Playful Eyes "Hoy tulala ka!" Ang biglaang pagpalo ng ballpen ni Eunecia sa aking ulo ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. "Ano? Masyado na bang sinakop ng exam ang utak mo kaya ganyan ka ka tulala o may ibang dahilan pa iyan?" Pinilig ko ang aking ulo at iginala ang tingin sa field. Naalala ko, nandito kami para magpahangin sa ilalim ng malaking lilim ng puno. Kakatapos lang ng panghuli naming exam kanina, iyong Math, at sa totoo lang ay nakipagsagupaan talaga ako ng husto roon para lang makakuha ng malaking marka. May mga tanong na di ko alam na masasali pala sa roon at meron rin namang napag-aralan ko. Pero hindi iyon ang nagpapatulala sa akin kundi iyong binitiwang salita sa akin ni Ken. Alam ko namang parte lamang iyon ng kanyang kamanyakan pero ang di ko lubos maisip ay kung b

