Chapter 2

1887 Words
Panay ang pagpupunas ni Laila ng pawis habang kinukusot ang mga damit sa isang batya. Kumukuha s'ya ng labada sa ilang kapitbahay n'yang nagpapalaba sa kanya at isa lang yon sa mga raket n'ya para kahit papano ay kumita ng pera. Kailangan n'yang makatulong sa magulang sa kahit na anong paraan dahil parehas na trabahante lang ang mga ito sa Hacienda Montellano sa kabilang gulod/pook. Medyo malayo iyon sa bahay nila kaya kalimitan ay naiiwan s'yang mag-isa sa bahay dahil minsan ay doon na ang mga ito nananatili at tuwing weekend na lang umuuwi ng bahay. Kailangan pa kasing mamasahe mula sa bahay nila hanggang Hacienda kaya mas pinili ng mga itong lingguhan na lang umuwi para na rin makatipid sa gastos. Dahil nga sa may kahirapan ang kanilang pamumuhay sa isla, sa murang edad ay natuto s'yang humanap ng mapagkakakitaan. Nasubukan na rin niyang magtinda ng street foods, magtinda ng gulay at isda sa palengke, pumasok bilang katulong at marami pang iba. Hanggang sa nasanay na rin s'ya sa lahat ng gawaing bahay at namulat sa reyalidad na napakahirap mabuhay kung walang pera. Kaya iba't-ibang raket at trabaho na rin ang pinasok n'ya kung saan n'ya nakilala at nakasama ang kaibigang si Danica. Mabait at masipag ito kaya mabilis n'ya itong nakasundo. Nakakalungkot lang dahil nakatira ito sa kabilang pook kung kaya't minsan lang din sila magkita. At ang huling balita n'ya dito ay sumama ito sa kapatid nito sa ibang bansa kasama ang Lola nito at buhat noon ay wala na s'yang balita sa kaibigan. Pero umaasa pa rin s'ya na sana isang araw ay muling magtagpo ang landas nilang dalawa dahil sobrang tagal na buhat ng huli silang nagkita. At sana kung nasaan man ito ay lagi itong nasa maayos at mabuting kalagayan. Sa edad na twenty-one marami na s'yang pinagdaanang hirap sa buhay. Dahil nga sa murang edad ay namulat na s'ya sa kahirapan kung kaya't natuto rin s'yang tumayo sa sariling paa. Kumikita na s'ya ng sarili n'yang pera kahit noong nag-aaral pa s'ya at sa sariling sikap ay nakatapos s'ya ng highschool. Yon nga lang hindi na siya nakapag patuloy pa dahil bukod sa mahirap ang buhay ay kailangan pang tumawid dagat patungong lungsod para doon magkolehiyo. Bukod sa wala s'yang pangtustos doon ay hindi n'ya rin kayang iwanan ang magulang sa Isla. At kung sa usaping pag-ibig naman ay meron din s'ya. Meron siyang kasintahan na kababata niya at halos kaklase rin niya mula elementary hanggang highschool. His name is CJ Rosal. Hindi sila noon pa man mapaghiwalay kaya lagi silang tampulan ng tukso noon. Matalik silang magkaibigan noong umpisa hanggang sa simulan s'ya nitong ligawan at sinagot n'ya ito noong araw ng pagtatapos nila ng sekondarya. Parehas silang naging masaya sa relasyon nila at mas lalong naging dikit sila sa isa't-isa. Naging legal sila sa magulang at tanggap naman sila pareho. Medyo nakaka-angat ang mga ito sa buhay pero hindi yon naging hadlang para tanggapin s'ya sa partido nito. Pero ang malungkot na parte ay kailangan nilang magkalayo dahil nag-aaral ito sa lungsod at tuwing bakasyon lang nito sila nagkikita. Minsan lang din sila magkaroon ng komunikasyon pero hindi lumilipas ang isang linggo ng hindi ito tumatawag or nagtetext sa kanya. At kahit ganoon lang ang komunikasyon nila, kuntento na s'ya doon dahil mahal n'ya si CJ at malaki ang tiwala n'ya dito. Kilala n'ya ito mula pagkabata kaya ganon kalaki ang tiwala n'ya sa kasintahan. Para sa kanya nakikita n'ya sa katauhan ni CJ ang gusto n'ya sa isang lalaki. Syempre minus agad ang yaman ng mga ito dahil minahal n'ya ito ng hindi dahil don. Bukod sa napakabait at mga magandang katangian nito may ibubuga rin ito sa pisikal na anyo dahil may lahi ito. Matangos ang ilong, maputi ang kutis at medyo matipunong katawan. At mas lalong nagiging matured ito sa paglipas ng taon at nasasabik na s'ya muling masilayan ang nobyo sa nalalapit nitong bakasyon dito sa isla. She's really excited na muling masilayan ang lalaking minamahal. Sa katunayan naka-plano na ang lahat para sa kanila na may bendisyon na ng magulang nila pareho. After nitong maka-graduate magpapakasal na agad sila. Nagpropose ito sa kanya noong huling bakasyon nito dito sa Isla at isa pa sa katangiang minahal n'ya sa kasintahan ay ang pagiging gentleman nito at may respito ito sa kanya. Wala naman s'yang dahilan para hindi ibigay ang sarili dito pero hindi ito nagbibigay ng motibo o kahit ang hilingin 'yon sa kanya. Kahit ang mga halik nito ay sa noo o pisngi lang n'ya. Dahil para dito, sapat na ang magkasama at magkayakap lang sila hangga't hindi pa sila kasal. Napaka-swerte n'ya talaga dahil isang CJ Rosal ang ibinigay sa kanya. Naputol ang pagbabalik-tanaw niya ng tumunog ang cellphone n'ya na nakapatong sa mesa hindi kalayuan sa pwesto n'ya. Noon n'ya lang din nalaman na malawak s'yang nakangiti habang binabalikan ang mga alaalang iyon na ikinakamot n'ya sa noo. Nakatigil pala s'ya habang malalim ang kanyang iniisip, papano s'ya makakatapos agad? Tumayo s'ya at tinuyo ang kamay sa suot n'yang damit bago pinulot ang luma n'yang cellphone. Kunot noong sinagot n'ya yon dahil hindi n'ya kilala kung sino ang tumatawag. "Hello? Sino to?" simula n'ya dahil kung hindi n'ya 'yon kilala ay ibababa n'ya agad. Uso pa naman ngayon ang mga modus nilang tinatawag. "Hello, Laila! Ako to si Danica!" masayang wika ng nasa kabilang linya na ikinalaki ng mata n'ya. Oh my God! Ang bilis namang dinggin ang panalangin n'ya. "Danica? Ikaw ba talaga yan? Kumusta ka na? Nasaan ka? Nakabalik ka na ba dito sa Isla?" sunod-sunod n'yang anas at narinig n'ya ang mahina nitong pagtawa. "Oo ako talaga 'to. Nasa byahe pa lang kami pabalik d'yan sa isla. At kaya ako tumawag sa'yo ay para humingi sana ng pabor," "Pabor? Ano yon? Syempre naman ikaw pa ba, basta makakaya ko go lang ako!" masayang anas n'ya na sinamahan pa n'ya ng mahinang pagtawa. "Uhm, gusto sana kitang kuning babysitter ng kambal ko. Kahit pansamantala lang," anas nito na ikinabilog ng mata n'ya. Wow! May kambal na ito? "Wow! May anak ka na at kambal pa! Oo naman, payag ako. Kailan ba?" excited na anas n'ya dahil totoong namiss n'ya ang kaibigan. At parang madami na itong utang na kwento sa kanya. Magigisa n'ya talaga ang kaibigan once na magkita sila. "Salamat. Ngayon din sana. Malapit na kami sa Isla at pumunta ka na lang sa hotel na tutuluyan namin. Itetext ko na lang sa'yo kung saan," "Ano ka ba, wala yon. What friends are for di'ba? Pero madami kang utang na kwento sakin kaya dapat ikwento mo sakin lahat-lahat pag nagkita tayo," pagbibiro n'ya na parehas nilang ikinatawa. "Oo naman. Pasensya na sa abala at salamat ulit," Naputol ang pag-uusap nila pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi n'ya. Maya-maya ay may nareceive s'yang text message galing sa kaibigan at laman nun ang hotel kung saan ito tutuloy. Muli s'yang bumalik sa paglalaba para mabilis s'yang makatapos dahil pupuntahan pa n'ya ito mamaya. Malapit na rin naman s'yang matapos at kailangan na lang n'yang banlawan at isampay lahat ng nalabhan. Ihahabilin na lang n'ya 'yon sa may-ari ng damit na kapitbahay lang n'ya. At sobrang excited na s'ya para mamaya sa muling pagkikita nilang magkaibigan. ...... Dala ang ilang gamit, nagtungo s'ya sa hotel na tinutukoy ng kaibigan sa text message na natanggap n'ya. Bumaba s'ya ng sasakyan at tiningala ang medyo may kalakihan at kataasang hotel na may malaking pangalan sa taas non. Hindi iyon ang unang beses na nakapunta s'ya sa lugar na 'yon pero 'yon ang unang beses na makakatapak s'ya loob non. May kamahalan din kasi dahil isa 'yon sa hotel na patok at tampok sa isla. Pumasok s'ya sa loob at itinanong sa receptionist kung anong room number ang nakapangalan sa kaibigang si Danica. Mabait naman ang babae at pinasamahan pa s'ya sa isang staff hanggang sa makarating s'ya sa tamang floor. Napakaganda ng loob ng hotel at mas doble ang ganda na meron ito kumpara kung titingnan ito buhat sa labas. Kumatok s'ya ng ilang beses sa pinto bago iyon bumukas at bumungad sa kanya ang isang hubad-barong lalaki na tanging boxer shorts lang ang suot na pang-ibaba. Namimilog ang mata n'yang tiningnan ito kasabay ng pagbukas ng bibig n'ya. Hindi dahil sa sobra s'yang nabighani sa taglay nitong kagwapuhan na may katotohanan naman kundi dahil sa nagulat s'ya dahil ang kaibigan ang una n'yang inaasahan na masilayan at magbubukas sa kanyang ng pinto. Mataman itong nakatitig sa kanya at parang biglang nanghina ang tuhod n'ya ng magkasalubong ang kanilang mga mata. Parang nanghihipnotismo yon at napakaganda nong pagmasdan. Medyo nagkukulay-kulay berde ang mata nito at mahahalatang may lahi ito dahil sa natural na kulay pa lang ng buhok nito at mga mata. Maputi din ito at may angkin kataasan dahil hanggang dibdib lang sya ng lalaki. Agad s'yang nag-iwas dito ng tingin pero dumapo ang mata n'ya sa medyo mabalahibo nitong dibdib pababa sa perpekto nitong eight pack of abs and he has a f*****g v-line. Naputol ang pagbaba ng mata n'ya sa katawan nito ng marinig n'ya ang baritono nitong boses. Oh my! Ano bang iniisip n'ya? At kailan pa s'ya natutong mag-appreciate ng kakisigan ng isang lalaki? "Enjoying the view? And you're drooling already Miss," mayabang na anas nito at bahagyang nakataas ang sulok ng labi. Ito ba ang naging asawa ng kaibigan n'ya? Oh god! He's perfect at napaka-swerte ng kaibigan n'ya kung pag-uusapan ang pisikal na anyo nito. He's a total package at sigurado s'yang maraming babae ang maiinggit sa kaibigan n'ya pero syempre maliban sa kanya, may CJ na s'ya. Napaka-perpekto nitong pagmasdan pero hindi niya lang alam kung ano ang pag-uugaling meron ang lalaking kaharap. "Uhm, I'm looking for my friend. Her name is Danica. Are you related to her?" wika n'ya dito habang namumula ang mukha n'ya dahil sa hiya ng mahuli s'ya nitong nakatitig sa katawan nito. Kasalanan din kasi ng lalaking nasa harap n'ya. Tama ba naman na magbukas ng pinto na tanging boxer lang ang suot? Nagkasala tuloy ang inosente n'yang mga mata. "Yeah, she's my sister. Pero wala s'ya dito, may pinuntahan lang saglit pero nasa loob ang kambal. Pasok ka," Sister? Oh my! Ibig-sabihin ito pala ang kapatid ng kaibigan n'ya? Medyo tumabi ito sa pinto para papasukin s'ya pero hindi ito tuluyang umalis doon. Kaya nasagi ng katawan n'ya ang hubad na katawan nito at nagtaasan ang balahibo n'ya sa hindi malamang dahilan. Bigla ring kumabog ng malakas ang dibdib n'ya at ramdam n'ya rin ang mga titig nito sa kanyang likod habang papasok s'ya sa loob ng kwarto. At ng tingnan n'ya ito hindi nga sya nagkamali dahil muling nagkasalubong ang kanilang mga mata. Ngumiti ito sa kanya at agad s'yang nag-iwas dito ng tingin ng kumindat ito. Wat da! Bakit may ganon? Is he trying to flirt with her? Magkakasala yata s'ya ng wala sa oras. Oh my! Kapit lang self! Huwag kang padadala sa tukso, always remind yourself na may CJ ka na. Tama! Huwag kang papadala sa nakapasarap na tuksong nakatayo sa harap mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD