Chapter 7:

1545 Words

Matapos siyang mamili ng susuutin ay naisipan bilhan ang kapatid ng damit na isusuot nito sa kanilang graduation ball at tiyak niyang matutuwa ito. Binilhan din ang mga magulang ng bagong damit ng mga ito. Tanghali na nang makalabas siya sa mall at umuwi. Nabigla pa ang ina ng makitang marami siyang bitbit. Tuwang-tuwa ito ng iabot ang biniling damit nito. "Si itay po?" Tanong rito. "Iyon nakipagkita sa kumpare at baka makahiram daw ng kahit singkuwenta mil para sa bahay," sagot ng ina. Inakbayan ito. "Nabayaran ko na po. 'Di po ba sinabi kong gagawan ko ng paraan," aniya. "Hindi kasi mapakali ang papa mo kaya iyon, sumige pa rin. Hayaan mo, mamaya ay naririto na iyon," dagdag pa nito. Magpapahinga muna siya ngunit biglang nagbago ang isip niya. Naisip niyang maganda ang mga isusuot n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD