Sa Akin Ka Lang Dapat Nagpatuloy ang panliligaw ni Ken sa akin. Araw-araw ay tumatawag ito at tuwing umaga ay palagi akong nakakatanggap ng text sa kanya. Di naman ako nagloload kaya di ko rin ito narereplayan. Ken: Good morning gorgeous. ;) Bumusangot agad ako sa nabasa ko. Nakikita ko ang mukha niya sa isipan ko na kinikindatan ako. Makulit si Ken sa tawag. Kahit tuwing may klase ako ay nararamdaman ko ang cellphone kong nagvavibrate. Minsan sinasagot ko at pinapagalitan siya na nasa gitna ako ng klase saka siya titigil at tatawag na naman maya-maya. "Kanina pa 'yan ah?" Tiningnan ni Eunecia ang screen ng aking cellphone nang hablutin ko ito palabas sa aking bulsa pagkalabas ng teacher namin sa Math. Umiling ako at gigil na pinindot ang tawag saka ako humalukipkip sa aking silya

