Akin Binalewala ko nalang ang mga nakakairitang sulsol sa akin ng dalawa lalo na't naiinis lang ako lalo. Nagsimula na ang pa games ngunit si Jelsen ay di parin nagagawang umalis sa tabi ni Ken. "Sir anong prize pag kami ang nanalo?" tanong ng kung sino, isa sa mga kaibigan ni Jelsen sa kompanya. Nagpasya kasi silang magbanana boat. Boys laban sa girls. Marami silang mga games na pinagsasabi at lahat ng iyon ay inaprobahan naman agad ni Ken, walang pag-aalinlangan at sagot niya pa lahat ng gastusin. "Money," sagot ni Ken. "Pero sumali ka ha!" ani Jelsen na nasa tabi niya lamang at nagawa pang humaplos sa kanyang braso. Tumango naman agad si Ken at nagawa pang sumulyap sa akin habang nakatayo lamang ako sa gilid kasama nina Necia at Mika na panay ang hagikhik sa kung ano. "Sure," sa

