Pagkapasok ko sa classroom, nandun na pala si Eunice at ang dalawa niyang alalay.
Masama ang tingin nila sa akin na para bang may krimen akong ginawa.
Pero binalewala ko lang sila at umupo sa upuan ko.
Maya-maya, dumating na yung advisor namin.
Isang buong maghapon na naman ang natapos nang walang aberya.
Uwian na.
Naglabasan na rin yung mga estudyante. Iilan na lang kaming naiwan kaya inayos ko na yung gamit ko para makauwi.
Pero paglabas ko, nakaabang sila.
Kinaladkad nila ako sa isang hindi mataong lugar.
Hinawakan ako ng dalawang alalay ni Eunice, tapos pinagsasampal ako ni Eunice.
"Ikaw na basura ka! Anong karapatan mong landiin si Jace?!"
Sa isip-isip ko, *'Di ba hiwalay na kayo?'*
"Ahmm... kala ko ba hiwalay na kayo?" mahina kong sabi.
Tumawa nang malakas si Eunice.
"Oo, hiniwalayan ko siya para mag-effort man lang siya. Tapos saka ko siya babalikan."
Sa isip ko: *Wow. May ganun pala. Talagang malakas tama ng babaeng 'to.*
"Wala naman akong ginagawa. At tsaka hindi kami.
Sayo na siya. Sayong-sayo na siya." sabay irap.
"Kaya pwede ba, pakawalan niyo na ko?"
Binitawan ako ng dalawa niyang alalay.
Itinulak ako ni Eunice nang malakas.
Napaupo ako. Tumama yung kamay ko sa bato at nasugatan.
Medyo malalim. Dumugo.
Napaluha ako sa inis at galit.
"Bwiset na mga babaeng to! Kala niyo kung sino kayo!"
Sa kabilang banda, nandun lang pala si Jace.
Nakasandal habang nanonood sa amin.
Bigla siyang sumulpot.
Inabot niya yung kamay niya sa akin.
Tinitigan ko lang yun nang maluha-luha.
"Tsk." inis na sabi niya.
Hinila niya ako bigla para tumayo at kinaladkad ako kung saan-saan.
"Ba't ba ang hilig mangaladkad ng mga 'to?!"
Hindi ko napansin, nasa rooftop na pala kami ni Jace.
May kinuha siya saglit. First aid kit pala.
Umupo siya sa tabi ko.
Kinuha niya yung kamay ko at pinahiran ng bulak na may alcohol.
Napangiwi ako sa hapdi.
At tuluyan na nga akong umiyak na parang bata.
"Mama..."
Natawa siya. "Tsk. Iyakin. Ang panget mo umiyak." pangbu-bully niya sa akin.
Napahaba na lang yung nguso ko at napairap sa kanya.
Hindi ko namalayan, tapos na pala siyang lagyan ng band aid yung kamay ko.
"Bakit hindi ka kasi lumaban? Sa taray mong 'yan?" tanong niya.
Tumingin ako sa kanya.
"So nakita mo pala. Ba't di mo ako pinagtanggol? Ex mo 'yun ah."
Ngumisi siya.
"At bakit naman kita tutulungan? Tayo ba?"
Namula ako sa sinabi niya.
"At bakit naman kita tutulungan? Tayo ba?"
ulit ni Jace. Nakangisi.
Namula ako. "W-Walang tayo! Wala tayong ano!" mautal utal kong sabi
Napairap ako. "Salamat na lang sa band aid."
Tumayo na ko. Pero hinila niya ulit yung kamay ko.At saktong napaupo ako sa hita nya
"Ah! ano ba"
"Bat ka naman kasi nagmamadali.Thank you sa band aid? yun na yun?"
"Thank you sa pag gamot sa kamay ko." nakatungo kong sabi, hindi makatingin sakanya ng diretso
hinawakan nya yung baba ko at ini-angat
tinitigan sabay lapat ng labi nya sa labi ko at tuluyan na akong hindi nakagalaw
Parang lalabas yung puso ko at tatalon sa malayo
Sobrang pula na nang mukha ko sa hiya
Kinuha niya yung bag ko at binuhat.
"Halika. Ihahatid na kita."
"Ako? Ihatid? Wag na. Kaya ko—"
"Sumunod ka na lang." putol niya.
Pagbaba namin ng rooftop, diretso kami sa parking lot.
At dun... yung motor niya.
Itim. Maangas. Malaki.
Yung tipong isang tingin mo pa lang alam mong mahal.
Lumingon siya sakin.
"Sakay."
Napalunok ako. "Hindi ako marunong sumakay niyan."
Ngumisi siya. Ang yabang.
"Eh di tuturuan kita. Bilis."
Walang nagawa kundi sumunod.
Umupo ako sa likod. Malayo. Isang dangkal yung pagitan namin.
Ramdam ko yung tingin niya.
"Ang layo naman. Mahuhulog ka."
Bigla niyang hinila yung kamay ko papunta sa bewang niya.
"Yakap."
"Ano?! Hindi nga—"
"Yakap. O ibababa kita at iiwan para maglakad ka."
Walang choice.
Dahan-dahan kong iniyakap yung braso ko sa kanya.
Ang tigas ng abs niya. Namumula na naman tenga ko.
Binuhay niya yung makina. VRUUUMMM
"Mahigpit." utos niya.
Lalo kong hinigpitan.
Ang bango niya. Amoy sabon pang mayaman at pabango.
Habang nasa byahe, hindi siya tumitigil kakasalita.
"Ang panget mo talaga umiyak kanina."
"Buti na lang maganda ka pag tahimik."
"Sa susunod lumaban ka. Nakakahiya ka."
Bawat salita niya, kinikilig ako at naiinis sabay.
"Ang daldal mo!" sigaw ko sa hangin.
Lumingon siya ng konti.
"Ano? Ang hina mo sumigaw.San address mo?" at sinabi ko kung saan
Pagdating sa tapat ng bahay namin, huminto siya.
Hindi ako agad bumaba. Natulala muna ako.
"Anong tinitingin-tingin mo?"
Kinuha niya yung bag ko at inabot.
"Dito ka ba nakatira?"
Napabalikwas ako. "Salamat!"
patakbo ako papasok ng gate.
Paglingon ko, nandun pa rin siya.
Nakasandal sa motor. Nakatingin sakin.
Itinaas niya yung kamay nya. At kumaway ng nakangisi
Tapos pinaandar na yung motor at umalis.
Naiwan akong nakatayo. Hawak yung band aid sa kamay ko.
Inaalala yung nangyari sa rooftop
*Bat ba ang hilig nya manghalik*
*Anong klaseng bully 'to?
Nang inis, nang-asar, tapos ihahatid pa?*
Napadilat ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.
Umaga na pala. At naalala ko, Sabado ngayon.
Magkikita kami ni Chelsea.
Gagala kami sa mall at manonood ng horror movie.
Kaya bumaba na ako para kumain at mag-ayos.
Pagkababa ko, nandun si Mommy. Nakatayo at naghahain.
"Morning, Mom."
"Oh, nga pala Tyrah. Di mo sinabi na may pupunta ka palang bisita dito.
Nandun siya nakaupo sa sala. Tawagin mo na para makapag-almusal."
"Ha? Ba't ang aga naman ni Chelsea pumunta?
Kala ko ba 10 AM pa kami magkikita?" pagtataka ko.
Hindi ko na lang muna pinansin.
Umakyat ulit ako sa kwarto para maligo at magbihis.
Baka mainip si Chelsea.
"Anak?!" sigaw ni Mommy.
"Yayain mo muna kumain yung kaibigan mo!"
Hindi ko pinansin at dumiretso na ako sa taas.
Jace Pov
Maaga akong pumunta dito sa bahay ni Tyrah.
Mommy niya ang sumalubong sa akin.
"Good morning po, Ma'am. Nandyan po ba si Tyrah?"
"Yes, iho. Natutulog pa. Halika, pasok ka.
Sakto, kakatapos ko lang magluto. Maghahain lang ako saglit."
Naglibot-libot ako sa loob ng bahay nila.
Cute pala niya nung bata siya.
"Hay nako." sabi ni Tita.
"Sabi ko yayain mo na kumain. Umakyat pa ulit.
Di yata ako narinig." rinig kong sabi ni tita .gising na siguro si tyrah
"Puntahan ko na lang po, Tita. Ako na po ang tatawag sa kanya."
"Sige, iho. Mabuti pa nga."
"Saan po ba yung kwarto niya?"
"Basta pag nakita mo yung pink na pinto, yun na yun."
"Okay po."
Pag-akyat ko, nakita ko agad yung pink na pinto.
"Tsk. Pambata."
Pagbukas ko, walang tao.
Pero may naririnig akong kumakanta sa CR.
Medyo mahina dahil sa lakas ng lagaslas ng shower.
Bigla akong namula at pinagpawisan sa naiisip ko.
"Tsk."
Kaya bumaba na ako. At maya maya pa ay bumaba narin si tyrah
Tyrah's Pov
Matapos maligo, nag-ayos na ako.
Strap top na hapit. Maong shorts.
Tapos pinatungan ko ng long sleeve na white.
Casual pero medyo sexy.
Pagbaba ko, nagmamadali ako.
"Pasensya na Chelsea, ang tagal ko—"
Natigil ako sa paglalakad.
Si Jace.
Nakaupo sa dining table namin. Nagkakape.
Nanlaki yung mata ko.
"Ikaw?! Anong ginagawa mo dito?!
Akala ko si Chelsea?"
Nanlaki yung mata ko. Lumapit siya sakin. Ang lapit.
"morning babe!" pabulong nyang sabi
Amoy na amoy ko yung pabango niya.
Bago pa ko makasagot, nagsalita si Mommy galing kusina.
"Ah, anak. Aalis muna ko. May lakad pa ko.
Kayo na muna bahala dito ha? Kumain na kayo."
"Po?!" sabay kaming napalingon ni Jace.
nakita ko yung nakakaloko nyang ngiti
Kinuha ni Mommy yung bag niya. Ngumiti.
"Sige, mag-almusal na kayo. Iwan ko muna kayo."
At umalis na talaga siya.
Kami na lang.
Sa bahay.
Nag-iisa.
Habang naghahain ng almusal.
Tumingin ako kay Jace. Nakangisi siya.
"Upo na. Baka lumamig pa yung food."
Namumula ako.
*Anong nangyayari?!*