Tanga At Alipin Ng Pag-ibig Pagdilat ng aking mga mata ay naaninag ko na ang liwanag sa labas. Nakayapos naman ang braso ni Ken sa akin at mahimbing pang natutulog sa aking tabi habang nakatagilid lamang lalo na't unan ko ang kanyang isa pang braso. Dahan-dahan kong ibinaba ang kanyang kamay paalis sa beywang. Gusto kong tumakas sa kanyang yakap at magbihis na. Nakahubad parin ako maliban sa kanya na may suot nang boxer ulit. Nagtangka akong bumangon kaso dumilat siya ng dahan-dahan at tiningnan ako. "Magbibihis na ako," sabi ko habang tinitingala ito. Bumalik siya sa pagpikit at niyakap ako lalo. Ang aking boobs ay mas nadiin sa kanyang dibdib kaya sinapak ko ito. "Ken!" He chuckled softly on my ears. Kinilabutan ako roon lalo na't dumadampi pa ang kanyang hininga sa aking balat.

