." Sabi nito. Tang'na, parang naririnig ko ang sarili ko rito noong okay pa kami. Hindi ako nahihiyang magsalita ng mga balahurang salita kapag ito ang kasama ko. "'Yon na nga, wala na nga sa mukha, wala pa sa t*ti mo." Sabi ko saka lumayo. Mukhang doon ito na-triggered. Mabilis itong humabol sa akin at ipinulupot ang kamay nito sa bewang ko. Dahil naka-two piece lang, naramdaman ko agad ang p*********i nito sa pang-upo ko. Tang'na, kahit insultuhin ko ang p*********i nito, hindi rin naman mababago na gifted talaga ito. "Nasa t*ti ko ang lahat ng dahilan para lumigaya ka sa kama ko. You're so hard to tame, pero hindi ako susuko. Itaga mo sa bato, akin ka lang." Napasinghap ako nang mas idikit pa nito iyon, ang kamay nitong malaya ay hinaplos ang puson ko, pababa, papasok sa underwear ko. Gustong-gusto rin ng Gaga kong katawan. Dahil imbes na tabigin iyon ay bahagya pang ibinuka ang hita. "Sh*t!" anas ko nang masalat na nito iyon. "Kapag umalis tayo rito, hindi ikaw ang masusunod. Magpapakasal tayo, magiging masaya na tayo." Ibang France ang naririnig ko ngayon. Seryosong-seryoso na waring first time ko lang na meet ang katauhan n'yang iyon. Naglalaban ang matino at baliw kong utak. Ang plano ko ay lalayo, pero habang sumusundot ang kamay n'ya sa aking p********e ay parang gusto ko na lang manatili. Gaga, 'di ba? Iniharap n'ya ako sa kanya. Hindi ko ito magawang tignan. Narinig ko pa ang pagbuntonghininga nito. "Malaki ang kasalanan ko sa'yo, hindi kita binigyang halaga noon dahil sa fiancee ko. Hindi ko nakita na nasasaktan ka na pala, hindi ko napansin na ako na pala 'yong dahilan kung bakit unti-unting nawala ang mga ngiti mo. Napakabobo kong tao..." "Tama!" bulong ko. "Napakabobo kong tao, dahil pinakawalan ko 'yong tamang tao na ibinigay ng Diyos sa akin." "'Wag mong idamay ang Diyos." "Sinubukan ko ring tapusin ang buhay ko noon, hindi ko na kasi makayanan ang sakit sa pagkawala mo. Pero dumating si Belle, sinapok n'ya ako. Sinabi n'yang kung nabubuhay ka, hinding-hindi ka matutuwa na makita akong gano'n. Hindi ko namalayan na ang laki na ng pinagbago ko. I don't know how smile anymore, I don't know how to be happy. Naging mas sakim ako, kahit maliit na negosyo, kapag nakita kong balakid sa company ko tinatanggal ko sa daraanan ko. Gano'n kalaki ang pinagbago ko. Simula nang mawala sa buhay ko ang babaeng naging dahilan ng kasiyahan ko noon." "F-rance..." "Ilang ulit kong sinubukang magpakamatay, I almost did...inihulog ko sa tulay ang kotse ko. Pero may mga tauhan pala ang kapatid ko na sumusunod sa akin, nailigtas nila ako. You see, nawalan talaga ng direction ang buhay ko. Nawala ka kasi sa buhay ko." Nag-iwas ako nang tingin dito. Gago talaga, matapos akong basain sa gitna ng mga hita ko ay mag-e-emote ng ganito. "Sayang naman, bakit hindi ka pa natuluyan." Natawa ito, sabay iling. Muling sinalat ang p********e ko. "Dahil kapag natuluyan ako, wala nang magpapasaya sa'yo." "Hindi ikaw ang may hawak ng happiness ko, kaya kong humanap ng ibang mas better. Hindi kailangan makadama ng insecurities, hindi ma-o-out of place. Hindi ako tutulad sa'yo na magpapaka-emo." "Siguro nga kaya mong gawin iyon, pero magkaiba kasi tayo. Kaya nga handa akong gawin ang lahat ngayon. Kaya kong magpaka-selfish ngayon, para lang makasama ka. Para lang maging masaya na tayo ulit." Sabi nito saka yumukod, habang sapo ang p********e ko ay mariin namang inilapat ang labi sa mga labi ko. A/n: sa mga hindi pa nakasali sa group natin sa fesbuk, join na po kayo para updated kayo sa kulitan. Updated din sa mga bagong chika. Ang pangalan po ng group ay Dreame - Yugto - Mis Annie .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD