Chains Pagkatapos ng lakad namin ni Necia ay nagpasya rin naman akong umuwi muna sa amin kahit saglit lang. Bumili ako ng paboritong cake ni Lucas at ulam para doon narin ako magdinner. Mga bandang 6 pm na noong dumating ako sa bahay namin. Si Mama ang bumukas noong gate at nagulat pa noong makita ako. "Anak!" Tuwang-tuwang pahayag ni Mama. "Dumalaw lang ako saglit Ma... Nakapagpaalam kasi ako sa boss ko na uuwi muna ako saglit," sabi ko habang pumapasok kami sa bahay. Lumitaw narin si Papa na nakaapron pa at tila nagluluto. "Oh, sakto ang dating mo at nagluto ako," sabi niya. Ibinigay ko kay Mama ang aking mga dala. "Bumili narin ako ng ulam," sabi ko. Ibinigay rin ni Mama iyong mga dala ko kay Papa. Kinuha naman iyon ni Papa. Umupo ako sa sofa at naghubad ng aking sandals. "Tek

