Tanggap Ko Na Tahimik akong nakaupo sa sofa habang pinapanood si Ken na ilabas iyong mga pagkaing nasa loob ng paperbag. Hindi naman matanggal sa aking isipan iyong sinabi sa akin ni Mika na magpapakasal ang magpipinsan para sa posisyon. Siya kaya... May balak ba siya? Ibinigay niya sa akin ang kubyertos. Kinuha ko naman iyon at tipid na napangiti. "Salamat," sabi ko. Ken nodded with his serious face. Umalis siya sa aking harapan. I watched him drag some chair towards me. Tumigil siya sa aking harapan at doon pumwesto. I ate silently while he's watching me. Nagtatama minsan ang aming mga mata pero mabilis ko ring binabawi. Nakakabingi ang katahimikan. Masyadong malaki ang kanyang opisina na kahit bumulong lang ata ay maririnig na lalo na't kahit ang centralized aircon ay bahagya

