HINDI pinansin ni Frank ang asawang si Vanessa na naghihintay sa kanya. Alam niya naman kasi na mag-aaway lang silang dalawa. Isa pa, mainit ang kanyang ulo dahil sa kanyang natuklasan tungkol kay Candice. Hindi niya lubos akalain na hindi na virgin ang babaeng kanyang iningatan. Ang babaeng kulang na lang ay habulin niya. May mga bodyguard din siya na nagbabantay rito at hindi iyon alam ng babae pero nakalusot pa rin si Candice. Naisahan pa rin siya nito. Malakas talaga ang kutob niya na kaya nawala ito sa resort ay dahil kasama nito ang lalaki nito. Naiputan siya sa ulo. "Kung kumilos ka ay parang wala kang asawa. Uuwi ka lang kung kailan mo gusto. Anong tingin mo sa akin Frank? Display mo lang dito sa bahay mo?" galit na tanong sa kanya ni Vanessa. "At ano naman ang gusto mong gawin s

