Chapter 01
3rd Person's POV
"Ang boring naman doon. Walang signal," reklamo ni Janice Khan habang hawak ang phone at todo kuha ng litrato ng gamit nila.
"Wala naman kasi ako sinabi na kailangan niyo sumama," sabat ni Quinn Arandia na kasalukuyang nilalagay ang bagahe sa compartment ng sasakyan.
"Kasi naman Quinny isang beses lang tayo pwede magbakasyon sa buhay natin bilang estudyante. Isang beses lang for god's sake tapos gusto mo magbabakasyon tayo sa probinya ng lolo mo. Pwede naman tayo mag-out of the country pwede sa france, Europe, America sa paris pero bakit sa probinsya," litanya ni Janice habang nakaupo sa bench at pinapaypayan ang sarii.
"6 years, gosh konti na lang iisipin ko ng hanggang ngayon hinahanap mo pa din anv mystery guys na nag-save sa iyo sa lawa," dagdag ni Janice na kinatigil ng binata sa pagsara ng compartment.
"Ohmygod! Alam ko ang expression na iyan! Seryoso!" tili ni Janice na napatayo at tinuro si Quinn na napabuga na lang ng hangin.
"Look, nag-promised ako kay lolo na once a year magbabakasyon ako sa probinsya para dalawin siya. May sakit sa lolo ngayon at gusto ko siya alagaan doon," sagot ni Quinn na hindi dini-deny ang sinabi ni Janice.
"Namimis ko na din ang luto ni nanay Teresa. Iyong pinakbet niya at ginitaang papaya. The best ang luto ni nanay Teresa pagdating ss mga lutong bahay," sabat ni Harris Mendez na kinasang-ayunan nina Renzo Perez at Janice Khan.
Highschool pa lang ay magkakaibigan na ang apat. Solid ang samahan nila lalo na at turingan nila ay halos magkakapatid na.
Every year naging traditon na ng apat na pumunta sa probinsya para samahan si Quinn. Hindi nakarinig ng reklamo si
Quinn sa mga kaibigan except kay Janice na tuwing aalis ay may reklamo ngunit sa huli ay sasama din ito dahil ayaw niya maiwan st matengga sa bahay ng dalawang buwan
"Kung tapos na kayo ilagay niyo na lahat ng gamit niyo sa compartment," ani ni Quinn sa mga kaibigan.
Pinagtulungan ng tatlong lalaki ipasok ang mga gamit sa sasakyan kasama ang mga gamit ni Janice. Nang matapos sila ay sumakay na sila sa sasakyan— nasa passenger seat si Quinn habang si Harris naman ang nagda-drive.
"Quinn, ayos lang ba na umalis tayo? Last year 'nong nagbakasyon tayo sa probinsya ng lolo mo. Galit na galit ang mama," ani ni Harris habang nagda-drive.
"Bakit niya pa kasi ako pinakikialaman. Hindi niya na lang asikasuhin ang bago niyang pamilya," may pagkadisgusto na sambit ng binata bago sumandal at tumingin sa labas.
Quinn Arandia's POV
Pagkatapos ng nangyaring aksidente sa akin sa probinsyo. Literal na naging magulo ang takbo ng buhay ko. Biglang naghiwalay ang parents ko— naghanap ng bagong mapapangasawa ang mama ko at biglang naglaho si papa.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero after 'non halos sina lolo at lola na ang nagpalaki sa akin hanggang sa tumuntong ako ng highschool at kaya ko na ang sarili ko.
Lumuwas sina lola sa manila para lang alagaan ako dahil sa ginawang pangiiwan sa akin ng mama at papa ko. Inalagaan nila ako at ng magkasakit si lolo kinailangan nila bumalik ng probinsya dahil sa kondisyon ni lolo.
Gusto 'man nila ako isama ngunit hindi ako pumayag dahil sa rason na gusto ko tapusin ang pag-aaral ko at maibalik ko ang pabor na binigay nila para sa akin.
Tuwing bakasyon sa probinsya nila ako nanatili kasama ang mga kaibigan ko. Simple ang buhay doon, tahimik at mababait ang mga tao.
Kung pwede lang hindi na din ako aalis dahil nandoon sina lolo pero hindi pwede. Kailangan ko mag-aral ng mabuti at maging karapat-dapat sa mga pinaghirapan nina lolo.
Isa iyon sa mga hiling nila 'nong bata ako at hindi ko sila maaring biguin.
Mahaba ang naging biyahe namin ng araw na iyon apat araw ang biyahe kaya talagang pagdating namin sa lugar pagod na pagod kami. Pababa pa lang kami ng sasakyan sinalubong na kami ni lola at niyakap ako ng mahigpit.
"Lola, kamusta na kayo. Pasensya na mahaba ang biyahe kaya natagalan kami," bati ko kay lola matapos magmano.
"Ayos lang iyon apo, ang mahalaga dumating kayo. Matutuwa sigurado ang lolo mo kapag nakita kayo," ani ni lola bago nilingon sina Janice na nagmano din kay lola.
"Lola! Namis namin pinakbet niyo!" ani ni Renzo sabay kay akbay kay lola na tatawa-tawa.
"Tamang-tama iyon ang niluluto ko ngayon. Alam ko naman kasi na kasama ulit kayo ni Quinn kaya talagang hinanda ko ang mga paborito niyo," natutuwa na sambit ni lola na kinatawa ko.
"Naku lola mapapadami na naman makakain ko," ani ni Harris na hinimas himas pa ang tiyan niya.
"Mga patay gutom talaga kayo," komento ko na kinareklamuhan ng nga kabarkada ko.
"Kamusta naman ako na ilang buwan ko pinaghirapan ang figure ko," ani ni Janice na yumakap pa sa braso ni lola.
"Eh di huwag kang kumain. By the, way walang nagbago sa figure mo baboy ka pa din," banat ni Renzo na naging dahilan para sapukin siya ni Janice.
"Oh siya tama na iyan. Alam kong pagod kayo kaya mas maaga ko hinanda ang pampaligo niyo at mga kwarto niyo."
"Awiiee! The best talaga si lola. Hayaan mo lola mamaya pagagandahin ulit kita ng bongga look— dumadami ulit wrinkles niyo. Mas madami akong dalang skin cares at magugustuhan niyo iyon," ani ni Janice.
"Kayong tatlo— lola ko kaya iyang inaakbayan at hinahawakan niyo. Baka gusto niyo tumabi," ani ko na kintawa nila at kinantyawan na nagseselos ako.
Hindi pa kami nakakapasok sa loob nagkakaingay na kami at talaga naman nakikisabay si lola. Papasok na sana kami sa loob dala ang mga bagahe nang may lumabas sa pinto at napatigil ako matapos makita na ang mga pinsan ko na mukhang papalabas ng resthouse.
"At talagang pumunta ka pa dito," bungad ng pinsan ko na kina-pokerface ko.
"Nabalitaan niya siguro na malala na ang kondisyon ni lolo kaya pumunta dito," bulong ng isa ko pang pinsan.
"Kung wala na kayong sasabihin. Labas na papasok kami," bored na sambit ko.
"Vincent, Gian. Huwag na kayo magsimula ng gulo. Pagod ang pinsan niyo," ani ni lola. Gumusot ang mukha ng mga pinsan ko at nilampasan ako pero bago sila makalampas sa pwesto ko binangga ako ni Vincent.
"Huwag kang kang pakampante dahil katabi mo si lola."
"Iba din tama ng pinsan mo noh, Quinn?" komento ni Harris na kasalukuyang masama ang tingin sa apat na lalaki na papalayo.