Hindi ko hinayaang mamayani ang takot sa katawan ko sa kabila ng pagbabanta niya sa akin na ako na ang next target niyang patahimikin. Dahil una sa lahat, hindi niya ako basta-basta magagalaw sa mismong pamamahay namin dahil anytime ay p’wede akong humiyaw rito at magsisipasukan agad ang mga guards… at p’wedeng strategy na gawin ko ‘yon para ipahuli si Sam. Subukan niya lang talaga ako na sagarin. “Kung ako sa iyo, mag-ingat ka na simula ngayon. Bantay-sarado ka na ng mga mata ko… at kapag nakakita ako ng tamang tyempo na hulihin ka, hindi ka na makakauwi sa asawa mo nang buhay,” pagbabanta pa nito sa akin nang siguro ay mapagtanto niyang hindi niya ako p’wedeng galawin hangga’t nandito siya sa bahay namin. “Bakit hindi ka na lang makipagtulungan sa akin?” Tinapangan ko ang sarili ko

