Chapter 3

1297 Words
WALANG BANGKAY NA puwedeng iburol o ilibing. Kalat na sa business world ang pagkawala ng mga magulang ko. Isang linggo rin akong hindi pumasok at kahit araw-araw akong pinupuntahan ng mga kaibigan ko ay mabigat pa rin ang dibdib ko. Sila ang nagbibigay sa akin ng notes sa mga klaseng hindi ko napasukan. Oo nga at bihira ko silang makasama, pero mga magulang ko pa rin sila. Ang mga kamag-anak ko naman ay tumawag at nagbigay ng condolences kahit hindi pa siguradong patay na nga. Sa inis ko ay ini-off ko ang cellphone nang isang linggo at nagkulong lang ako sa kuwarto. Hindi ko magawang umiyak dahil paano mo ipagluluksa ang mga taong hindi mo alam kung humihinga pa ba o patay na sa ilalim ng dagat? Sabado ngayon at ini-on ko ang cellphone. May kaunti pang baterya at nagpasukan ang mga text messages. Nag-register din ang mga missed calls. Hindi ko ’yon pinansin at wala akong sinagot ni isa. Makalipas ang isang buwan ay lutang pa rin ang pakiramdam ko kahit pumapasok na ako sa unibersidad. Mabuti na rin iyon para kahit papaano ay nalilibang ang isip ko.  Pero pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ng lawyer namin.  “Mr. Bonifacio,” bati ko sa kaniya.  “Magandang hapon, Miss Elizondo.” Si Mr. Bonifacio ay kaedaran ni Trining at balo. May isa siyang anak na nag-aaral sa Amerika, si Aleli. Matanda siya sa akin ng tatlong taon at balita ko ay nagma-masteral ito ngayon at patapos na. Pinili kong huwag maupo.  “What can I do for you?” tanong ko sa kaniya. “I’m sorry about the timing but I have been trying to get ahold of you. Hindi ka sumasagot sa tawag at emails ko.” “Para saan? I don’t have business with you... my parents do.” “You mean your parents did.  Bilang nag-iisang anak nila, ikaw na ang may responsibilidad sa lahat. Hindi ka na menor at maaari ka ng pumirma ng mga legal na dokumento, Miss Elizondo.” Napabuga ako ng hangin. Parang may gusto kasi siyangsabihin at ayaw pang diretsuhin. Pagod ako galing sa unibersidad at gusto ko nang magpahinga. “Say what you want to say and leave, Mr. Bonifacio. I don’t want to be rude but I am tired from school and I haven’t had a good night sleep since I heard about what happened to my parents. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakikita and the rescuers are losing hope of finding them,” madiin kong sabi sa kaniya. Bagamat hindi ako sumisigaw ay bakas sa boses ko ang pagmamadali at pagka-iritable.  “Your parents left a huge debt at ang bahay na ito, kasama ng lahat ng ari-arian ninyo at maging ang SEGOI ay pagmamay-ari na ng ib—” “What?! No... no. I have no time for jokes like these, Mr. Bonifacio. Tell me this is is not true,” gulantang na sabi ko sa kaniya. “I am afraid it’s true, hija. Ikinalulungkot ko ang nangyari. Ayaw ipasabi ng iyong ama ang tungkol dito at alam kong kaya sila nagpunta sa cruise na ’yon ay para kumbinsihin ang taong makapagpapaluwag sa kanila sa lahat ng ito.” Napahilamos ako sa aking mukha. “I am not leaving this house. They can take everything else they want but I am staying here,” matigas kong sabi sa kaniya. Lumambong naman ang mga mata nito. “Isa pa ’yan sa kailangan kong i-discuss sa ’yo. Kahit iba na ang may-ari ng bahay na ito ay puwede ka pa ring manatili rito.” “Really?” kunot-noong tanong ko sa kaniya. Sino ba ang herodes na may-ari at ng mapasalamatan ko.  “Pero may kondisyon, hija. At hindi ko alam kung papayag ka.” “Anong kondisyon?” “Malalaman mo lang ang kondisyon niya kung tatanggapin mo ang alok niya.” Kahit kinakabahan ay tumango ako. Sunod-sunod ang lunok na ginawa ko. “What’s the offer?” “You get to stay here and live for almost free kasama na ang pagkain, sagot niya ang matrikula mo at nararapat na baon at ibang expenses ng school.” “Okay, but what’s the catch? I mean, wala naman ibang gagawa ng mga ganitong bagay ng libre at sabi mo nga ay may kondisyon. I am curious to know kung ano’ng kapalit ng lahat ng tulong na ito. Hindi biro ang halaga ng huling taon ko sa unibersidad. At ang patirahin ako rito nang libre lahat ay kalabisan na. I am assuming the new owner is a man? Does he want s*x?” napangiwi si Mr. Bonifacio. “Leave us.” Narinig ko na ang boses na ’yon at ngayon ay mas malagong na. Lalaking-lalaki at tipo bang bawat sabihin ay batas. At kapag tumanggi ka ay may kapalit na kaparusahan. Natatakot akong humarap sa pinanggagalingan ng boses dahil kung panaginip man ito ay...  “I said, leave us,” sabi nito kay Mr. Bonifacio. “And you, young lady... come with me to the study. We have to talk.” Likod na lang niya ang nahagip ko nang humarap ako sa kaniya. Tinungo nito ang study na para bang alam na alam ang bawat sulok ng malaking bahay na ito. It couldn’t be. Ganoon pa man ay sumunod ako sa kaniya, dala pa rin ang gamit ko. Napakatahimik ng bahay at nagtataka ako kung nasaan sina Manang. Pati si Trining ay hindi sumalubong sa akin.  “Have a seat.” Nakatalikod siya sa may malaking bintana at nasa likod ng purong kahoy na desk ni Daddy na inimport mula sa Italy.  “I’d rather stand,” balik-sagot ko sa kaniya.  “Suit yourself. Siguraduhin mo lang na hindi bibigay ang tuhod mo sa sasabihin ko sa ’yo.” Napasinghap ako nang humarap siya sa akin. It washim. Jethro Salmeron.  “W-what are you doing here?” tanong ko sa kaniya. Nagkandautal-utal pa ako. Ang binti ko ay halos maging jelly ace sa kaba at pananabik sa presens’ya niya.  “Listen to me and listen well. Everything you have, I own it now. Every. Single. One. Of. Them. I will pay for all your school expenses and you get to live here until you graduate. As soon as you receive your diploma, you need to leave this house. Wala ka ng driver, wala ka ng kotse. Wala ka ng personal maid, everything you need to do, you have to do it on your own. Kasama na roon ang pagluluto ng pagkain mo at paglalaba ng damit mo. You won’t be sleeping in your own room but at the servant’s quarters here in the main level.” “What?!”  “Oh, I’m not done. After school until ten in the evening and from nine to nine on Saturdays -- you will work here. Walang libre sa mundo,” patuloy nito.  “W-what work?” Although may idea na ako ay gusto ko pa rin na kumpirmahin niya. “You will work as a maid of course. That is if you want me to do the things I said earlier.” “But Jeth—” “It’s Mr. King,” sabi nito na mukhang bagot na bagot sa akin.  Kailan pa siya naging Mr. King? Hindi kaya ibang Jethro Salmeron itong kaharap ko at kamukha lamang niya. May pera pa ako sa bangko. Savings account ’yon na inipon ni Daddy para sa akin noong sumapit ang eighteenth birthday ko. But I couldn’t touch it until six months after my graduation. Gusto ko nang iuntog sa pader ang ulo ko.  “What’s your decision?” “It’s not like I have a choice, do I? Tinatanggap ko. Kailan magsisimula ang lahat ng ito?” nanghihinang tanong ko sa kaniya. “Right now.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD