"A-Ano?" Hindi makapaniwalang tiningnan ko silang tatlo na nasa harap ko ngayon. Nananaginip ba ako? O baka nababaliw na?
"Okay, we will give you a week to think about the offer," rinig kong muling tugon no'ng lalaki kung kaya't nabalik sa kanya ang atensyon ko. "Baka kasi isipin mong sapilitan ka naming i-hire. We respect your decision, so I think a week is enough for you to think about accepting the job. Kung ayaw mo talaga, then we'll look for another one to replace you…"
"Kaya lang baka pagsisihan mo," dagdag nito tiyaka umangat ang sulok ng kanyang labi. "Isipin mo na lang 'yong halaga ng pera na pwede mong kitain sakaling pumayag ka… hindi ba't nakakapanghinayang kung ibibigay mo na lang sa iba?"
"Bakit? Magkano ba ang kaya n'yong ipasahod sa akin?"
"Triple ng pwede mong sahurin sa trabaho at part-time job mo," sagot nito.
Seryoso ba? Triple?! Ang laking halaga no'n at… ang tanga ko na lang talaga 'pag 'di pa ako pumayag.
"Pag-iisipan ko," imbes na pagpayag ay 'yon ang naging sagot ko. "Bigyan n'yo ako ng isang linggo para pag-isipan ang alok n'yo."
"Kapag may desisyon ka na, just give me a call."
Umalis na ako pagkatapos ko 'yong pakinggan. Kung bakit nagdadalawang-isip ako sa pagpayag sa trabahong inaalok nila sa akin, 'yon ay dahil takot ako sa maaaring kahinatnan no'n. Gusto ng lalaking 'yon na magpanggap akong asawa niya, pero paano 'pag natimbog ako? Sasaluhan man lang ba ako ng lalaking 'yon o ililigtas? O hahayaan niya lang akong lumutang sa ere?
Kaya ako natatakot na tanggapin 'yong trabaho. Although malaki nga ang kita, baka naman sa kulungan pa ang bagsak ko 'pag nagkahulihan na.
---
"Gusto ko kasama kita sa pag-attend ng press conference,"
"That's why you didn't attend?!" hindi makapaniwalang tanong ko. "Xy, hindi ba't nagpaalam ako sa iyo kahapon na hindi nga ako makapapasok sa trabaho dahil may mahalaga akong inasikaso?!"
"Hindi ako pumayag---"
"Can't you understand?! Huwag ka naman sanang palagi lang dumepende sa akin, okay? Kung nasanay man kitang tino-tolerate 'yang katamaran mo, I think it's time for me to resign…" Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. "And it's now time for you to look for another PA."
"Nang dahil lang hindi ako um-attend sa presscon, mag-r-resign ka?"
"You know that's not the only reason." Pilit kong ikinalma ang sarili. "Nasasanay na kitang dumedepende sa akin, and I know it's no longer good for you. Kailangan mo rin matutong maging independent, that's why I'm doing this."
"But you can teach me how to be independent without resigning! Alam mong ayaw kong humanap ng kapalit mo, gusto ko ikaw lang!"
Napapikit ako nang mariin. "Okay, for the last time, I will consider it. Pero sa oras na ulitin mo ulit ito, mag-r-resign na talaga ako."
Narinig ko pa ang ginawang pagtawa niya, seems like he sound relieved upon hearing my answer. "I knew it, you can never leave me, Julie. So do I."
"It's not like that." Umirap ako bago naupo sa sofa, siya naman ay nasa kama niya habang nakatuon ang atensyon sa isang magazine. "Tinatamaan na rin kasi ako ng konsensya everytime na nagsisinungaling ako sa mga tao para lang pagtakpan 'yang katamaran mo."
Kita kong naibaba niya ang hawak na magazine para silipin ako. "Nakukulangan ka na ba ngayon sa sinasahod mo? Padagdagan ko ba?"
"Malapit ka na talagang b-um-ingo sa akin, Xy. 'Wag mo pang ayusin 'yang pagsagot mo sa akin, sige."
"I'm just asking---"
"Try to use your mind sometimes!" pagalit na tugon ko. "Hindi ako nakukulangan sa sahod, okay? Gusto ko lang gawin kang independent, tiyaka para na rin turuan kang maging professional artist. Hindi gawain ng isang matinong artista na pagsinungalingin 'yong PA niya para pagtakpan 'yong katamaran niya, gets mo ba ako?"
"You're so triggered," tumatawa niyang sabi sa kabila ng pagiging seryoso ko. My gosh, I'm gonna quit!
Tuluyan na akong tumayo sa sofa. "Babalikan kita rito to accompany you to a press conference for your upcoming drama with Tanya. Get yourself ready." Without letting him speak, lumabas na ako ng kwarto.
Mahigit dalawang oras pa naman bago maganap ang press conference, I think may enough time pa ako na makapag kape sa labas. May nearest coffee shop naman dito sa FYP Building, at least for a minute ay makakapag-enjoy akong magkape man lang.
Weird man pakinggan pero comfort food ko ang kape. Kung ang iba ay kinakabahan 'pag umiinom daw sila ng kape, ang tama naman nito sa akin ay pinapakalma ako nito, na-r-relax ako sa lasa at amoy pa lang ng kape.
To my biggest surprise, nadatnan ko pa sa loob ng café ang friend ko na si Suzy. Hindi ko man alam kung bakit napadpad yata siya sa lugar na pinagtatrabahuhan ko, agad ko siyang nilapitan at kinausap.
"Long time no see," pagbati ko.
"Parang no'ng nakaraang araw lang tayo nagkita, na-miss mo ako kaagad?" Kahit na seryoso ang mukha niya, alam kong may bahid ng pang-aasar ang sinabi niya.
"I have something important to tell." Matapos kong maka-order ng kape at makuha 'yon from the counter, nagsimula na akong chumika. "Iyong tungkol sa---"
"Alam ko na 'yan!" pagputol ni Suzy sa akin. "Natanggap ka sa audition, 'no? Nako! Sinasabi ko na nga ba, gusto pa rin talaga ng puso mo na i-pursue ang pag-arte!"
"Hindi!" Umirap ako. "Nag-audition nga ako at natanggap naman ako…."
"O, edi tama ang prediction ko!"
"Mali!" I replied, "kasi hindi ko inaasahan na hindi para audition for aspiring actors and actresses 'yong ibinida mo sa akin!"
"Ano?!" gulat niyang sambit. "E, ano pala 'yon? Audition para saan?"
"Seems like that audition was for them to look for a woman na magaling umarte…. magaling magpanggap."
"Wait, wait. Hindi ko gets, e. Ipaliwanag mo nga nang maayos, Julie!"
I heaved a long sigh. "Natanggap ako sa audition at sinabi sa akin na magpanggap daw akong asawa no'ng lalaking nagpapa-audition. 'Yong lalaking akala ko ay naghahanap ng potensyal na maging artista ng agency nila…. 'yon pala ay ang pakay talaga ay humanap ng babaeng pwedeng magpanggap na asawa nito."
"Kabaliwan ba 'yan? Nako, Julie! Baka pina-prank mo lang ako, huh!"
"Hindi nga!" naasar kong sambit. "Malaki nga raw ang pwede kong kitain sakaling pumayag ako. Ang problema nga lang ay natatakot ako 'pag dumating 'yong araw na magkabistuhan na… paano na ako?"
Gusto ko sanang tawanan si Suzy dahil sa puzzled look niya ngayon, pero hind magawa dahil ako itong problemado sa sitwasyon. Kailangan ko ng opinyon ni Suzy… kung papayag ba ako sa offer o hindi..Tutal siya rin itong nag-udyok sa akin na mag-audition, dapat lang na panagutan niya ako.
"Oh… okay. Gets ko na." It took her to drink five glasses of water bago niya tuluyang ma-absorb ang sinabi ko. Grabe, napaka slow naman nitong friend ko!
"Gawin mo na lang basehan sa pagpayag mo kung gaano kalaki ang pwede mong kitain. Kung tiba-tiba ka sa swelduhan diyan, edi go! Patulan mo na, once in a lifetime lang dumating ang blessing, Julie!"
"Siraulo ka ba? Paano nga kung magkabistuhan? Oo nga't malaki ang ipinangakong sweldo sa akin ng lalaking 'yon… pero doon ako kinakabahan sakaling magkabistuhan. Ano na lang mangyayari sa akin 'pag nalaman ang tungkol sa pagpapanggap ko na asawa ng lalaking 'yon? Kumita nga ako ng malaking pera, baka sa kulungan naman ang diretsyo ko!"
"For sure naman hindi ka niya pababayaan, Julie. Sakaling gawin man ng lalaking 'yon sa iyo 'yan, 'wag kang mag-alala kasi tutulungan ka namin ni Drian. Irerekomenda ko ba naman sa iyo 'yong tungkol sa audition kung hindi kaibigan ni Drian ang lalaking 'yon at wala kaming tiwala sa kanya? Mapagkakatiwalaan naman siguro siya, kaya i-grab mo na."
"Hindi ba't nangangailangan din kayo ng pera pambayad sa mga utang? Ito na 'yon, Julie. Blessing na ang lumalapit sa iyo, i-grab mo na!"
Sabagay, nauto naman ako ni Suzy. Kung nagawa nilang pagkatiwalaan ang lalaking 'yon, ibig sabihin pwede ko rin siyang pagkatiwalaan. Basta bahala na 'pag nagkahulihan! Kapag ako nakulong man, isasama ko 'yong lalaking 'yon sa kulungan… at doon kami magmamahalan. Kaunting landi lang syempre. Gwapo, e.
---
[Have you made your decision?] ang bungad sa akin sa kabilang linya.
"Pwede ko ba munang itanong kung bakit kailangan mo ng babaeng magpapanggap bilang asawa mo?" kuryoso kong tanong.
Narinig ko ang pagtikhim nito. [My mom just died a few weeks ago. Kinausap ako ng family lawyer namin about the heirloom that my mother had left to me… unfortunately, nagkaproblema ko na i-claim 'yon. Hinihingan ako ng lawyer namin ng marriage certificate before ko makuha ang mana. And it's so frustrating!]
[That's when I knew na no'ng araw na kinausap daw ng mother ko 'yong lawyer, my mother had assumed na sa araw daw na mamatay siya, sigurado raw siyang mayroon na akong asawa. And the marriage certificate has been born. Little did my mother know, she expected na maikakakasal kami ni Bianca, ex ko na ngayon, but it turns out the other way around.]
"Have you tried na makipagbalikan sa ex mo?"
[Siya ang nakipaghiwalay sa akin because of a third party… she's with another man now. And already had her own family.]
Matapos marinig ang kwento niya, bigla akong naawa sa kanya. At mas lalo kong naintindihan 'yong matinding pangangailangan niya sa isang babae para magpanggap bilang asawa niya.
Sana hindi ako karmahin sa desisyong gagawin ko. Sana hindi ko ito pagsisihan bandang huli.
"Pumapayag na ako," ang sagot ko.
[Do I hear it right?]
"Oo." Muli ay huminga ako nang sobrang lalim bago nagpatuloy. "Payag na ako sa contract marriage na gusto mo."