NAKAKAPANGHINAYANG iyon ang naramdaman ni Vanessa dahil sa nangyari sa kanyang asawa. Alam niyang hindi nito matatanggap ng mabilis ang sinapit nito at naiintindihan niya kung magwawala ito sa ospital. Maging sino mang lalaki ay magkakaganun ang reaksyon kapag nalaman mong nawalan ka na ng kaligayahan. Insulto yun kay Frank, lalo na at mahilig ang kanyang asawa pero sa kabilang banda ay hindi niya mapigilang matuwa. Sa wakas kasi ay matatahimik na ito sa babae lalo na kay Candice. Hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti. Hindi niya tuloy alam kung magpapasalamat ba siya sa taong may gawa nun sa kanyang asawa. "May balita ka na ba kung sino ang may gawa no'n sa asawa mo o di kaya na-report mo na sa pulis? tanong sa kanya ni Gio kung kaya napatingin siya sa lalaki. "Are you crazy? At baki

