Chapter 2 - Rita V Gaspar

1082 Words
Nang nakauwi na si Rita ay pinakain niya agad ang nanay niya upang makaenom ng gamot. Araw-araw ay hindi niya ito nakakalimutan. Bago siya umalis papuntang tindahan ay maaga palang ay nagluluto na siya nang almusal at sinusunod na niyasng tanghalian Gusto man ani Aling Solesad na siya na lamang ang mag-asikasi Dahil kaya pa naman niya ay hindi ito pinahintulutan ni Rita, baka mapagod lamang ito nang sobra at magkasakit lalo. "Nay, inumin niyo na po itong gamot niyo bago po ako umalis." Dinalhan niya ng isang basong tubig at ang gamot nang nanay niya upang uminom. "Salamat, ikaw? Kumain ka naman ba ng mabuti, Anak? Baka pinapabayaan mo naman ang sarili mo ay ikaw naman ang magkasakit." Ngunit naman si Rita sa umiling. "Ayos lang po ako, kaya ikaw naman po ay magpagaling na. 'Wag niyo na po akong alalahanin, kaya ko po ang sarili ko," aniya sa Ina. "Paano po, aalis na po muna ako 'Nay. Pupunta na po ako sa tindahan ko," Paalam niya sa Ina. Ngunit bago 'yon ay kukunin niya na muna ang perang naitabi at ibibigay sa nanay niya, baka kasi may gusto itong kainin at least may madudukot upang bumili. Subalit gano'n na lamang ang gulat niya dahil magulo na ang sakitan niya. Nang tingnan niya ang pinagtataguan ng pera at wala na ito do'n. 300 din 'yon at para 'yon sa nanay niya. Wala nang ibang gagawa no'n kun 'di ang tatay Gaspar niya. Hindi na niya 'to ipapaalam sa nanay niya dahil baka mag-alala na naman. Hahanapin niya ngayon ang tatay Gaspar niya upang kumprontahin. Dali-dali siyang umalis upang hanapin ang tatay niya. Nagtanong-tanong pa siya kung may nakikita kay Mang Gaspar, at ang sabi no'ng isa ay nando'n natutulog sa papag sa lilim ng punong mangga. 'A-ha! Ngayon ang sarap na pala nang tulog mo, dahil nakatungga ka na naman ah!' Nakaisip nang kalokohan si Rita, wala na naman siyang mahihita sa perang kinuha ni Mang Gaspar kung kaya't gaganti siya sa sobrang inis! Nagtungo siya sa tindahan ni Marites upang bumili ng paputok na Pikulo. "Ate Marites, may Pikulo po kayong tinda?" tanong nito. "Oh, ikaw pala Rita. Oo mayro'n, Ilan?" tanong naman ni Marites. "Magkano po ba?" aniya. "limang piso lang isang box ng ganito kaliit." Pinakita ni Marites 'yon sa kan'ya. "Ah...sige bigyan mo ko ako ng dalawa niyan." Agad niya namang binayaran pagkabihay sa kan'ya ni Marites. "Salamat po, dito na 'ko," paalam niya at umalis. Babalikan niya ang natutulog na si Mang Gaspar. 'Tingnan natin kung hindi ka kumaripas ngayon d'yan!' Nagtago siya Rita sa isang puno na med'yo malapit kay Mang Gaspar at sabay-sabay na sinindihan ang limang Pikulo sabay hinagis sa tabi ng papag. Sunod-sunod itong nagsiputukan kung kaya't naalimpungatan si Mang Gaspar. "A-ahhww.. Ngaray! Ngaray!" Hindi pa nakuntento si Rita ay hinagis ang iba pang hawak na Pikulo. "Munangina! Ngaraaaay! A-ahhww! Ngayup!" Halos mamaluktot katatawa si Rita sa likod ng puno ng Talisay dahil sa kagagawan niya. "Wangya! Nginong nayupak ngumawa no'n na angin? Ngumanda nalaga!" galit na sabi pa ni Mang Gaspar. Nang tuluyan na itong magising at umalis at habang kumibot-kibot pa ang bunganga, ay saka na lumabas si Rita na todo sa katatawa. Nagtataka naman si Mang Kanor habang pasalubong na naglalakad kay Mang Gaspar dahil mukhang nagsasalita itong mag-isa. "Oh! Pareng Gaspar napa'no ka't nagsasalita kang mag-isa?" tanong nito sa kaibigan. "Mhano! Munangina! Nginangit'san ango ngang mamutok hamang nanunulog, muset! Ngingil nalaga ango, mare," anito kay Mang Kanor. Galit na galit ito dahil nasira ang tuloy niya at masakit pa man din ang ulo niya. Alam ni Rita na uuwi na ang amain niya kung kaya't sumunod na siya do'n pauwi. "Oh! Gaspar sa'n ka na naman ba galing at mukha kang nalugi d'yan?" tanong ni Soledad pagbungad pa lang na Lang Gaspar. "Maki mho!" singhal naman agad ni Mang Gaspar kay Soledad kung kaya't hiyaan niya na lamang ito. Pagkarating ni Rita ay nilakasan niya ang boses na saktong maririning ni Mang Gaspar. "Naaaayyy! May nakalimutan pala akong ibigay sa in'yo!" tawag ni Rita sa nanay niya. Bigla namang napatigil si Mang Gaspar at nagkunwaring hindi nakikinig. Lumabas naman si Soledad mula sa kusina. "Ano ba 'yon Anak?" nagtatakang tanong naman nito sa Anak.. "Ahh...nakalimutan ko lang itong pera na ibibigay ko sa 'yo, 'Nay. ALAM KO PO KASING WALA NA KAYONG PERA," nilakasan niya ang pagkakasabi no'n na talagang pinaparinig kay Mang Gaspar. Kumibot-kibot naman ang nguso ni Mang Gaspar habang nakikinig. 'Nyabang morket may mera!' Naisipan namang humingi rin ni Mang Gaspar kay Rita ng pera kaya lumabas na ito mula sa silid. "Ngita ango ni mo mimigyan? Mengeng wampepty, mamhili Hempi," ani nito kay Rita ngunit nginisisan lang siya nito. "Bakit 'Tay? Ubos mo na ba 'yong 300? Sa bagay, halata naman dahil nanghihingi ka na," mapang-uyam na sabi naman ni Rita. Bigla namang natigilin si Mang Gaspar at naglumikot ang mga mata. "Ng-nganong ninanabi mho! Na-nala ngakong nginunguha na, namitan mho," maang pa nito. "Oh! Bakit may sinabi ba akong gano'n? Wala naman 'di ba, 'Tay. Bakit alam mong may pera ang damitan ko? Nakita niyo po, ba?" dagdag pa ni Rita dahil huling-huli na si Mang Gaspar. "Munang ngina! Nama't ngindi ngalang ango mumayag nga ngammunin nga ngang ngashawa ngo! Waya ngang wenta! Muset ka!" galit na bulyaw ng amain ni Rita. "Alam mo 'Tay–" pinigilan ni Rita ang totoong emosiyon. "Dapat d'yan sa mga sinabi mo ay masasaktan ako, eh! Kung sa iba pa 'yan galing siguro lumuluha na 'ko ngayon," madamdaming sabi pa nito amain na napupuyos sa galit. "Pero buti na lang pala ay NGONGO ka! Kahit paano ay hindi ako nasaktan," tila wala lang kay Rita ang mga narinig. Paalis na sa si Rita nang biglang lingunin niya muli ang amain. "Pero infairness 'Tay, ha! Lumevel up ang acting mo! Pang heavy drama. Gusto mo upload natin sa t****k, baka magviral ka rin," pang-aasar pa nito sa amain na mas lalong kinausok ng ilong nito sa galit. "Muset nga! Numayas nga sha mahay ngo!" parang mapuputol na ang litid nito sa leeg kung makasigaw kay Rita. Si Rita naman ay tuwang-tuwa dahil kahit paano ay nakaganti man lang sa tatay niyang ni minsan ay hindi siya pinag-malasakitan, tanging ang nanay Soledad niya lamang. "Hep–" awat niya pa sa amain sa iba pa sana nitong sasabihin. "Makapalayas ka, akala mo naman ay may sariling bahay talaga tayo!" Tss..." Samantalang si Soledad naman ay naguguluhan sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD