Malas Naareglo ang kaso. Hindi na ako magtataka kung bakit hirap na makulong ang hayop na 'yon dahil narin sa yaman ng kanilang pamilya. Pagkatapos rin kasi ng pagwawalk-out ko ay hindi na ako bumalik. Ang sabi ni Mama ay nagbayad lang daw ng malaki ang mga magulang ni Ken para sa mga nagawang pinsala ng kanilang anak. Hindi ko alam kung ano nang nangyari pagkatapos ng pag-alis ko pero ayoko naring malaman. "Ang kapal ng mga mukha nilang magalit sa'yo eh hindi naman nila alam ang totoo! Mga bwesit na mayayaman! Gagamitin talaga agad ang pera pag hindi na kayang lumaban ng patas!" ani Eunecia nang magtungo itong muli sa bahay. Tulala lamang ako habang nakatanaw sa labas ng aming bintana at niyayakap ang aking mga binti. Naririnig ko ang kanyang lintanya kaso walang pumapasok sa aking ut

