Hindi nalang nagsalita si Emang upang matigil na ang usapan tungkol kay Shahara na Wala namang iba kundi siya lang naman. At natahimik na rin si Sofia at Argus. Ilang minuto lang pinalipas nila ay muli na silang patuloy na naglalakbay. Hangga't sumapit naman ang gabi at malayo- layo na ang kanilang nalakbay. Nasorpresa naman si Emang at Sofia nang ilabas ni Argus ang dala nito mula sa bag ang malaking Tent nito. Binuklat nito iyon upang may mahigaan sila. " Oh see?? kung hindi pala ako sumama Emang ay masolo mo talaga si Argus dahil imagine, dalawa lang kayo matutulog sa loob ng tent na yan? paano nalang kung makalimot si Argus sa condition mo at may mangyari sainyong dalawa? idi dalawa na talaga tayo ang karibal ni Shahara kay Argus." Mahaba pang wika ni Sofia. " Masyado kasing masa

