OCTIVUS DECIMUS SOMNIUM

1800 Words
Naiyapos ni Mayhem ang kaniyang mga braso sa leeg ni Night. Naihiga na siya ng binata sa malambot na kama. "Night— ump!" Naalis na ang pagkakabalot niya sa kumot at ngayon ay nakapaibabaw na sa kaniya ang binata. Naipikit niya ang mga mata. Malikot ang mga kamay ng binata. Pahaplos-haplos iyon sa kaniyang balat; papisil-pisil. Hayun na naman ang mga sensasyon na nadama niya kagabi sa kauna-unahang pagkakataon. His tongue is knocking on her lips. It is seeking entrance. Kaya naman nang mapasinghap siya sa pagdako ng mainit na palad ng binata sa ibabaw ng kaniyang dibdib, ay sinulit nito ang oportunidad. His tongue raided the inside of her mouth. Naglaban ang kanilang mga dila; at laging ang sa binata ang nananalo. Wala na siyang nagawa kundi ang magpakawala na lamang ng mahihinang ungol. Her whole being is throbbing once again. At nang pababa na ang labi ng binata sa kaniyang leeg, doon sila natigilan pareho. Her stomach just freaking growl. Agad siyang napamulat, namilog ang mga mata. Natigil din sa paghalik ang binata sa leeg niya at nailayo ang labi sa kaniya. Ang dalawang braso nito ay nasa magkabilang gilid niya upang suportahan ang sarili. Nagkatinginan sila bago sabay na natawa. "Nagrereklamo na." Nangainit ang pisngi ni Mayhem nang ipasok ng binata ang mainit na palad nito sa damit niya at saka hinaplos ang tiyan niya. "I want some real food," aniya. "I will go make some for you." Akmang tatayo ito nang pigilan niya ito. "No need, Night. I'll just go home." Nakita niya ang pagguhit ng gatla sa noo ng binata. "Huh? Why?" "N, I need to go home. I'll just eat breakfast on my unit. Isa pa, my dogs are waiting for me." Kailangan niyang i-check ang food dispenser ng mga aso niya. Baka wala na ring inumin ang mga ito. Afterall, kagabi pa siya hindi umuwi. "No. Dito ka na lang." Niyakap siya nito at nagsumiksik sa kaniya. She found that gesture so heartwarming. Kaya nga lamang hindi na siya pwedeng magtagal doon. "Night, hayan lamang sa kabila ang bahay ko o. Pwedeng-pwede mo akong katukin." Natatawang sabi niya. "At saka wala ka bang pasok sa trabaho?" "It can wait." "Anong 'it can wait' ka riya?" Kinurot niya ang pisngi nito. "Set your priorities right." Natatawa niyang sabi. Sa huli ay sumuko na rin ito at pinakawalan siya. "Okay. I will just see you later." Hinalikan ng binata ang kaniyang pisngi bago siya hinatid sa labas. Bitbit niya ang mga damit niya na tinupi nito dahil ang suot niya ay ang t-shirt ng binata. Kinindatan pa siya nito bago siyang tuluyang makapasok sa unit niya. LATE nang nakapasok si Mayhem sa trabaho. Paglabas niya ng unit kanina ay nagulat pa siya nang makitang naghihintay doon si Night. Inihatid siya nito sa trabaho. And it felt amazing. Iyon ang kauna-unahang beses na naranasan niya iyon at ganoon pala ang pakiramdam na ihatid ng isang lalaki sa trabaho. Napakasaya ng kaniyang kalooban. Hindi mabura ang ngiti sa labi niya, at kahit half day na siya nagsimulang magtrabaho, tila iyon na ang pinaka-productive na araw niya. She finish all her pending designs for her clients. Nagulat pa nga ang team leader nila dahil doon. Ngayon, matatapos na rin siya sa mga pending niyang trabaho, na naiwan niya bago siya maaksidente. "Hoy, gaga. Bakit parang kumikinang ka?" Napatigil sa pagtitipa sa kompyuter niya si Mayhem nang kalabitin siya ni Dolus. Kumunot ang kaniyang noo nang mapalingon siya rito. Magkatabi lamang kasi ang working station nilang dalawa. "Huh?" Maang na tanong niya. "Anong kumikinang ka riyan?" "Alam mo 'yon. Iyong blooming ba. Parang bulaklak na nadiligan, ganoon." Iminuwestra pa ng babae ang nakasaradong mga palad nito na unti-unting bumubukas nang sabihin nito ang salitang 'bulaklak.' Nangainit ang kaniyang pisngi nang maalala ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Night. His kisses suddenly crossed her mind. "Ewan ko sa iyo," naiiling na sabi na lamang niya habang hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi. "Nakabawi lang kasi ako ng tulog," totoo naman iyon. Nakabawi siya ng tulog sa tabi ni Night. "Sus, kakaiba kaya iyang ngiti mo." "Anong kakaiba?" "Alam mo iyon, yung ngiti na parang may napakagandang nangyari sa iyo. May boyfriend ka na, ano?" Tudyo sa kaniya ni Dolus. Boyfriend. Natigilan siya. Hindi naman niya boyfriend si Night. In fact, hindi niya alam kung ano sila. Napakabilis ng pangyayari. Kakikilala pa lamang nilang dalawa ng binata. Maikokonsidera bang one night stand ang nangyari sa amin? Tanong ng kaniyang isip. Pero... kung one night stand iyon, dapat hindi na sila nagpapansinan ng binata ngayon. Hindi naman ganoon ang nangyari. Hinatid pa nga siya ng binata sa trabaho, hindi ba? Kung ganoon, ano silang dalawa? Fvck buddies? Parang saglit na may sumakal sa puso niya dahil doon. Hindi niya gusto ang dalawang salita na iyon. Isa pa, parang may nakalimutan siyang isang mahalagang bagay. Kumunot ang kaniyang noo. Ano iyong nakalimutan niya? Parang may misyon siya na hindi niya maalala kung ano. "Huy, ayos ka lang?" Napapitlag siya nang muli siyang kalabitin ni Dolus. "Huh? Ah, oo, ayos lang. May naalala lang," aniya. Ibinalik na niya ang atensiyon sa screen ng kaniyang kompyuter, at nagpatuloy sa ginagawa. "Care to share?" "Ah, wala naman. Inaalala ko lang kung nalagyan ko ba ng tubig ang inuminan ng mga aso ko," pagsisinungaling niya. "Oh, okay." Ibinalik na rin ng babae ang atensiyon sa trabaho. Hindi niya alam kung bakit nagsinungaling siya rito. Pero pakiramdam niya, tama ang ginawa niyang pagsisinungaling. Unti-unti at pasimple siyang napatingin kay Dolus. Abala na rin ito sa pagtitipa. Then, she realized something. She does not trust this woman. *** The rest of the day went pretty smooth. Sabay sila ni Dolus lumabas mula sa gusaling pinagtratrabahuhan. She made sure that Dolus does not suspect a thing. Hindi pa rin niya alam kung bakit wala siyang tiwala rito considering na ito ang pinakamalapit niyang kaibigan sa trabaho. Pero iyon ang sinasabi ng utak niya; na huwag niyang pagkatiwalaan ang babae. May ikinukwento sa kaniya si Dolus na kung ano, habang papalabas sila mula sa building. Ngunit hindi niya masyadong maintindihan. Lumilipad ang isip niya. Kanina pa niya sinusubukang alalahanin kung ano ang bagay na nakalimutan niya. "Mayhem." Natigilan siya nang makita si Night sa hindi kalayuan. Nakatayo ito sa labas ng gusali at tila hinihintay siya. "Night?" Wala sa sariling pagtawag niya sa pangalan nito. Kanina pa ba siya hinihintay nito? "Hey," Lumapit sa kaniya ang binata at hinalikan ang pisngi niya. Agad na namula ang magkabilang pisngi niya dahil doon. Pasimpleng sinundot ni Dolus ang tagiliran niya."Siya ba?" Nanunudyo nitong bulong. Nang tingnan niya ito ay inaangat-baba pa nito ang mga kilay nito. Pinigilan niya ang matawa dahil doon. Tila ba nakaramdam siya ng mumunting kilig. "Hello, ako si Dolus. Kaibigan ako ni Mayhem. Nice to meet you." Inilahad ni Dolus ang kamay sa tapat ng binata. Kumunot ang noo ni Mayhem nang hindi kaagad abutin ni Night ang kamay ng babae na nakalahad. Ilang saglit na nakatitig lamang doon ang binata. "Night...?" Alanganing pagtawag niya sa pangalan nito. Doon lamang kumilos ang binata at inabot na ang kamay ni Dolus. "Nice to meet you," kaswal na sabi nito at agad ding binatawan ang kamay ng babae. "Paano ba 'yan, Mayhem. Mauna na ako. Ingat kayo ha?" Paalam ng babae. Tumango-tango siya. "Ikaw din, Dolus. Mag-ingat ka sa pag-uwi." Tumalikod na ang babae at nagsimulang maglakad palayo. Ang direksyon na tinatahak nito ay opposite ng direksyon na tatahakin nila ng binata. "Let's go," sabi rin ng binata bago tumalikod. Ilang saglit niyang natitigan ang papalayong bulto ni Dolus, bago tuluyang sumunod kay Night. "Night, wait for me!" Saglit namang tumigil sa paglakad ang binata upang hintayin siya. "Magkakilala ba kayo ni Dolus?" Tanong niya habang naglalakad. May kunot sa noo ng binata. Bakit kaya? Umiling ang binata. "No," maiksing sagot nito. Ang mga mata nito ay nakatutok sa daan. "Why?" Umiling din siya. "Ah, wala naman..." Sa daan na lamang din niya itinutok ang kaniyang mga mata. Binalot na sila ng mahabang katahimikan pagkatapos niyon. Sa hindi kalayuan ay may nakita siyang lamay. May tent doon na puno ng mga nakaputi at umiiyak na tao. "A place full of negative emotions." Mahinang sabi ng binata. Nakatutok na ang mga mata nito sa lamay. Nag-isang linya ang labi niya nang marinig ang sinabi ng binata. Pamilyar na pamilyar ang linyang iyon sa kaniya. Umikot ang isip niya. Iba ang sinasabi ng body gesture ng binata sa salita na lumalabas sa bibig nito. Hindi siya tanga upang hindi iyon mapansin. Hindi niya mapigilang mapatitig sa likod ng binata. Nauuna kasi ito nang kaunti sa paglalakad kaysa sa kaniya. Something is wrong. Iyon ang pinagsisigawan ng buong pagkatao niya. May hindi tama sa nangyayari, hindi niya matukoy kung ano. Parang may nalimutan na naman siya na kung ano. What the hell is happening to her mind? Napapitlag siya nang bigla na lamang may sumagi na bagay sa kaniyang isip. Kagabi, sinabi niya sa sarili niya na kailangan niyang makapasok sa unit ng binata upang makita kung may mga gamit ito. At kagabi, nakapasok nga siya sa unit ng binata. Coincidence lamang ba iyon? Para bang sinadya ng pagkakataon na may mangyari sa kanila upang makapasok siya sa unit nito. Para bang nabasa ng binata ang nasa isip niya. Hindi kaya sinadya ng binata ang nangyari? Para hindi niya ito paghinalaan? Gumuhit ang sakit sa dibdib niya sa hindi malamang kadahilanan. Para bang pinaglalaruan lamang siya nito. "Mayhem?" Napapitlag siya nang maramdaman ang mainit na palad ni Night sa kaniyang pisngi. Wala sa sariling napaatras siya at parang napapaso na lumayo mula rito. Bumalatay ang sakit sa mukha ng binata dahil sa paglayo na ginawa niya. "What's wrong?" May pag-aalalang tanong nito. "Are you okay? Did I do something wrong?" Pero wala siyang pakialam sa ekspresyon nito. Ngayon ay mas lumala pa ang kaniyang hinala na ito at ang lalaki sa kaniyang panaginip ay iisa. Naglaho ang lahat ng kilig na nararamdaman niya. Nanginig ang kaniyang kamao. "May—" Galit niyang hinatak ang kuwelyo ng suot nito. Halata ang pagkabigla sa ekspresyon nito dahil sa ginawa niya. Ngunit wala siyang pakialam doon. Nanginginig ang buong kalamnan niya dahil sa hindi maipaliwanag na galit. Ano ba ang gusto ng lalaking ito? Ano ang makukuha nito sa kalituhang ibinibigay nito sa utak niya? Masakit ang kalooban niya. Laro lamang ba para sa lalaking ito ang lahat? Ang nararamdaman niya, wala ba iyong halaga? Ibig sabihin, wala ring halaga rito ang nangyari sa pagitan nila. Ginawa lamang iyon ni Night upang mapagtakpan ang tunay na pagkatao nito. "You..." nanginginig ang sulok ng kaniyang labi. "Why are you fvcking messing with my mind?" Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD